"Bakit ba ang tahimik mo?" Sabi ni Emman sa akin.
"Walang basagan ng trip." Sabi ko at napatawa ako.
Tumingin sa akin si Emman at napangiti siya.
"Bakit?" Sabi ko naman sa kanya.
"Siguro, ayaw mo lang ipakita yung totoo mong pagkatao. Lalo na yung pagiging maingay at madaldal mo." Sabi ni Emman sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
Gosh... Oo, aminin ko madaldal at maingay ako, pero nadadala ako pag may crush ako eh..
"Ilabas mo lang yang pagkatao mo, walang mangyayari sa iyo kasi andito lang naman ako eh." Sabi niya at binitawan niya na ako.
"Hahaha, alam mo madaldal talaga ako! Salamat nga na nakilala kita kasi kaya kong ipakita yung pagiging maingay ko, pero sa iyo lang!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Hahaha, pero mukha kang nerd dahil sa glasses mo!" Sabi niya sa akin at tinangal niya yung glasses ko.
"Teka, Emman! Malabo kasi talaga mata ko eh!" Sabi ko sa kanya.
Naaaninag ko siya nag-stestep backward para hindi ko siya mahabol.
"Emman naman eh!" Sabi ko.
Tumakbo ako palapit sa kanya pero nagkabangaan pala kaming dalawa.
Natumba siya at natumba ako sa ibabaw niya.
Pinasuot niya sa akin yung salamin..
Nung luminaw na yung paningin ko.
GASH! Tumayo agad ako at yumuko.
Tumayo na rin siya at tumatawa pa siya. Lakas din pala ng saltik ni Emman ano.
"Oh, ayos ka lang?" Sabi niya sa akin.
"OO!" Sabi ko at naglakad ako ng mabilis papunta sa room.
Sumunod naman siya sa akin.
"Eka, next week pala wala ako dito kasi lalaban ako ng Palarong Pambasa para sa Basketball." Sabi niya sa akin at tumabi siya sa akin.
"Ako din naman ah, sa chess." Sabi ko at nag-belat ako sa kanya.
"Hayan na, dumadaldal ka na." Sabi niya at ginulo niya yung buhok ko
.
"BAHALA KA NGA JAN!" Sabi ko sa kanya at tumawa lang naman siya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage -EDITING-
RomanceThey started as friends, turned into enemies, and ended up as lovers, but all of this was according to a deal, an arranged marriage. "Love comes to those who still hope even though they've been disappointed, to those who still believe even though th...