IV

242 4 0
                                    

Almira's POV

Pagpasok namin ng sinehan, sa pinaka-likod kami naupo. Ang seating arrangement: Kyle | Ako | Marco | Faith. Hindi ko alam kung anong movie, bahala sila jan. Kakain lang ako ng popcorn.

Nasa kalagitnaan na ng movie na pinanuod ko rin naman kasi maganda ang story, bakla mang pakinggan, nakakaiyak siya. Napatingin ako kay Marco, ayun Almira magka-holding hands sila, sakit ano? Tumingin ako kay Faith at ang lawak ng ngiti niya.

"Almira, gusto mo---." Napahinto rin si Kyle nang makita niya kung anong tinitignan ko, tumingin ako sa kanya at ngumiti, kahit nagbabanta na ang mga luha ko na kumawala sa dam. Inakbayan niya ako at inilagay ko ang ulo ko sa balikat ni Kyle, "Iiyak mo lang yan." Bulong niya sa akin, at dun ko na ibinuhos lahat.

Ang daming tanong sa utak ko, bakit ganito?

Ako yung unang nagmahal sa kanya, 7 years ko na siyang gusto, bakit hindi niya pa rin ako mapansin?

Lahat na ginawa ko, sumali ako ng drum and lyre kahit na hindi ko keri gumamit ng baton dahil isa siya sa mga instructors, sumali ako ng photography club kahit na laging blured ang mga nakukuha kong pictures, trina-try kong maging top ng klase kahit na tinatamad akong mag-aral para lang makita niya na matalino rin ako, binibigyan ko naman siya ng chocolates araw-araw sa locker niya kahit nakikita kong tinatapon niya lang naman, lagi akong dumadaan sa room nila para kamustahin siya kahit na ang akala nila na gulo lang ang ipinunta ko doon. Bakit? Ang lakas maka-emo. Shet.

Wala na iyak na. Iyak na, Miray. Iyak. Buti nalang nakakaiyak na scene rin yung sa movie, "Hatid na kita." Sabi ni Kyle sa akin, "Marco, uwi na kami masama pakiramdam ni Almira." Sabi ni Kyle kay Coconut, "Almira." Hinigit ni Marco ang kaliwang kamay ko, lumingon ako sa kanya, "So, ngayon paconcern-concern ka." Nginitian ko lang siya at hinigit ko pabalik ang kamay ko.

Pag-uwi sa bahay, nadatnan ko sila Papa sa garden kasama kong pumasok si Kyle, diba nga? Go according with the plan, this fvcking plan, "Almira, who is he?"

"Ma, Pa. Boyfriend ko. Sorry po, nagkamali lang kayo ng rinig noon, gusto ko po kasing pagtripan si Marco kaya ko nasabi yun. Pero, yung totoo po si Kyle po yung mahal ko. Sana po i-break niyo na yung arranged marriage." Nakayuko ako habang sinasabi ko yan, tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko, "Prove it to me." Iniangat ko ang ulo ko at si Papa na ang nasa harap ko, "Prove to me that you don't love Marco, and I'll break the marriage."

"Prove to me that you don't love Marco, and I'll break the marriage."

"Prove to me that you don't love Marco, and I'll break the marriage."

"Prove to me that you don't love Marco, and I'll break the marriage."

Pwede bumack out sa plano namin? Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko kasi.

Arranged Marriage -EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon