CHAPTER 11

185 2 0
                                    

KINABUKASAN

ERRICKA’S POV

Ito ako ngayon suot yung t-shirt at jeans na binili ni Emman para sa akin.

Tinext kasi ako ni Migs na tapos na daw yung Game nila Emman at nanalo daw sila.

Diba nga, ngayon ako aamin na may gusto ako sa kanya?

Para, perfect timing! ^___^

Pagpunta ko sa court wala ng ibang tao doon, si Emman nalang ang natira.

“EMMAN!” Sigaw ko at lumapit ako sa kanya.

Sa gitna kaming dalawa nakatayo.

Niyakap ko siya, pero tinulak niya ako.

“Ano ba Eka.” Sabi niya at sinamaan niya ako ng tingin.

“Emman, may sasabihin lang ako.” Sabi ko sa kanya.

“Ano?!” Sigaw niya sa akin.

“Gusto kita, mahal na kita.” Sabi ko sa kanya.

“Tss Well, isa ka na rin sa mga babaeng minahal ko ng PEKE. Diba nga Play Boy ako? Tapos ngayon mamahalin mo ako? Iba talaga pag gwapo eh, daming nahuhulog pero naloloko naman.” Sabi niya sa akin at nag-smirk siya.

“Hindi yan totoo!” Sigaw ko sa kanya.

“Hahaha, hindi ka pa ngayon naniniwala? Yung halik at yakap kagabi, marami na akong napatikim nun, at isa ka na doon. Masyado ka kasing uto uto eh. Alam mo rin ba na nakipagpustahan lang ako sa kaibigan ko na papadaldalin na kita, kasi ang tahimik mo. Kasalanan ko ba kasing nahulog ka sa akin.” Sabi niya at umiling iling siya.

Halos mapaupo na ako sa mga narinig ko, umiiyak na rin ako..

“EH KUNG HINDI MO NGA AKO MAHAL, BAKIT SUOT MO PA YANG BRACELET?!” Sigaw ko sa kanya.

“Ah eto ba? Souvenir mo, kasi isa ka na rin sa mga babaeng naloko ko. Pero, kung ayaw mong nasa akin ito edeh ganito.” Pinigtas niya yung bracelet at tinapon sa sahig.

Doon na ako mas lalong nasaktan.

“Minahal mo ba ako, kahit na katiting lang o pinaglaruan mo lang talaga ako?!” Sigaw ko sa kanya.

“Girls are my toys.” Sabi ni Emman at naglakad na siya palayo.

Pinulot ko yung bracelet at lalo na akong napaiyak..

Bigla namang umulan, kaya nagmukha tuloy akong basang sisiw..

Bigla namang may humawak sa balikat ko.

“Ihatid na kita sa room niyo.” Sabi ni Migs na may hawak na payong.

Halos hindi ko na kayang tumayo, pagdating namin sa room.

Wala na yung mga gamit ni Emman, wala na nga talaga siya..

Wala na...

Umiyak ako ng umiyak, bakit niya ako nagawang lokohin?!

Bakit anong kasalanan ko....

Arranged Marriage -EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon