CHAPTER 9

190 2 0
                                    

ERRICKA'S POV

10 na ng gabi, HINDI PA RIN AKO MAKATULOG!

Kinikilig ako, SHET! FIRST KISS KO YUN!

WAHHHH! Hindi talaga ako makatulog, ang bilis parin ng tibok ng puso ko..

Sa Friday laban nila Emman sa Basketball, AHA!

After nalang ng game nila ako aamin! Oo! Tama!

Nice timing yun! Alam kong gusto niya na ako dahil sa Kiss na yun..

YAN NANAMAN AKO EH! HINDI NANAMAN TULOY AKO INANTOK!

Lumingon ako kay Emman at nakatalikod lang siya sa akin.

"Mahal ko na nga siya." Bulong ko sa sarili ko.

KINABUKASAN

EMMAN'S POV

Sinabi sa akin ng Coach ko na hinihintay ako ni Erik sa Lobby.

Kilala niyo parin naman kung sino si Erik diba? Yung asawa ng Mama ko.

Pagbaba ko, andoon siya nakaupo lumapit ako.

"Anong kailangan mo sa akin?" I said to him coldly.

Nag-smirk lang naman siya "I want you to have an arranged marriage to one of my stock holders."

“WHAT?! NO WAY!” Sigaw ko sa kanya.

Napapalo naman siya sa table.

“Either you like it or not, you’ll need to marry that girl!” Sabi niya at lumakad na siya paalis.

Napaupo naman ako sa upuan na inupuan niya.

Napasabunot ako sa buhok ko..

“Hindi! Hindi! Si Eka ang Mahal ko! Hindi pwede!” Bulong ko at hindi ko alam na may mga luha na palang pumapatak..

“Pare.” Hinawakan ni Migs yung balikat ko.

Pinunasan ko yung luha ko at humarap ako sa kanya.

“Migs, gusto ko na si Eka eh. Pero masasaktan lang siya kung sasabihin kong kailangan kong magpakasal sa iba.” Sabi ko kay Migs.

“Isa lang ang paraan pare para hindi masaktan si Eka.” Sabi niya sa akin at hinawakan niya yung balikat ko.

“Layuan mo siya.” Sabi niya at tumingin siya sa akin.

Tama si Migs, yun nalang ang tanging paraan para hindi siya masaktan..

Nga-paalam na ako kay Migs at umakyat na ako sa kwarto namin.

Natutulog pa rin si Eka ngayon, tumabi ako sa kanya.

“Eka, mahal na mahal kita. Pero kailangan ko tong gawin para, hindi ka masaktan.” Pabulong kong sabi sa kanya at hinalikan ko yung noo niya.

Papatagalin ko pa ngayon, bukas ko na lang aayusin yung paraan ko kung paano ako makakalayo sa kanya..

Arranged Marriage -EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon