EMMAN'S POV
At dahil masunurin akong fiancee, papatawarin ko na si Papa.
Ayan na ha! Tinawag ko na siyang Papa. Aish.. Kaiba...
Pero, sana naman! Patawarin niya rin ako, mas madami akong nagawang kalokohan eh. Tss..
"Bakit?" Sabi niya at hangang ngayon abot tenga pa rin ang ngiti niya.
"Pa, sorry." Sabi ko sa kanya at yumuko ako.
Bigla niya naman akong inakbayan.
"There is no need to say sorry, Son. Pinatawad na kita noon pa, I guess na kaya ka ganyan sa akin dahil ikaw pa ang may galit sa akin. Sorry for all of my mistakes. Pangako kong hindi ko na kayo iiwan ng Mama mo at kapatid mo." Sabi niya at ngumiti siya sa akin.
"I'll make sure sure that I'll make you very proud of me." Sabi ko habang pabalik kami ng hotel.
"On what you have did today? You make me very proud of you, Son." Sabi niya.
Nung nakita nila Mama na mukhang bati na kami ni Papa, napaiyak si Mama.
Ngumiti lang naman kami ni Papa.
Pati na rin sila Tito at Tita masaya na finally pinatawad ko na si Papa.
Tumabi na ulit ako kay Eka, at halatang nagulat siya.
"Hindi mo talaga pinaabot bago ang kasal ano?" Sabi niya sa akin.
Napatawa naman ako "Syempre, masunurin akong fiancee eh." Sabi ko at hinalikan ko yung noo niya.
"Pare! Congrats talaga! Shet! Nagulat ako na si Eka pala magiging fiancee mo!" Sabi ni Migs na kakapasok lang galing sa labas.
"Hahaha, suwerte ko da pre?" Sabi ko at nagfist bump kami bago siya umupo sa harapan ko.
Tumawa lang naman siya at nilantakan na yung pagkain.
Si Em, nakatulog na sa lamesa. Wala talagang pinipiling lugar tong kapatid ko para matulog, oo.
"Pa, pwede dito nalang muna tayo mag stay? Tulog na si Em eh." Sabi ko at nginuso ko si Em.
"Oh sige, umakyat na kayo sa room na ito. Dalhin mo na si Em doon. Dito ka nalang matulog samahan mo yang kapatid mo." Sabi ni Papa sa akin at ibinagay niya yung card ng room.
Tatayo na sana ako para buhatin si Em, pero biglang may sinabi si Eka.
ERRICKA'S POV
"Tito, pwede po bang dito nalang rin ako matulog?" Sabi ko kay Tito.
"Sure, doon ka na lang rin sa kwarto nila Emman, I trust you both." Sabi ni Tito.
Tumingin ako kila Mama at tumango lang naman sila.
"Thank you po." Sabi ko at tinulungan ko si Emman na buhatin si Em.
"Ma, Pa una na kami." Sabi ni Emman at sumakay na kami sa elevator.
"Bakit gusto mong matulog dito?" Sabi ni Emman sa akin habang naglalakad kami papunta sa room na sinabi ni Tito.
"I want to spent more time with you and also sa cute mong kapatid." Sabi ko habang nilalapag niya si Em sa kama.
Dalawa yung kama sa room, kami ni Emman doon sa malaking bed, sa single bed lang si Em.
"Cute siya, kasi nagmana sa akin." Sabi ni Emman at humiga siya sa kama.
Tumawa lang naman ako, umupo ako sa tabi niya at kinurot ko yung pisngi niya.
"Mas cute ka naman." Sabi ko at ngumiti lang naman siya.
"Bakit nga pala Emerik pangalan ng kapatid mo?" Sabi ko sa kanya habang naghahanap ako ng pwede kong gamiting damit sa bag ni Emman.
"Hindi pa ba obvious?" Sabi niya at tumawa siya.
Binato ko nga ng t-shirt, pilosopo talaga siya poreber.. Pero, akin lang yan poreber.
"Yung Em galing sa Emman ko, yung Erik galing kay Papa." Sabi niya sa akin.
"Eh, bakit Emman yung sa iyo?" Sabi ko at kumuha ako ng tuwalya.
"Yung E galing kay Papa, yung natira galing sa pangalan ni Mama na Manilyn. Tapos dinagdagan nalang nila ng -uel." Sabi niya at umupo siya sa tabi ng kapatid niya.
"Ah, sige ligo na muna ako." Sabi ko at tumango lang naman siya.
Yung gagamitin kong damit? T-shirt ni Emman at tsaka shorts na dala ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis.
Lumabas na ako at nakita ko na si Emman naka t-shirt na pero nakapantalon pa rin.
Nakahiga siya sa tabi ng kapatid niya, tulog..
"Mukha talaga silang kambal, magkamukha na magkamukha. Si Em maliit na version ni Emman." Bulong ko sa sarili ko.
Lumapit ako kay Emman at ginising ko siya.
"Hmm, bakit?" Sabi niya at kinusot-kusot niya pa yung mata niya.
"Masyado ka ng malaki para makisiksik pa jan sa kapatid mo." Sabi ko at napatawa lang ako ng mahina.
Tumayo siya at humiga siya sa kama naming dalawa.
Humiga na rin ako sa tabi niya.
Magkatalikudan kami, aish..
Pero, bigla niya naman akong niyakap.
Humarap ako sa kanya, pero pagharap ko.
Hinalikan niya kaagad ako.. "Good Night, Eka." Bulong niya at nakatulog na siya.
"Good Night, Emman." Sabi ko and I hugged him back.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage -EDITING-
Roman d'amourThey started as friends, turned into enemies, and ended up as lovers, but all of this was according to a deal, an arranged marriage. "Love comes to those who still hope even though they've been disappointed, to those who still believe even though th...