Nahanap ko siya sa mga bench malapit sa fountain.
Hawak niya yung ulo niya at umiiyak siya.
Never pa akong nakakita ng lalaking umiiyak, hindi ko alam pero tumulo na rin pala yung mga luha ko.
Lumapit ako sa kanya at tumabi ako sa kanya.
"Hay,hindi ko akalain na tayo din pala ang ipapaarranged marriage." Sabi ko at napatawa ako, pero umiiyak pa rin ako.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong napangiti siya, pero tuloy pa rin yung pagpatak ng luha niya.
Pinunasan niya naman yun, tapos iniangat niya yung ulo niya at dumekwatro siya ng upo.
"Kaya nga eh, bwisit kasi si Pa--I mean si Erik." Sabi niya naman.
"Huh? Sinong Erik?" Sabi ko sa kanya.
"Papa kong malaki ang saltik." Sabi niya at tumawa pa talaga siya.
Siguro nga malaki ang galit ni Emman sa Papa niya, halatang halata sa mga galaw niya kanina pati na rin ngayon..
"Alam mo, kung sinabi lang talaga ni Papa na ikaw din pala magiging fiancee ko, hindi na sana kita nasaktan eh." Sabi niya at humarap siya sa akin.
Umiiyak ako, narelief ako. Akala ko iba yung papakasalan ko, hindi ko man lang naimagine na si Emman din pala.
Yung taong nag paingay sa akin, nag padaldal, at siya yung taong minahal ko.
Si Emman yun walang iba.
Bigla naman siyang lumuhod at hinawakan niya yung kamay ko.
"Eka, mahal na mahal kita. Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko. Lalo na nung napaiyak kita, hindi ko sinasadya yun. Alam ko na Bad Boy ako, babaero. Pero minahal mo ako at tinangap mo ako. Nung una kitang nakita, ewan ko ba. Ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo. Pero, saka ko lang na realize na ang lahat ng yun, pahiwatig na pala na mahal na kita. Alam mo bang nung nakita na kita kanina, at sabay pa tayong nagturuan, lumulundag yung puso ko nun sa saya. Akala ko iba ang papakasalan, sa iyo ako nag simulang magmahal ng totoo at sa iyo din yun magtatapos."
Huminto siya at nilabas niya yung isang box at binuksan niya.
Napatakip naman ako sa bibig ko, baka kasi makasigaw ako eh, sa sobrang kaba at kilig na rin at the same time.
"Eka, will you be my Mrs. Lim?" Sabi niya at ngumiti siya sa akin.
Napatingin ako sa likod, nandoon sila Mama at Papa, sila Tito at Tita. Yung kapatid ni Emman, pati na rin si Migs.
Lahat sila abot tenga ang mga ngiti.
Tumingin ako kay Emman at ngumiti ako sa kanya.
"YESSSS!" Sigaw ko at napayakap ako sa kanya.
He just hugged me back, pero ramdam na ramdam ko yung kasiyahan sa paligid.
Napaiyak nanaman ako! Pero this time, tears of joy na ito. Hindi na sorrow.
Hinawakan ni Emman yung magkabila kong balikat.
"Aish isa pa, ayaw kong makitang umiiyak ka." Sabi niya at pinunasan niya yung luha ko.
"Masaya lang talaga ako! Basag trip ka talaga Emman!" Sabi ko at niyakap ko ulit siya.
Nilapitan kami ni Em at hinila niya kami papasok sa hotel at umupo kaming lahat ulit sa table.
Masayang masaya silang lahat, lalo na si Emman.
"Emman, galit ka ba sa Papa mo?" Bulong ko sa kanya.
Magkatabi na kasi kami, at mag kaholding hands kami.
"Siguro, mababawasan kasi sa iyo niya ako pinaarranged marriege." Sabi niya at ngumiti siya sa akin.
"Pero, pwede request?" Sabi ko sa kanya.
Binigyan niya lang ako ng "ano" look..
"Gusto ko na pagdating ng kasal natin, bati na kayo ng Papa mo ha! At gusto ko rin na kaya mo na siyang tawaging Papa." Sabi ko sa kanya.
"Yes, boss!" Sabi niya at nag-salute pa siya.
Tumayo si Emman at lumapit siya sa Papa niya, at lumabas silang dalawa.
Huh? Anong paguusapan nila.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage -EDITING-
RomanceThey started as friends, turned into enemies, and ended up as lovers, but all of this was according to a deal, an arranged marriage. "Love comes to those who still hope even though they've been disappointed, to those who still believe even though th...