CHAPTER 12

182 2 0
                                    

MIGUEL’S POV

Tinawagan kasi ako ni Emman kanina, na si Eka daw naiwan sa court nag-papaulan.

Sinigawan niya pa nga ako na dalian ko daw, ayaw niya daw na umiyak si Eka doon.

Nung hinatid ko na nga si Eka sa room nila, halos mag-break down na yung katawan niya sa sobrang iyak..

Palabas na ako ng pintuan ng room ni Eka..

"Sorry Eka sa nagawa ng kaibigan ko, sana intindihin mo nalang na mahal ka niya talaga kaya niya nagawa ito." Bulong ko at isinara ko na yung pintuan.

Si Emman? Nasa room ko, for sure nag-wawala na yun.

Pagpasok ko..

Wow, himala malinis ang kwarto ko. Si Emman, nakahiga sa kama nakatakip yung unan sa mukha niya.

Lagi nga siyang ganyan kapag nagagalit or naiinis siya, hay nako.

"Emman, okay na siya." Sabi ko sa kanya.

Oo, nagsinungaling ako. Kasi baka pati si Emman mag-break down na, or 'di kaya magsuicide na toh.

Napaupo naman si Emman at halatang galit na galit siya sa dahil naka-clinched yung kamay niya..

"BWISIT KASI YUNG ERIK NA YUN EH! PANIRA NG BUHAY! SHIT!" Sigaw niya at napasabunot siya sa buhok niya.

Mukha na nga siyang buang eh..

"Pare, pabayaan mo na. Kailangan mo nalang tangapin na hindi talaga si Eka ang para sa iyo." Sabi ko sa kanya at umupo ako sa sofa.

Nakita ko na napaiyak na si Emman pero pinunasan niya kaagad yun..

"Kailangan kong maging matatag, para kay Eka." Sabi niya ng pabulong pero rinig ko.

Hay nako, ang hirap talaga pag-mayaman ano?

Leche naman kasi, hay nako.. Ano ba yan! Kanina pa ako Hay nako ng Hay nako ah Hay nako talaga!

Ay, bweset! Hay nako! LECHE!

Arranged Marriage -EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon