CHAPTER 5

267 5 0
                                    

*DING DONG*

Napaupo naman ako at tumayo ako para buksan yung pintuan.

Pagbukas ko..

"KUYA!" Sigaw ni Em sa akin at niyakap niya ako.

"Oh, Ma. Bakit kayo andito?" Sabi ko kay Mama habang papunta kami sa kusina ko.

"Hay nako, bakit bawal ka bang dalawin?" Sabi naman ni Mama sa akin at kumuha siya ng Manga sa ref.

"Ma, hindi pa ako patay para dalawin." Sabi ko at binato naman ako ni Mama ng balat ng Manga.

Sabi na eh, kay Mama ako nag mana ng pagka-pilosopo ko.

Binuhat ko si Em at pinaupo siya sa counter ng Kusina.

Nilagay ni Mama yung Manga sa gitna namin ni Em at yung sawsawan sa gilid.

Kukuha sana ako pero pinalo ni Em yung kamay ko.

"Aray ha. Ma! Sinong nagturo kay Em na mamalo ha?!" Sabi ko kay Mama na nilalantakan na yung Manga.

"Abay, malay ko jan sa kapatid mong may pagkasuplado na. Yan kasi nag-mana sa Kuya." Sabi ni Mama at tumawa siya.

Kumuha din ako ng Manga at kumain.

"Hoy ikaw Em. Mas mabuti pa akong tularan mo kesa tularan mo yung Erik na yun!" Sabi ko kay Em at napatingin siya sa akin.

Binatukan naman ako ni Mama.

"Ma naman eh! Ano nanamang ginawa ko?!" Sabi ko kay Mama.

"Sinabing huwag mong tatawagin ng ganun si Papa mo pagka kasama natin si Em!" Pabulong na sabi ni Mama sa akin.

Nginitian ko lang naman si Em..

Pagkatapos nun, nagkwentuhan muna kami ni Mama ng saglit.

"Ma, umuwi na kayo may tulog na sa sala ko." Sabi ko habang nakatingin kay Em na nakahiga sa sofa.

"Hay nako, oh sige na." Sabi ni Mama.

Binuhat ko si Em pababa sa garahe kasi ihahatid ko sila.

Umuwi na rin ako pagkatapos.

Paguwi ko, nag-open lang ako ng Facebook ko.

"Tss, gwapo ko kasi masyado." Bulong ko sa sarili ko.

1,000 likes na yung picture ko eh, iba talaga pag-gwapo.

Tinitignan ko yung mga nag-friend request sa akin at may isa lang akong in-accept.

Si Eka...

Chinat ko naman siya kaagad kasi naka-online siya.

Emman Lim: Grabe, may Facebook din pala ang isang tahimik.

Erricka Lee: :P

Emman Lim: Hahaha, sige good night! Kitakits nalang bukas! ;))

Erricka Lee: Geh, sweet dreams. ^^

Bigla naman kumabog ng malakas yung puso ko.

HAYAN NANAMAN EH! NABABALIW NA ATA AKO! ANO BANG NANGYAYARI SA AKIN?!

Nag-log out na ako at humiga na sa kama ko..

Arranged Marriage -EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon