Chapter 3: The Ball of Death

1.6K 28 6
                                    

-The Ball of Death-

Simula nang magpakita sa magkakaibigan ang batang nananakot at nagbabanta sa kanila ay tila iniiwasan na rin ang mga ito sa loob ng campus nila. Dahil na rin sa mga ikinikilos nila nung mga nakaraang araw.

Madalas nang lumiban ang mga ito, kung minsan ay kinakabahan sila tuwing papasok ang kanilang guro, kung minsan naman ay nakikita sila nang kapwa nila kaklase na nagsasalita mag-isa.

Isang araw ay nagpulong sila sa Activity Center. Apat lang sila pagkakataong yun dahil lumiban na naman ang iba nilang kaibigan.

"Pre, hindi na maganda ito. Masyado nang naaapektuhan ang pag-aaral natin." bungad ni Aljhon at napapunas na lang sa kanyang mukha.

"Kahit magulang ko nag-aalala na rin sakin. Bakit daw ako nagkakaganito? Shit! Nakakaasar!" pahayag naman ni Gerom.

"Bros, kailangan natin alamin kung ano na ang kailangan nang batang yun sa atin. Kung hindi tayo kikilos ay malamang marami ang mawawala sa atin." mungkahi naman ni Nikolai na siya namang nagbigay lakas loob sa dalawang binata.

"Kailangan natin makausap ang iba para dito. Puntahan natin sila mamaya pagka-uwi natin." sabi ni Gerom.

Sa bahay ni Wilzon, Alas kwatro ng hapon ang oras. Sa mga ganitong oras ay naglalaro si Wilzon ng basketball sa isang court malapit sa kanila.

Dumating naman ang apat na si Gerom, Aljhon. Nikolai at Gem sa court. Alam nila na dito nagpupunta ang kaibigan kapag walang pasok.

"Wilzon!" tawag ni Aljhon na agad namang narinig ni Wilzon.

Ipinasa muna ni Wilzon ang bola sa kasama saka lumapit sa mga kaibigan.

"Anong nangyari? bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Gerom.

Napailing na lang si Wilzon at napaupo sa isang bench. "Guys, pasensya na! hindi ko na ito kaya. Ilang araw nang nagpaparamdam sakin yung bata. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para tantanan niya ako!" kwento ni Wilzon at may hawak pa itong keychain na bola na laging nakasabit sa short niya.

"Ibig sabihin naniniwala ka sa hula?" pagkagulat ni Gerom.

Napatayo si Wilzon sa tanong ni Gerom. "Guys, wala ba kayong napapansin? Isang linggo mula nang mahulaan tayo. Ang sabi sakin nang matanda, tatangkad ako basta lagi akong may dalang bola. Ginawa ko yun nang hindi seryoso, inisip ko nga na biro lang ito. Pero tignan niyo." mahabang paliwanag ni Wilzon sa kanyang mga kaibigan at tumindig pa ito ng maayos.

Ikinagulat naman ng apat ang biglang pagtaas o pagtangkad ni Wilzon. Hindi nga nila ito napansin nung una dahil nag-aalala sila. Kung dati ang taas ni Wilzon ay 4'5 lang, ngayon ay 5'6 na at siguradong madadagdagan pa ito.

"Shit! Ibig sabihin totoo nga ang hula? Damn!" bulalas ni Nikolai.

"Pero, pero yung bata? anong gagawin natin sa bata?" tanong ni Aljhon.

Nagkibit-balikat lang si Wilzon. "Kaya nga nagpasya muna akong maglibang para hindi ko na maalala yung batang yun. Malamang ay wala siyang kinalaman dito. Kaya hayaan nalang natin." mungkahi ni Wilzon.

Ngunit umapila lang sina Aljhon at Gerom.

"Hindi pwede to, kailangan natin malaman kung ano ang gusto satin ng batang yun." sabi ni Aljhon.

"Pre, hindi ba magkakabarkada tayo? kaya sama-sama natin tong alamin." dagdag pa ni Gerom na pilit na kinukumbinsi si Wilzon.

"Natatakot na ako Nikolai." bulong ni Gem sa kanyang boyfriend.

Niyakap na lamang niya ito at hinarap si Wilzon. "Bro, baka may mangyari satin nito. Paano kung tama nga yung haka-haka ni Aljhon?"

"Ewan ko sa inyo! basta nakuha ko na gusto ko. Ayoko nang isipan yang pinagsasabi niyo." pabalang na sagot ni Wilzon at tinalikuran ang mga kaibigan.

"Damn! ganito pala sila. Ganito pala ugali niya. Tss." sabi ni Aljhon na may inis na nararamdaman.

Nagpasya na lang ang apat na umuwi at dahil maggagabi na din.

---

Nang makauwi si Wilzon sa kanilang bahay ay agad itong dumiretso sa kanyang silid.

Alas Onse nang gabi ay gising pa ito dahil abala sa paglalaro sa kanyang iphone. May keychain na bola pa ang kanyang phone kaya pinagmasdan niya muna ito.

"Salamat, akala ko nung una hindi ka totoo. Hindi totoo yung hula. Sana mapatawad ako nang gumawa sayo." sabi niya sa harap ng keychain na bola.

Nang madalaw na siya nang antok ay agad niyang tinabi ang kanyang phone sa tabi ng mga bola sa kanyang aparador.

Hindi pa man siya nakakatulog ay agad na nagvibrate ang phone niya. Napakamot pa ito sa ulo at nag-isip kung sino naman ang tatawag sa kanya ng ganitong oras.

Kinuha naman niya ito, ngunit huminto ang pag vibrate ng kanyang phone.Bigla siyang nakaramdam ng malakas at malamig na hangin. Binalewala lang niya iyon at binalik ang kanyang phone sa pinaglagyan nito.Dahil sa lamig na nararamdaman tumayo siya para kumuha ng makapal na kumot.Naghalungkat na siya sa kanyang aparador nang biglang bumukas ang pinto. Lumakas lalo ang hangin dahilan para bumukas din ang bintana. Nakaramdam siya nang takot nang biglang nalaglag ang mga bola sa kanyang aparador. Sinubukan niya itong habulin, patalbog-talbog ang lahat ng bola sa loob ng silid.

Napansin niya ang isang bola na gumulong palabas sa pintong nakabukas. Maya-maya pa ay may narinig siyang batang tumatawa at tila nagpapatalbog ng bola.

Nagtataka si Wilzon kung bakit tila paakyat ang ingay ng talbog ng bola. Walang anu-ano pa'y sinundan niya ang ingay. Nasa ikalawang palapag ang kanyang silid, may dalawang palapag pa siyang aakyatin.

Dahan-dahan siyang humakbang sa hagdan. Nakarating siya sa ikatlong palapag pero wala doon ang ingay. Tumuloy siya pag-akyat hanggang sa marating niya ang rooftop nang kanilang bahay.

Lalong lumakas ang hangin na talagang nagpatayo sa kanyang mga balahibo. Gusto niya sanang bumaba, ngunit napansin niyang may batang naglalaro ng bola sa dulo ng rooftop. Dinig niya ang galak ng bata habang nilalaro ang bola.

"Boy, sino ka? paano ka nakapasok dito?" sinubukan niyang tanungin ang bata ngunit hindi siya nito pinansin.

Dahan-dahan pa siyang lumapit sa bata at nakaunat ang kanyang isang kamay. Nang mahawakan niya ito sa likod bigla itong humarap sa kanya.

Namumula ang mata ng bata at duguan ang ulo nito. Ang bolang hawak niya ay napuno rin ng dugo. At saka tumalon ito mula sa kinalalagyan niya.

Kahit may takot na nararamdaman si Wilzon. Sinubukan pa rin niyang tignan ang bata sa baba. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil wala doon ang katawan ng bata. Nagpalinga-linga pa ito ngunit bigo siyang matagpuan ang katawan ng bata.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang biglang may tumawag ng pangalan niya mula sa kanyang likuran.

"Hindi maaari, hindi ba tumalon ka dito kanina?" pagtataka ni Wilzon nang makita niya ang bata na buhay pa.

"Boo!" panggugulat ng bata kay Wilzon saka pinasa nito ang bolang puno ng dugo sa binata.

Sa gulat ni Wilzon, nadulas ang paa niya dahil sa keychain na bola na nalaglag pala mula sa kanyang bulsa.

Sa taas ng pinagbagsakan ng binata ay talaga namang durog ang katawan nito. Tumalsik pa ang utak sa asong gala na pagala-gala doon.

Pinagmasdan na lamang ito ng bata at ngumisi na parang demonyo.

"Nagsisimula pa lang tayo! Hahaha." nasambit ng bata bago ito tuluyang maglaho.

Dahil sa lakas ng mga kahol ng aso sa paligid. May mga taong gumising para lang malaman kung ano ang dahilan ng pag-iingay ng mga aso nila.

Doon na nila napansin ang isang katawan na lasug-lasog at puno ng dugo.

Itutuloy . . . .

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon