Chapter 5: Who's next?

1.3K 28 2
                                    

-5-

Dali-daling nagtungo ang mga magulang ni Dexter sa malapit na ospital. Kitang-kita sa kanilang mukha ang pag-aalala sa anak.

Ngunit huli na ang lahat, pumanaw na rin si Dexter dahil sa labis na pag-agos ng dugo nito sa nabaling paa at sa lapnos na balat.

"I'm sorry Mr. and Mrs. Sueto." malungkot na bungad ng doktor ng makalabas ito mula sa operating room.

"Hindi! Hindi! Buhayin niyo ang anak ko! Mabubuhay siya! Dok, gawan niyo ng paraan!" palahaw na sambit ng Ina ni Dexter. Halos masaktan na rin niya ang Doktor dahil sa galit at lungkot na nadarama.

Agad naman siyang niyakap ng kanyang asawa. "Tama na! Tama na! Tanggapin nalang natin!"

Hindi na ibinurol ang labi ng binatilyo na si Dexter. Dahil na rin sa Ina nito walang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Mas makakabuti kung wala na siyang makikita na ikakasakit ng damdamin niya lamang.

Dahil na rin sa nangyari, hindi na rin bumisita ang magkakaibigan sa bahay nila Dexter. Galit na galit kasi ang Ina ng binatilyo sa kanila.

"Ano wala pa ba tayong gagawin ha?" may inis na tanong ni Aljhon.

Nasa mall sila noon ng Sta. Mesa. Araw ng linggo, kaya naman nagpasya silang magkita-kita.

"Ano nga ba? Ayaw niyo namang balikan natin yung matanda. Tss." pikon na sagot ni Gerom.

Napayakap si Gem kay Nikolai. "Paano kung tayo na ang susunod?" tanong pa ni Gem.

"Hindi Gem, hindi ko hahayaang mangyari yun. Magtiwala ka!" pinalakas nalang ni Nikolai ang loob ni Gem.

"Susunod?" napaisip bigla si Aljhon. "Sandali! Una si Wilzon, sumunod si Dexter. Hindi kaya magkakasunod nga ang mga mangyayari o pagpatay?" haka-haka muli ni Aljhon.

Tumingala pa si Gerom nang marinig niya ang hinuha ng kaibigan. "Uhm! mukhang ganun na nga!" pag sang-ayon pa niya.

"Naaala niyo di ba? na ang unang pumasok sa tent na yun ay sila Dexter at Wilzon. Malamang naunang hulaan ng matanda si Wilzon, tapos si Dexter." paliwanag pa ng binata.

"Tama! Tanda ko yun. Tapos ang sumunod na pumasok ay yung grupo ni Jassele." sabat naman ni Gem.

"Oh akala ko ba takot ka?" pagtataka naman ni Nikolai sa biglang pagsabat ng kanyang girlfriend.

"Hehe. Gusto ko kasi yung ganito yung palaisipan." nakangiting sagot ni Gem.

Pinagmasdan na lang ng tatlong binata ang dalaga.

"Sandali nga, kung ganoon nga ang nangyari. Who's next?" tanong naman ni Nikolai.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon