Chapter 12: Lola Maring

964 18 2
                                    

Magkakasama na ang lahat ng magkakaibigan. Nasa bahay sila ni Aljhon at naguusap-usap sa gagawin nilang plano.

"Ano guys? mukhang naghihiganti nga 'yung bata sa'tin. Hindi siya titigil hangga't 'di tayo nauubos." saad ni Gerom. Bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot at pag-alala.

Halos lahat sila ay ganoon ang nararamdaman. Wala na atang araw na hindi nila ito maramdaman. Feeling nila na sa anumang oras ay maaaring sila na ang isunod ng bata.

"Ang problema nga natin, saan natin hahanapin 'yung matanda?" tanong ni Joef. May inis sa kanyang mukha.

"Kaya nga hahanapin natin eh, puntahan ulit nating 'yung lugar na 'yon." sagot naman ni Aljhon.

"Eh di ba hindi naman nagbibigay ng impormasyon 'yung mga tao dun tungkol sa matanda? Paano natin malalaman? mapapagod laman tayo sa paghahanap kung wala tayong sapat na impormasyon." saad naman ni Nikolai.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi nito.

"Ganito na lang. Sa Barangay. Malamang may alam sila. Malamang kilala nila ang matandang 'yon." tila nakaisip naman ng magandang ideya si Gerom.

"Oh kaya sa mga Pari, sigurdo akong nagsisimba ang matandang 'yon doon at malamang kilala siya ng mga Pari doon." mungkahi naman ni Joef.

Tumango naman ang lahat. May kanya-kanya na silang ideya para matukoy ang kinaroroonan ng manghuhula.

Nagpasya na silang umalis patungo sa Quiapo kung saan doon lahat nag-umpisa. Bakas sa kanilang mukha ang pag-asa na sana'y makakuha sila ng impormasyon tungkol sa manghuhula.

Pagbaba nila ay agad silang naglakad papuntang simbahan. May nadaanan pa silang construction at muntik nang malaglagan ng bato si Joef. Habang papalapit na sila sa kanilang destinasyon. Tila nakaramdam sila ng kaba.

"Shit! Kinakabahan ako!" reklamo ni Jenny.

"Nagtatayuan ang mga balahibo ko! ano ba 'tong pakiramdam ko." si Harlene habang himas-himas ang kanyang kamay.

"Kalma lang guys," nasabi na lang ni Gerome.

Una nilang tinanong 'yung mga matatandang nagtitinda. Ngunit ayaw nilang magsalita.

Ang mga ale at binata naman ay nagtatawanan o di kaya'y iniiwasan lang sila.

"Ano ba'ng meron sa matandang 'yon?" pagtataka ni Jass.

Lahat na lang ng mga tao doon ay hindi sila sinasagot. Kahit ang baranggay tanod doon ay hindi rin nakapag-bigay ng impormasyon. Ang tanging sinabi lang ay patay na ito.

"Wala ba silang alam? o wala ba silang pakialam sa mga kapwa nila tindera? Tss." inis na saad ni Jass.

Wala na silang mapagtatanungan kundi ang mga tauhan sa loob ng simbahan. Ngunit hindi pa sila nakakatapak sa simbahan ay may narinig silang nagsalita.

"Sino 'yun?" pagtataka ni Aljhon.

Nagkibit-balikat lang ang lahat.

"Si Maring ba ang hinahanap niyo?" isang boses ng matandang lalaki ang muli nilang narinig. Nakaupo ito sa ng pinto.

"Yung manghuhula po ba ang tinutukoy niyo?" paniniguro ni Gerom.

"Anak, Wala na ang asawa ko. Ba .. bakit n'yo siya hinahanap?" tanong ng matandang lalaki sa pagitan ng kanyang pag-ubo. Mahina na ang matanda at halos hindi ito nakakain dahil sa payat na pangangatawan nito.

Nanlaki ang mga mata ng magkakaibigan at tila nabuhayan dahil sa wakas ay malalaman na nila ang totoo.

"Lolo, sa loob tayo." aya naman ni Nikolai.

Agad nilang inakay ang matandang lalaki at iniupo sa loob ng simbahan. Napagpasyahan naman nila Jass, Joef, Harlene at Jenny na bilhan ng pagkain ang matanda.

"Ah Lolo, kayo po ba talaga ang asawa nung manghuhula?" paniniguro pang muli ni Gerom. Naisip niya na baka lalo lang silang malagay sa panganib kung mali ang impormasyon na makukuha nila.

"Ganoon na nga Hijo. May dalawa kaming apo at sila'y pumanaw na rin." sagot naman ng matandang lalaki na tila naluluha.

Muling nagkatinginan ang magkakaibigan. Dahil tugma ang sinabi ng matandang lalaki sa kanilang nalalaman.

"Sina Ato at Ito po ito?" tanong muli ni Gerom.

Nagulat ang matandang lalaki. "Kilala niyo sila?"

"Ah, kasi po Lolo may misteryong nagaganap sa buhay namin at ang dalawang niyo pong Apo ang dahilan." paliwanag naman ni Aljhon.

"Misteryo? A ,.. anong tinutukoy mo Hijo?" gulat ang matandang lalaki sa nabitawang salita ni Aljhon.

"Pare naman, binigla mo e." reklamo ni Gerom.

Mabuti na lang at dumating na ang may dalang pagkain na sina Jass, Joef, Harlene at Jenny. Agad nilang bingyan nang maiinom ang matanda kasama ang ilang tinapay. Hinayaan muna nila itong kumain.

Lumabas muli ang iba at napagpasiyahan na maghihintay na lamang sila. Bilang paggalang na rin sa simbahan.

Matapos ang isang oras. Akay-akay muli nila Gerom at Aljhon ang matanda palabas.

"Lolo, maraming salamat po. Sana po ay mapatawad niyo kami at mapatawad niyo rin po ang inyong mga apo." saad ni Gerom.

Lahat sila ay nagpasalamat sa matanda at nagmano bilang paggalang.

"Sige po Lolo, makakaasa po kayo. Paalam po!" paalam ni Gerom.

Ngumiti ang matanda at nang makita niyang tumalikod na ang mga bata palayo, bigla na lamang siyang naglaho.

"Ano pare? may pumatay nga kay Lola Maring. Dahil sa pera kaya nangyari 'yon. Sandali, sino ang nagbigay ng pera sa matandang 'yon?" pagtataka ni Aljhon.

Ang lahat ay tila nananahimik. Walang sumagot sa tanong ni Aljhon. Kung dahil sa pera ang dahilan nang pagkamatay ni Lola Maring, maaaring ninakawan ito at saka pinatay.

Pero sino naman sa kanila ang gumawa ng bagay na 'yon?

Naglalakad na sila pauwi at hindi nagkikibuan. Tila isa sa kanila ay walang balak na magsalita. Dumaan muli sila sa dinaanan nila.

Maya-maya pa ay bigla nilang narinig ang boses ni Harlene na katabi ni Jenny.

"Sandali 'yung ballpen ko." saad ni Harlene kaya lang hindi na lamang siya pinansin ng kanyang mga kasama.

Binalikan pala niya ang ballpen na lagi n'yang dala.

Si Jenny naman ang nagsalita at ang akala niya katabi pa niya si Harlene.

"Harlene, ikaw ba 'yung nagbigay ng pera?" hindi siya nakarinig ng sagot. "Harlene?"

"Sandali!" sigaw ni Harlene.

Agad namang napalingon ang magkakaibagan sa kinaroroonan ni Harlene.

"Harlene!!!!" sigaw ni Jenny nang makita niyang may bagay na nalaglag mula sa construction.

Pagtingala ni Harlene, wala na itong nagawa kundi pagmasdan ang maso na parating sa kanya.

Durog ang ulo nito at nagtalsikan ang utak sa kalsada. Ilang tao rin ang nakasaksi sa pangyayari at ang lahat ay natakot.

"Shit!" nabitawang salita na lang ng magkakaibigan.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon