Chapter 8: Magic Box

1.2K 25 5
                                    

-8-

"Tara na, kailangan nating puntahan si Rach!"

Nagmadali ang magkakaibigan para puntahan si Rach at balaan ito na may mangyayaring hindi maganda sa kanya.

"Anong gagawin natin?" tarantang tanong ni Aljhon. Nasa byahe na sila ng mga oras na iyon.

"Hindi naman papayag yun na magkulong lang sa kwarto niya at babantayan natin." naisip naman ni Nikola ang posibleng mangyari kapag naroon na sila at kapag nasabihan na nila si Rach.

Alam naman nila na hindi naniniwala ang mga ito sa kanila. Kaya imposible ang kanilang iniisip, baka mabigo muli sila.

Muling nakatanggap nang tawag si Gerom mula kay Joef.

"Pre, tinawagan ko si Rach. Pero wala daw siya sa kanila. Nasa mall daw siya, sa Sta. Mesa kasama sina Jasselle." pahayag ni Joef mula sa kabilang linya.

"Patay tayo diyan!" napasandal nalang si Aljhon at pumikit sandali.

"Wala tayong magagawa, kailangan natin siyang tulungan." sabi ni Gerom na tila nag-aalala na sa posibleng mangyari.

Ilang minuto pa bago nila marating ang lugar kung saan naroon sina Rach. Naabutan pa sila ng trapik kaya naman mas lalong tumagal ang kanilang byahe.

"Naku naman, bakit ngayon pa!" reklamo ni Nikolai.

"Sandali, bakit hindi na lang si Joef ang papuntahin niyo doon. Hindi ba malapit lang dun yung tinitirhan niya." mungkahi naman ni Gem na sinang-ayunan naman nila Gerom.

"Tama, sandali!" agad na tinawagan ni Gerom si Joef.

"Pre, alam kong matatagalan pa kayo. Kaya nandito na ako sa mall, susubukan ko silang kausapin." bungad ni Joef na ikinatuwa naman nila Gerom. Mabuti na lamang at naisip iyon ni Joef.

"Sige pre, basta bantayan mo lang sila. Tawagan mo ulit kami kung may napansin kang kakaiba."

Nang matapos ang usapan nila ni Gerom, mabilis na hinagilap ni Joef sina Rach. Paikot-ikot pa ito sa loob ng mall, tinatawagan niya si Rach ngunit hindi siya nito sinasagot.

Dahil sa gutom at pagod, napagpasiyahan muna ni Joef na kumain sa isang fast food chain.

Bakas sa mukha ni Joef ang pag-aaalala sa kaibigan at ganoon din sa kanyang sarili. Naalala pa niya ang sinabi sa kanya ng matandang humula sa kanila.

"Balang araw hijo, magiging mandaragat ka. Matutupad mo ang pangarap mo na malibot ang buong mundo."

Naisip ni Joef na huwag nalang niyang gawin ang pinapagawa ng matanda, tatalikuran na lamang niya ang pagiging seaman nito kung ang kapalit lang ay ang kanyang buhay.

Kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang keychain na hugis globo, iniwan niya iyon sa mesa at saka nilisan ang lugar na iyon.

"Sir, mukhang sa inyo ata ito. Mukhang mamahalin to e." pinigilan pa siya ng isang server ngunit sinenyasan lang niya ito na itago na lamang niya.

Muli niyang hinagilap sina Rach at sa wakas natagpuan din niya ang mga ito na nagsasayaw sa dance revo.

"Hey Joef! naparito ka?" bungad ni Riza sa binata.

"Wala lang, wala akong magawa eh. Eh sabi ni Rach nandito kayo, kaya sumunod na ako." sagot naman ni Joef na halatang kinakabahan.

"Bakit ang weird mo ngayon? may problema ba? tungkol na naman ba yan kay Jacob? Naku Joef, tahimik na siya. Nakakalungkot man, pero wala na tayong magagawa." sunud-sunod na tanong ni Riza na siyang nakahalata sa pagkabalisa ng binata.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon