Chapter 6: Three Down

1.2K 22 8
                                    

-6-

"Sino ba sa inyo ang naunang hulaaan ng matandang yun?" tanong ulit ni Gerom kina Jacob at Joef.

"Bakit ba kailangan niyong malaman ha?" pagtataka naman ni Jacob at ganun din si Joef.

"Mga pre naman, kailangan namin ng tulong niyo. Pag hindi niyo sinabi may mamamatay." nasabi nalang ni Aljhon na ikinabigla nina Joef at Jacob.

"Mamamatay? Haha! ano bang nakain niyo? Porket wala na ang dalawa niyong kaibigan. Dinadamay niyo pa kami sa kalokohan niyo." natatawang pahayag nalang ni Jacob.

"Seryoso ang bagay na ito Joef! huwag mong gawing biro ang lahat!" inis na pahayag ni Gem.

Tinalikuran lang sila ni Jacob. "Mabuti pa umuwi na kayo. Wala akong panahon para sa ganyan. At saka si Jasselle, si Jasselle ang unang hinulaan sa amin nang makapasok kami sa tent na iyon." pahabol pa ng binata at tuluyan ng naglakad palayo.

Nang marinig nila Gerom, Aljhon, Nikolai at Gem ang huling sinabi ni Jacob, agad silang tumakbo patungo sa bahal ni Jassele.

"Joef, kung gusto mong malaman! sumunod ka!" sinabihan pa ni Gerom si Joef.

Napangiti lang si Joef. "Sige, pag-iisipan ko." nasabi na lang niya sa kanyang sarili at sinubukang habulin si Jacob.

"Hoy Jacob! tumigil ka nga!" tawag niya kay Jacob na nagmemeryenda na sa isang lugawan.

"Ano na naman?" matalim niyang tinignan si Joef.

"Bakit ka nagsinungaling?" tanong ni Joef.

Muling humigop si Jacob ng sabaw ng lomi bago sumagot. "Uso ba yun? Haha! para matapos na di ba? kukulitin lang tayo ng mga iyon." natatawang sambit ni Jacob. "Buti pang kumain ka muna."

"Hahaha. Sige Lomi na nga din." pailing-iling pa si Joef na nakangiti.

____

"Jassele? Jassele!?"

Nang marating ng apat na magkakaibigan ang bahay ni Jassele. Agad nila itong tinawag. Ngunit walang sumasagot.

"Wala atang tao!" sabi ni Aljhon.

"Saan naman kaya siya nagpunta?" pagtataka ni Gerom.

Nagulat na lang sila ng biglang bumukas ang pinto nang bahay nila Jassele.

"Ang ingay niyo naman! ano bang problema niyo?" isang lalaki ang humarap sa kanila.

Nagkatinginan nalang ang magkakaibigan at muling pinagmasdan ang lalaking nasa harap nila.

"Ah, eh. Pasensya na po. Nasaan po si Jassele?" tanong ni Gem sa lalaki.

"Wala dito ang kapatid ko, kaya pwede bang umalis na kayo. Istorbo eh." may inis na sabi ng lalaki na kapatid pala ni Jassele.

"Ayy pasensya na ho, nasaan po siya?" tanong muli ni Gem.

"Bwiset! ang alam ko may pinuntahan lang siya banda dito. Kaya pwede bang umalis na kayo!" bulyaw pa ng kapatid ni Jassele sa magkakaibigan.

"Ay sige po, aalis na ho kami. Pasensya na po ulit." sabi ni Gem.

"Hon! matagal pa ba iyan?" isang boses ng babae ang narinig nila bago sila tuluyang umalis.

Naisip nang magkakaibigan na pumunta kina Riza si Jassele, kaya doon na sila dumiretso.

"Grabe naman yung Kuya ni Jass. Haha." natatawang pahayag ni Gerom.

"Shit lang! sakit siguro ng ulo nun. Nabitin pa. Hahaha." biro pa ni Aljhon.

"Huwag kang makinig Gem. Hoy! mga ungas! alam niyo namang may kasama tayong babae. At saka hindi ito ang oras para maglokohan." sermon ni Nikolai sa dalawang binata.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon