Chapter 7: Who is He?

1.2K 23 2
                                    

-7-

Dahil sa nangyari kay Jacob, napaluwas nang maaga ang mga magulang nito. Binigyan ng maayos na burol sa kanilang tahanan. Maraming nakiramay, nakikidalamhati.

Naroon din ang magkakaibigan na sina Gerome, Aljhon, Gem at Nikolai. Labis ang kalungkutan na nadarama nila. Kung naunahan lang sana nila yung oras ay malamang nailigtas pa sana si Jacob.

"Bakit? bakit ba nangyayari satin ito?" tanong ni Gerom. Nakahawak pa siya sa kanyang ulo na tila sumasakit na kakaisip.

"Yung batang yun, ano bang kailang niya sa atin?" tanong naman ni Aljhon na tila may malalim na iniisip."

Ano nga naman ang dahilan ng bata para gawin niya ang ganitong pagpatay?

"Sino din ang batang iyon?" pagtataka ni Nikolai.

Napansin naman nila na walapa rin sina Harlene at Jenny.

"Yung dalawang iyon, mukhang umiiwas ata sila sa atin ah. Pansin niyo ba?" sabi ni Gerom at siniguro pa niya kung napapansin din iyon ng iba pa niyang kasama.

"Oo nga e, pansin ko din yan. Ilang araw na silang hindi nagpapakita, hindi pumapasok." pag-sang ayon ni Aljhon.

"Hayaan niyo na sila, malamang natatakot na sila. Tulad ko, takot na takot na ako. Pero dahil narito sa tabi ko si Nikolai, sasama ako sa inyo para lutasin ang misteryo na ito." sabi ni Gem na nakayakap sa mga braso ni Nikolai.

"Tama, lutasin na muna natin ito. Bukas, pagkagaling natin sa school dumiretso na tayo ng Quiapo." mungkahi ni Gerom.

Sumangayon naman ang lahat.

Kinabukasan, nag-alay nang panalangin ang buong klase ng pangkat dalawa.

"Dahil sa mga nangyaring hindi maganda sa mga kaklase niyo. Magbigay tayo ng maluwalhating panalangin para sa kanila. Isang buwan na lamang at makakapagtapos na kayo. Sana naman wala nang mangyari di kanais-nais." bungad nang guro.

Nakayuko lang ang magkakaibigan. Kumpleto lahat sila at walang lumiban. Dahil na nga rin sa isang buwan na lamang ay makakapagtapos na sila.

Normal muli ang klase nila buong araw. Nagkakatitigan pa ang magkakaibigan. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata.

Nang matapos ang klase. Agad na lumabas sina Harlene at Jenny. Hindi man lang nila pinansin ang tawag nila Aljhon at Gerom.

Ang grupo naman ni Jassele ay tahimik lang na lumabas. Kasama sina Joef, Rach at Riza.

"Ano guys, hindi ba natin sila isasama?" paniniguro ni Gerom. Usapan nila na magtungo muli sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

"Hindi na, hindi rin naman natin sila mapipilit eh." sabi ni Aljhon.

Isang oras mahigit ang lumipas nang marating nila ang Quiapo. Hapon iyon at araw ng biyernes kaya naman napakaraming tao.

Pumasok muna sila sa simbahan at taimtim na nagdasal.

"Patawarin niyo po kami sa aming nagawang kasalanan." iisa lang ang nais nila, yun ay mapatawad sila sa nagawa nilang kasalanan kung meron man. Lalo na sa batang nagpapakita sa kanila.

May nagawa nga ba silang kasalanan?

"Nasaan ba banda dito yun?" pagtataka ni Gerom. Tila hindi nila matagpuan ang kanilang hinahanap.

Napakamot na lang sa ulo si Aljhon. Samantalang sina Nikolai at Gem ay nagtanung-tanong sa mga tindera sa paligid.

"Ale, nasaan na ho dito yung pwesto ng manghuhula?" tanong ni Gem sa isang tindera ng mga kandila.

Nang marinig ng tindera ang tanong ng dalaga, napalunok ito at tila nabalisa.

"Wa . . wala siya . . wala siya dito. Ano ba kayong mga bata kayo? Magsi-alis na nga kayo!" pautal-utal na bulyaw ng Ale sa magkakaibigan.

Nagkatitigan na lamang ang magkakaibigan. Nagtataka, nababahala at tila mas lalong lumalim ang misteryong bumabalot tungkol sa matanda pati na rin sa bata.

Tumalikod na lamang sila at nagpasyang magtanong na lang sa iba.

Hindi pa man sila nakalalayo, nakarinig sila ng bulung-bulungan.

"Uy, sino daw hinahanap nila?" tanong nang isang Ale na na katabi lang nang Aleng napagtanungan nila.

"Si ano daw, alam mo na. Kinikilabutan ako sa kanila. Tsk."

"Eh di ba . . ."

"Sssh! Huwag kang maingay, baka marinig ka niya."

Muling nakatitigan ang magkakaibigan. Hindi nila maintindihan kung bakit ganun na lamang ang naging usapan nila.

Inabot na sila dilim, ngunit bigo silang matagpuan ang pwesto ng matanda.

"Ano kaya yung pinag-uusapan nila kanina?" tanong ni Gerom. Naisipan nalang nila na kumain muna sa isang malapit na mall.

"May kutob ako e, hindi kaya . . ." napatigil si Aljhon sa dapat niyang sasabihin dahil na rin sa mga sumisigaw.

"Yung bata!"

"Shit! kawawa naman yung bata!"

"Tulungan natin!"

Kanya-kanyang reaksyon ang mga taong nakasaksi sa banggaang naganap. Isang bata ang nabundo at tila wala nang buhay ang nakahandusay sa sahig.

Halos mapako naman sa kinatatayuan ang magkakaibigan nang makita nila ang sitwasyon ng bata.

Napayakap si Gem sa braso ni Nikolai. Iba ang nararamdaman nilang magkakaibigan. Tila ba isang senyales ang naganap.

Dahan-dahang naglakad ang magkakaibigan habang nakatitig sa batang duguan na pinalilibutan na ng mga usisero.

"Sandali, may tumatawag ata." napahinto naman si Gerom nang biglang mag-ring ang kanyang phone.

Nagulat siya na ang tumatawag pala ay si Joef.

"Uy, sino ba yan?" tanong ni Aljhon.

"Si Joef, bakit kaya napatawag siya?" pagtataka ni Gerom.

Sinagot na lamang ni Gerom ang tawag ni Joef.

"Hello, Pre. . "

"Ano? anong kailangan mo?"

"Gusto kong tumulong, gusto kong matapos na ito."

"Oh? sige pre, ano ba iyon?"

"Pre. . . . si Rach . . si Rach ang sumunod kay Jacob! Pre, tulungan natin siya!" halata sa boses ni Joef ang pagkakaba.

Nanlaki naman ang mga mata ni Gerom sa kanyang narinig.

"Guys. . . si Joef . . . sabi miya si Rach daw ang sunod na hinulaan!" nanlalaki ang mga ni Gerom nang banggitin niya iyon.

Napatingin naman ang magkakaibigan sa batang nakahandusay at duguan. Nagtaasan ang kanilang mga balahibo nang mkita nilang nakatitig itp sa kanila na nakangiti na parang isang demonyo.

Itutuloy . . . . 

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon