Chapter 9: The Possession?

1K 21 2
                                    

"Base po sa imbistigasyon ng soco. May isang bagay ang pilit na inaabot ng biktima nung nasa loob siya ng kahon." sabi ng mga pulis nang lumapit ito sa grupo nila Joef.

"Anong bagay daw po iyon?" tanong ni Gerom na naroon na rin sa lugar na pinangyarihan kasama ang iba pa.

"Mismo! malamang ay ginawa ang payo ng manghuhula. Kaya nagtataka ako sa mga ikinikilos niya nung mga nakaraang araw. Lagi siyang may bagong gamit." dagdag pa ni Jass.

"Teka! nasaan pala si Riza?" pagtataka ni Gerom.

"Nandito lang siya kanina ah. Mukhang na-trauma ata sa nangyari at umalis na agad." hinuha pa ni Jass.

Napagpasyahan ng mga magkakaibigan na hanapin si Riza. Samantalang sinamahan ni Joef at Jass ang mga pulis para sa mag salaysay pa tungkol sa nangyari.

"Joef, tawagan mo nalang kami kung tapos na. Ikaw na bahala kay Jass." utos ni Aljhon.

"Okay sige! mag-ingat kayo. Mauna na kami." paalam ni Joef na sumama na sa mga pulis.

Biglang nakarinig ng kakaibang tawa ang magkakaibigan.

"Nariyan na naman siya! hindi ba niya tayo tatantanan?" inis na sabi Gerom.

"Malamang hindi! mukhang kailangan na nating hanapin si Riza at baka kung ano na ang nangyari sa kanya." sabat naman ni Nikolai.

Nagtakbuhan ang magkakaibigan sa loob ng mall na iyon para hanapin si Riza. Naghiwa-hiwalay sila para madali nila itong makita. Bawat isa sa kanila ay nakakaramdam ng kaba at takot.

Kung saan-saan nila hinanap si Riza. Pero hindi nila matagpuan.

"Baka may nangyari nang masama sa kanya!" pag-aalala ni Gem.

"Huwag naman sana!" sagot ni Nikolai.

"Anong gagawin natin? saan ba kasi siya nagpunta? bwisit!" inis na sabi ni Gerom.

---

"Kamusta na kaya sila? simula nung mangyari yung mga patay-patay na yan hindi na natin sila nakasama." ani Jhen.

Nasa bahay siya ni Harlene nung mga oras na iyon. Mas pinili nila na umiwas muna sa barkada dahil sa mga nangyari.

"Oo nga e, paano ba naman kasi. Dinadamay nila yung tungkol sa hula natin." sagot ni Harlene sabay inom ng juice.

"Kaya nga, ang weird nila. Pero inaamin ko may batang nagpapakita sa akin tuwing gabi. Nakangiti lang ito at nakatitig sa akin." seryosong sambit ni Jhen.

"Huwag ka nga! tinatakot mo naman ako e! ayoko ng marinig yan Jhen!" takot na takot si Harlene. Dahil naalala niya na nagpakita rin sa kanya ang batang tinutukoy ni Jhen.

"Ikaw naman, teka nga fren. Kamusta na ba kayo nung si Keith? ano nanliligaw na ba siya sayo?" naisip nalang ni Jhen na baguhin ang topic dahil pati siya ay nakaramdam din ng takot.

"Naku fren, talagang may gusto siya sa akin! at ilang araw na lang sasagutin ko na siya. Hehe!" ani Harlene na tuwang-tuwa.

Mahaba ang naging usapan nila. Hanggang sa. .

"Teka, parang ang dilim ng langit." pagtataka ni Jhen na biglang napatingin sa labas.

"Mukhang uulan ata. Pati hangin ang lakas. Halika, isara muna natin ang bintana." agad namang tumayo si Harlene. Sa kanyang pag-alis sa inupuan niya. May bata palang kanina pa sa kanila'y nakatitig.

---

"Nandito si Riza!" sigaw ni Gerom nang makita niya ang dalaga sa loob ng CR. Nakayukom lang ito, magulo ang buhok at tila umiiyak.

Dali-daling lumapit ang iba pa kung saan naroon ang dalaga.

"Kilala niyo ba siya? kanina pa siya nandito e. Iyak lang ng iyak." sabi ng isang babae.

"Opo, kaibigan po namin siya. Pasensya na po kayo." sagot ni Aljhon.

"Riza, kami ito. Umuwi na tayo, huwag kang mag-alala hindi ka namin pababayaan." ani Gerom na dahan-dahang lumapit sa dalaga.

Biglang nahinto ang pag-iyak ni Riza.

"Tara na Riza, sumama ka na sa amin." dagdag pa ni Aljhon.

Nang mahawakan ni Gerom ang balikat ni Riza. Bigla nalang itong lumingon sa kanila. Nanlilisik ang mga mata at nagtayuan ang mga buhok.

Bigla na lamang niya'ng sinakal si Gerom at sumigaw na nagpatindig nang kanilang mga balahibo.

"MAGBABAYAD KAYO!!"

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon