Chapter 4: Evil Pig

1.5K 23 7
                                    

Nanlumo ang magkakaibigan sa pagkamatay ni Wilzon. Magkakasama sina Aljhon, Gerome, Dexter, Harlene, Jenny. Nikolai at Gem sa libing nito.

Nag-iiyakan, natatakot at kinakabahan sa mga posible pang mangyari sa susunod na mga araw.

Dahil sa pangyayaring iyon, masyadong apektado si Dexter. Matalik na kaibigan niya si Wilzon, magkapit-bahay pa ang mga ito. Lagi silang magkasama kahit saan magpunta ang isa.

"Dex, patawad." malungkot na sabi ni Gerom.

"Ito na yun guys, ito na yung balak sa atin nang batang yun! ang isa-isahin tayo." sabi ni Aljhon na talagang sigurado na kanyang hinuha.

Nag-alala naman sina Harlene at Jenny.

"Ayoko pang mamatay!" may takot na sabi ni Jenny.

"Ano bang dapat nating gawin?" tanong naman ni Harlene.

Napag-desisyunan nila na balikan ang matandang humula sa kanila para itanong kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.

"Tumigil na kayo!" galit na sigaw ni Dexter. Siya lang ang hindi sumang-ayon sa usapan nila.

Hinayaan na lamang ng magkakaibigan ang binata.

Makalipas ang ilang araw, hindi na pumasok si Dexter sa kanilang paaralan. Nagkulong lamang ito sa kanyang kwarto. Kaya naman alalang-alala ang mga magulang nito.

"Dexter! Anak! Ano bang problema mo? Lumabas ka diyan!" sigaw nang kangyang Ina.

Ngunit hindi natinag si Dexter. Hindi niya pinagbuksan ang kanyang Ina, nakayap lang siya sa kanyang unan habang ngumangata nang isa Junk food.

Sa kanilang eskuwelahan naman, usap-usapan ang pagkamatay ni Wilzon. Lalong-lalo na sa kanilang seksyon.

"Grabe ang sinapit ng kaklase natin no?"

"Oo nga! hindi kaya nagpakamatay yun?"

Ang magkakaibigang Gerom, Harlene, Gem, Nikolai, Jenny at Aljhon naman ay hindi muna pumasok sapagkat babalikan nila ang matandang humula sa kanila. Nag-paalam pa ang mga ito sa kanilang guro na liliban muna sila sa klase.

Hindi sana papayag ang kanilang guro kung hindi nila ito kinulit at kung hindi nila binanggit yung tungkol sa hula.

"Sigurado ba kayo dito ha? Baka pagtabuyan lang tayo ng matandang yun?" paniniguro ni Jenny.

Nasa terminal na sila ng Sta. Mesa nagaabang sa kanto ng Jeep papuntang Divisoria.

"Guys, kalma lang kayo. Tatanungin lang naman natin yung matanda kung may kinalaman ba yung mga hula niya sa pagkamatay ni Wilzon." sinubukan ni Gerom na pakalmahin ang dalawang dalaga.

"Paano kung wala? Pa-

paano kung aksidente lang talaga ang nangyari?" may takot na tanong ni Harlene.

Napa-isip naman si Aljhon at Gerom. Kung pupuntahan nila ang matanda at nalamang wala itong kinalaman sa nangyari ay siguradong magagalit yun sa kanila.

Nagdadalawang isip tuloy sila kung tutuloy ba o hindi.

Biglang nag-ring naman ang phone ni Nikolai, At agad niya naman itong sinagot.

"Nikolai! Nakahanda na ang lahat para sa paglipat natin sa Canada. Wala pa bang balita kung kailan ang graduation niyo? Kailangan na nating lumipat hijo." mama ni Nikolai iyon.

"Damn! Hindi ba sila makapaghintay? Crap!" nasabi nalang ni Nikolai sa sobrang inis. Sumabay pa ang kanyang Mama sa kanilang problema.

Pamaya-maya, may nag-ring ulit na phone at galing naman iyon sa bulsa ni Gerom. Nagkatitigan pa silang magkakaibigan matapos banggitin ang pangalan ni Dexter.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon