Chapter 14: Angel vs. Demon

970 18 5
                                    

'Kung gusto niyo pang makita ang kaibigan niyo na buhay. Pumunta kayo ngayon sa lugar na ito.'

"Ano pupunta ba tayo dun?" tanong ni Gerom.

"Kailangan natin siyang iligtas. Baka may masamang mangyari sa kanya." pagaalala naman ni Joef.

"Tara puntahan na natin bago pa mahuli ang lahat!" sabi ni Aljhon at tumakbo patungo sa lugar na tinutukoy sa sulat at 'yon ay sa kanilang eskuwelahan.

Naisipan namang itext ni Joef ang iba pang naiwan sa bahay ni Harlene para sabihan na pupunta sila sa kanilang paaralan.

Nang makarating ang mensahe ni Joef kay Nikolai, agad din silang umalis. Hindi na nila nakapagpaalam ng maayos dahil sa kanilang pagmamadali.

Dahil sa kalaliman ng gabi, nakakaramdam ng kaba at takot ang tatlong binata. Nagulat sila nang makita nilang bukas ang gate ng kanilang paaralan. Tanging mga ingay lang ng mga kuliglig ang kanilang naririnig.

"Nasaan na ba si Jenny?" tanong ni Joef.

Palinga-linga sila sa loob ng kanilang Campus. Hinahanap kung saan naroroon si Jenny at ang batang si Ato.

"Hahaha! maligayang pagdating sa inyo!" isang malakas na boses na bumabalot sa loob ng Campus.

"Shit! nandito nga siya, mukhang tatapusin na niya lahat dito." saad ni Aljhon at inikot ang kanyang paningin.

Kumuha sila ng mga sandatang pwede nilang magamit kung sakaling umatake ang bata. Tanging mga sanga lang ang nakuha nila.

"Nasaan ka? Magpakita ka!" hinamon ni Gerom ang bata. Alam niya kung paano niya ito tatalunin dahil alam niya kung sino talaga ang totoong may sala kung bakit namatay ang Lola ng dalawang bata.

"Maglaro muna tayo! hanapin niyo ako! kung sino ang makakahanap sa akin ay hindi ko papatayin. Ngunit, sa loob lamang ng isang minuto. Kapag hindi niyo ko nahanap, alam niyo na mangyayari sa kaibigan niyo! Hahaha!" saad ng batang si Ato.

Biglang bumukas ang ilang ilaw sa Covered court. Napansin naman 'yon ng tatlong binata.

"Doon! baka nandoon si Jenny!" agad namang tumakbo si Joef patungong Covered court.

"Gerom! Aljhon!" sigaw ni Nikolai na nakarating na rin kasama sina Gem at Jass.

"Puntahan niyo na si Jenny! nandoon si Joef para iligtas siya!" utos ni Aljhon.

"Teka, saan kayo pupunta?" pagtataka ni Gem.

"Yung bata, gusto pang makipaglaro! kailangan natin siyang mahanap bago mahuli ang lahat!" sagot ni Aljhon at nagsimula nang maglakad para hanapin ang bata.

"Sige na Gem, puntahan niyo na si Jenny." agad na niyakap ni Nikolai ang kanyang kasintahan.

"Mag-iingat ka ah!" sagot ni Gem at ginawaran niya ito nang halik.

Sumama na rin si Nikolai sa paghahanap sa bata.

"Maghiwa-hiwalay tayo para mapadali ang paghahanap." mungkahi ni Aljhon.

"Mabuti pa nga." sumang-ayon naman ang dalawa.

Nagtungo si Aljhon sa gusali ng mga 4th year students. Si Gerom naman ay sa gusali ng mga 2nd year at si Nikolai ay agad na dumiretso sa gusali ng mga 1st year students.

Marami pang gusali ang naroon kaya mahihirapan ang mga ito sa paghahanap. Isa pa, sarado ang bawat silid. Hindi nila ito naisip. Paano nila mahahanap ang bata?

Naunahan sila ng takot at kaba kaya hindi na sila nakapag-isip nang tama. Tanging ilaw mula sa kanilang cellphone ang gamit nila para masilayan ang loob nang bawat silid.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon