Chapter 11: Ato and Ito

989 18 2
                                    

"Teka bata! anong pangalan mo?" tanong ni Gerom. Pinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa batang nasa harap niya na tila nalulungkot.

"Ako po si Ito, kuya. Si Ato po 'yung kapatid ko na gumaganti sa inyo." sagot ng bata na nakayuko lang at may lungkot pa rin.

"Tapos? bakit? bakit gumaganti ang kapatid mo sa amin? bakit niya pinatay ang mga kaibigan ko?" sunud-sunod na tanong ang ibinato ni Gerom sa bata. Nais na niyang malaman ang katotohanan.

"Kasi po, si Lola . . ." nagpalinga-linga pa ang bata at tila may hinahanap. Napansin nito ang kanyang kapatid na masama ang titig sa kanya.

"Ito! Ito! ano? ano ba ang katotohan sa lahat ng mga nangyayari sa amin ngayon?" pilit na pinagsasalita ni Gerom ang bata dahil bigla na lamang itong tumigil sa pagsasalita.

Tumaya ang batang si Ito at napaatras ito.

"Kuya . . nasa likod mo siya. Kuya. . ." pautal-utal na sabi ng bata na takot na takot sa posibleng mangyari sa kausap niyang si Gerom. Nakita kasi niya ang kanyang Kuya na papalapit sa binata. Namumula ang mga ito, at galit na galit ang kanyang itsura.

"Sino? sino?" pinanlakihan ng mata ni Gerom ang bata dahil ikinilos nito. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng hangin na dumapo sa buong katawan niya. Nanayo ang kanyang mga balahibo nang maramdaman niya ito.

"Kuya tumakbo ka na!" sigaw ni Ito.

Dahan-dahang nilingon ni Gerom ang tinutukoy ni Ito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

"Boo!" bungad ni Ato, ang kapatid ni Ito na s'yang tinutukoy nito. Nginitian niya si Gerom, ngiting demonyo ang bungad niya sa binata.

Napako sa kinatatayuan si Gerom. Hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil nakita niyang may hawak na matalim na bagay ang batang si Ato.

"Kuya Ato huwag!" pigil nang kanyang kapatid na si Ito.

Agad namang nawala ni ang batang si Ato nang makita niyang lumiwanag ang kanyang kapatid na si Ito nang sigawan siya nito. Bigla na lamang s'yang naglaho.

"Anong nangyari?" pagtataka ni Gerom. "Saan nanggaling ang liwanag bata?" tanong pa nito.

"Sa puso ko Kuya, 'di hamak na mas malakas ako sa aking kapatid. Kaya ko siyang ibalik kung saang lugar siya nararapat. Pero kapatid ko pa rin siya at 'yon ang kailangan niyong gawin, ang talunin siya." paliwanag ni Ito.

"Pero paano nga? saan kami magsisimula?" halos mabuang na si Gerom.

"Kailangan mong malaman kung sino ang dahilan nang pagkamatay ng Lola namin, kuya." sagot ni Ito. Unti-unti rin siyang lumulutang.

"Saan ka pupunta? sandali! bumalik ka! marami pa akong itatanong sayo!" pilit na inaabot ni Gerom ang paa ni Ito. Pero hindi niya magawa dahil patay na ito at nagsisilbi na lamang siyang gabay.

Nang tuluyan nang maglaho ang batang si Ito. Napaupo muli si Gerom sa kanyang kama. Nag-iisip, tinatanong ang sarili,

"Sino ang dahilan nang pagkamatay ng kanilang Lola?" tanong ni Gerom sa kanyang sarili.

Dali-dali itong nagbihis. Naisipan niyang puntahan si Aljhon para pag-usapan ang nangyari sa kanya at ang sinabi ng batang si Ito.

Sumakay siya sa kanyang motor at agad niya itong pinatakbo patungo sa isang lugar kung naroon ang bahay ni Aljhon. Bumabali pa rin sa kanyang isipan ang dalawang batang nagpakita sa kanya.

"Bakit sa akin nagpakita ang batang 'yon?" muli niyang tinanong ang kanyang sarili.

Bakit nga ba siya ang kinausap ni Ito at hindi ang iba niyang mga kasama.

Praedictum (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon