ONE.

360 98 75
                                    

Panimula ... Meet the Bitch

Maganda.. Talented.. Matalino.. Mayaman.. Model-type at Flawless ang katawan.

Ilan lamang yan sa mga katangian na meron ang magandang dilag na 'to.

Katangian na hinahangaan ng mga kalalakihan.

At ang katangian na kinaiinggitan at kinaiinisan ng karamihan sa mga babae.

Yan si Yvonne Raxie Garcia. Ang astig na dyosa ng Heartbreak Academy.

Yvonne's POV

Tama. Dapat makilala nyo ako. :D

Saglit lang.. Magsimula tayo sa kasalukuyang nangyayari ngayon ...

Eto ako, tumayo at sinaklay ang bag ko at binuhat ang mga aklat matapos lumabas ng guro namin mula dito sa loob ng classroon.

Kakatapos lang ng botohan ng representative para sa Mr & Ms ng section namin which is Isaac. Ang first section sa 4th year. Kaya Mr & Ms. Isaac ang title na mapupunta sa kung sino man ang binoto ng klase. Para maging pambato sa upcoming event ng academy at isa sa mga event ang search for Mr. & Ms. HBA. Which stands for HeartBreak Academy.

At syempre, dahil ako ang maganda sakanila. Ako napili bilang representative. At si Dave naman ang napili bilang Mr. Isaac. Sa lahat kasi ng boys sa section namin sya rin ang talentado at pinagpala ang mukha.

Isa-isa ng nagsilabasan yung mga classmates ko. Yung iba kumaway at ngumiti sakin.

"Good Luck Yvonne" sabi ni Hannah. Ang presidente ng section namin.

"Do your best." sabi naman ni Lezi na nag thumb's up pa sakin.

"Oo nga. Suportahan ka namin." sabat ni Noemi.

"Salamat." sabi ko sakanila.

At sabay-sabay na silang lumabas ng classroom.

"Good luck sayo. I'm sure talo na ang section natin kasi ikaw ang pinili nila." sabi ni Samantha.

Ang feeling maganda sa section namin. Feeling maganda.

Tadaan guys haa. Iba ang maganda sa feeling maganda!

"Oo nga. First section pa naman tayo. Mapapahiya tayo pag nagkataon." second the motion naman nitong si Charice.

Sya naman ang feeling matalino.

Sasabihin ko rin sainyo to. Iba ang totoong matalino sa feeling matalino.

Ewan ko ba dito kung bat napunta to dito sa section namin. Hindi naman talaga siya matalino eh. Makapit lang kasi sa mga teachers.

"Kaya nga. Di hamak naman na mas better kami kesa sayo." sabat ni Grace. Ang ambisyosa sakanila.

And for the third time around. Sinasabi ko sainyo na iba ang may Feeling sa Likas na talentado, matalino at maganda.

At sa kasamaang palad, nasalo nila ang lahat ng 'feeling' sa mundo.

At syempre, ako si Yvonne Raxie Garcia. Ang dakilang babae na nakasalo ng lahat ng Likas sa mundo.

Likas na matalino, mayaman, talentado, maganda, sexy, etc.

Hindi naman sa pinagmamayabang ko yan. Proud lang kumbaga.

Papayag ba ako na ganunin nalang nila? Huh! Nevahhh!

Kaya taas noo ko silang hinarap.

"Ah. So are you trying to say na dapat kayo ang napili bilang representative sa class natin?" i paused. Sila, sabay sabay na nagsitaasan ang mga kilay. So i continued, "But sad to say, masyadong magaling mamili ang karamihan sa kaklase natin kung sino ang dapat na pagkatiwalaan bilang rep." I smiled widely to piss them off.

OUTBITCHED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon