I'm always alone in this house.
Tanging si Luke at ang dalawa ko pang kaibigan na si Shara and Bea ang nakakapagparamdam sakin na hindi ako mag-isa.
Narinig kong bumukas ulit ang pinto sa kabila at muling nagsara. Di ako sanay na nandito siya. Di ako sanay na may kasama ako sa bahay ngayon. Sanay ako na mag-isa. Sanay ako na patay na hangin ang sasalubong sakin pag-uwi ko galing sa school.
On leave? Tsk. For I know nag-leave muna siya sa work niya just for another work. Di naman siya maglalaan ng oras para sakin eh. Bata palang ako wala na silang time sakin. Sila ni daddy....
Gigising ako sa umaga paalis na sila. Uuwi sila gabing gabi na. Kung kelan tulog na ko. Kapag linggo naman pareho silang nakakulong sa kwarto nila, doing some works. Work na naman. Work and work and work... Kelan magiging ako? Kelan darating yung time na ako naman ang iisipin nila?
Kaya ngayon, I already lose hope na mapapansin pa nila ako. Pero hindi ko igi-give up yung hardwork na meron ako ngayon. I'm still on top of our class. At sumasali pa rin ako sa mga school curriculars for my own good.
Pero hindi na ko nag-aabalang ipaalam pa to sa mommy and daddy ko. Never naman nilang na-appreciate yung mga ginagawa ko kahit noon pa man. Kasi sa tuwing sinusubukan ko noon na ipakita sakanila ang mga achievements ko balewala lang, I felt worthless. I felt like I'm unwanted.
It's better na na-aappreciate ko ang sarili ko kesa sa maramdaman ko na worthless ako. Kaya dahil dun natuto akong tumayo sa sarili ko. Mas naging strong ako. Kaya di ako masisisi ng ibang tao kung minsan selfish at mean ako.
I breath deeply..
and closed my eyes..
I usually do this whenever I want to.....
escape the reality.
*****
Biglang may kumalabog sa baba dahilan ng pagkagising ko. Tumingin ako sa wallclock at agad na napabangon ng makita kong alas-siyete na ng gabi. 3hrs din pala akong natulog. Ghad! Nakaka-stress kasi ang buhay ko kung iisipin. Masyadong komplikado kaya siguro mahaba haba na naman yung tulog ko. Di ko tuloy naaral yung kantang dapat na aaralin ko.
Nagsisimula na naman tuloy akong mainis sa presence ng mom ko. Badtrip!
Di na ko nag abalang ayusin pa ang magulo kong buhok. Inipit ko lang to pataas. Messy pa rin pero mas better nang tingnan. Bumaba na ko para kumain para makapagpahinga na ko ng dire-diretso pagkatapos.
"Oh. Gising kana pala Raxie" sabi ni mommy na naglalagay ng dalawang plato sa mesa na may mga nakahain na pagkain. Pano niya alam na natulog ako?
"It's Yvonne" i said and rolled my eyes as I walk towards the ref.
"Uh. Y-Yvonne" nag is-stutter na sabi ni mommy.
She & my dad used to call me Raxie, silang dalawa lang ang tumatawag sakin sa 2nd name ko. Pati na rin si Luke, pero Reyx yun, yes kinuha sa Raxie pero ok lang since bestfriend kami at nakasanayan ko na rin na tinatawag niya kong Reyx.
I started to hate Raxie when my mom & dad used to quarrel all the time. At nung biglang parang naging invisible nalang ako sakanila. I hate it when someone calls me Raxie. Kasi naaalala ko lahat ng mali na nangyari sa buhay ko. Kasi kadikit ng Raxie ang pangalan ng mom & dad ko.
"Ah. Nagluto ako ng paborito mo. Adobo" dali daling sabi ni mommy na bigla namang nagpalingon sakin at nakita siyang nakangiti sakin. Ghad she's wierd!
"It's no longer my favorite" sabi ko at inirapan ulit siya at pumunta sa breakfast bar.
Simula nung lagi akong nag-iisa sa breakfast, lunch & dinner dito ako pumupwesto. Ayaw ko kasing nalulungkot ako na wala akong kasabay kumain sa table namin. Atleast dito normal na mag isa kang kumakain.
"Ah. hindi na ba? ano na favorite mo ngayon ng maipagluto kita?" sabi niya ng may ngiti pa rin sa mga mukha niya.
"No thank you" sagot ko habang piniprepare ko tong flakes for my dinner.
"Eh eto nagluto rin ako ng menudo baka magustuhan mo. Subukan mo" bakas pa rin sa boses niya na masaya siya. Ghad! Now I'm starting to get irritated! Psh. Why am I even talking to her. Di ko nalang siya sinagot.
"Eto Rax-- Yvonne.. may gulay din akong niluto, ampalaya. Naaalala ko anlakas mong kumain nito noong baby ka pa" sabi ulet niya pero ngayon hindi na maririnig sa boses niya na masaya siya.
"Well hindi na ko bata" sabi ko at nilagay sa tray yung bowl ng cereals ko para dalhin sa kwarto. Ayokong kumain kasama siya. Naiirita lang ako sa kakulitan niya.
"Ah Yvonne baka gusto mo ng soup? Nagluto din ako samahan mo nalang ng rice para mabusog ka" sabi pa niya. Binuhat ko na yung tray at humarap saglit sakanya.
"Are you not informed that I don't eat rice for dinner?" tanong ko at tinaas ang isa kong kilay. Hindi siya nakasagot kaya naglakad na ko palabas ng kitchen at tumungo na sa kwarto ko.
Nilapag ko sa side table yung dinner ko. Nakalimutan ko pa mag timpla ng gatas. Nadistract kasi ako masyado sa presence niya. Di niya nama kelangang magparamdam eh. Sanay naman na akong di nila pinapansin.
Tumayo ako at binitbit na yung tray para ibalik sa kusina at para magtimpla ng gatas.
Naabutan ko siyang nakaupo at walang ganang kumakain. Mukhang napansin niya naman ang pagpasok ko kasi nilingon niya ko at binigyan ako ng tipid na ngiti. Di ko nlang siya pinansin at nagtimpla ng gatas ko.
*****
In-on ko yung tv para manood ng movie habang kumakain. Pero kahit na nanonood ako lumilipad pa rin ang isip ko. Naninibago kasi ako at wierd sa feeling.
Walang gana akong sumusubo ng cereals naramdaman kong may luhang tumulo sa kanang pisngi ko. Pinahid ko ito at sumubo ulit para di na tumuloy ang pagpatak ng luha ko. Pero hindi, mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko. Lumuluha ako habang kumakain. I don't even know the reason why I'm crying. This is insane.
Di ko na tinapos ang kinakain ko at tinabi ito. Uminom ako ng gatas at umupo sa kama.
Iniisip ko pa rin na pano niya nagagawang humarap sakin. Hindi niya ba naiisip na kelangan ko rin ng oras nila. Anong akala niya, na pagkatapos nila akong hayaan na mabuhay mag-isa, na mabuhay na parang walang ina at ama na nag aalaga ay magiging ok lang ako. Pilit ko mang kinakalimutan yung mga yun pero mahirap. Mahirap at hanggang ngayon masakit pa rin. Masakit na kasama ko lang sila ni daddy dito sa bahay pero parang ang layo-layo nila saakin. Mabuti pa nga yung mga anak na ang magulang nila nasa ibang bansa eh gumagawa ng way para lang makausap sila. Eh ako na andito lang ang magulang ko, ni-hi o hello man lang wala. Goodmorning sa umaga at goodnight sa gabi wala.
Simula nung nag 3rd yr high school ako tinanggal ko na sila sa buhay ko. Di na ko umasa na babalik pa kami sa dati. Na laging masaya, na laging magkakasama. 1yr na kong nabuhay na di sila iniisip. Bat ngayon pa ko nag papa-apekto?
Pumunta ako sa banyo ko at naghilamos. Ayokong umiiyak pa rin ako sa parehong dahilan.
Nahiga na ko sa kama at pumikit. Wishing na pag gising ko babalik na ulit ang lahat sa dati. Na sarili ko nlang ulit ang iisipin ko at na mag isa pa rin ako sa bahay na to. Mas gusto ko ang ganun. Mas sanay akong mag isa.
BINABASA MO ANG
OUTBITCHED!
Teen FictionYvonne Raxie Garcia was a well-known Bitch. She's mean to everyone. She's wicked, rude, cold, she's more like a beast. She's a wild savage, a brutal person. She is evil. But that evil wicked bitch became a sweet charming girl in just a snap. No one...