ELEVEN.

164 78 30
                                    


Yvonne's POV

Naghiwalay na kami ni Luke pagkapasok namin ng academy. Dirediretso akong naglalakad papunta sa classroom namin. Wala akong pakialam kung nagtitinginan at nagbubulungan ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Eh kesyo daw maga ang mga mata ko. Pake ba nila! Eh kahit naman anong itsura ko mas maganda pa rin naman ako kesa sakanila.

Bigla namang may tangang nakabangga sakin kaya mabilis na nang-init ang ulo ko.

"Ano ba? Tatanga-tanga kasi eh!" pasigaw kong sambit sakanya.

"S-sorry" mahina niyang sabi at dali-daling pinulot ang mga aklat niya.

Napairap nalang ako sa kawalan at nagpatuloy na sa paglakad. Wala akong pakialam kung naapakan ko man ang isa sa mga aklat niya.

Kung bakit ba naman kasi may mga taong ang aga-aga pa eh tatanga-tanga na. Hindi porket libre eh aaraw-arawin na nila.

Taas-noo akong dumiretso sa classroom ko na rinig na rinig ang ingay kahit may kalayuan ka pa. Natahimik naman ang buong klase nung sigawan ko sila pagkapasok ko mismo.

"Pwede bang manahimik kayo?! Wala na ba kayong ibang alam na gawin sa buhay niyo?" pagtataray ko at tinaasan ko sila ng kilay saka na mataray na naglakad papunta sa upuan ko.

Nakaka-stress ang mga pagmumukha nila kaya inirapan ko silang lahat. Iniwas naman nila ang tingin nang inilabas ko ang deadly glare ko at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang ginagawa pero bulungan nalang ang pagkukwentuhan nila hindi katulad kanina na parang nasa palengke sila.

Umupo naman si feelingerang Samantha sa unahan ko at muli naman akong napairap. Humarap siya sakin at binigyan ako ng pekeng ngiti.

"You know what, you're so cute" I said and I smiled sweetly.

"Ako? Cute?" di niya makapaniwalang tanong saakin.

"Yeah. Honestly, I really see you as a dog" sambit ko at binigyan siya ng bitchy smile.

Parang nainis siya sa sinabi ko pero pinipilit niya pa ring wag mawala ang ngiti niya.

"Chips, you like? Libre kita" sabi niya at inilahad saakin yung chips na kinakain niya.

"No thank you. I don't eat chips. And I don't like cheap people" pang-iinis ko pa sakanya. Pero tila matiyaga siya ngayon sa ugali ko.

"Uh.. Anyway, I'm going to throw a house party. And I am personally inviting you. So, are you coming?" sambit niya.

"No. I'm too awesome for that." walang gana kong sagot at binaling ang tingin sa phone ko. Nakakasuka lang ang mukhang clown na to.

Umalis nalang siya na parang disappointed sa naging sagot ko. Duhh. As if I wanna hang with them. Never in my dreams.

Di na naman yata papasok yung subject teacher namin. Lahat kasi ng mga katabi naming classrooms tahimik na at nagsisimula nang maglesson. Samantalang kami heto, kanya-kanyang trip sa buhay.

Nilabas ko ang earphones ko para makapag-soundtrip at sinaklay ang bag ko. Tatambay nalang ako sa canteen.

Dahan-dahan lang akong naglalakad sa hallway. Mabuti naman at walang mga stupidents na pagala-gala class hours kasi.

Tahimik na sana akong naglalakad kaso may sumunod sakin na akala naman yata eh nakakahawa ang ganda ko. Nakangiti siyang nakatingin sakin kaya inirapan ko siya.

"Saan ka pupunta?" masayang tanong saakin ni Trixie.

"Somewhere far away from you" walang gana kong sagot.

"Ang bad mo talaga sakin!" sabi niya na nag pout pa. tss. ang panget niya.

"Pwede wag kang magpout? Baka sabihin pa ng mga makakita saatin na nagdala pa ko ng pato sa academy na to." pagtataray ko sakanya.

"Bakit kaya kahit na anong taboy mo sakin lapit pa rin ako sayo ng lapit. At kahit gano pa kasama yang ugali mo gusto ko pa ring makipagkaibigan sayo" sambit niya. tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya ng diretso at seryoso ang mukha niya. Minsan talaga nawiweirdohan ako sa bababeng toh.

Di na ako nagsalita, di kasi ako makasabay sa sobrang lalim niya. Mabuti nalang at natahimik na rin siya kaya tahimik kaming nakarating ng canteen.

Habang pumipili pa ako kung anong o-orderin ko napansin ko naman si Trixie na nakatitig na parang nag-sspark ang mga mata niya sa ice creams.

"Dalawang ice cream nga po. Strawberry flavor" umorder nalang ako ng ice cream. total wala naman akong mapili.

"Heto na yung ice cream" sabi nung nagbabantay ng canteen.

Mula sa peripheral view, napansin ko ang agad na paglingon ni Trixie nung marinig niya ang salitang ice cream. Habang iniabot saakin nung tindera yung ice cream sinundan naman ni Trixie ng tingin yung ice cream mula sa kamay nung tindera hanggang sa mahawakan ko ang mga ito.

Di ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon na sobrang childish mula sa Trixie na sobrang lalim na tao.

Umupo kami sa isang table doon tsaka ko inabot sakanya yung isang ice cream.

"Waaah!" napapalakpak siya sa tuwa bago niya kinuha yung ice cream. Napailing ako ng ulo sa pagiging childish niya. Tumayo ako at iniwan siya dun.

Nagpagpasyahan ko nalang na tumungo sa likod ng building namin. Dun sigurado magkakaroon ako ng peace of mind.

Sakto naman na pagkarating ko dito ay naubos ko na rin ang kinakain kong ice cream. Umupo ako sa lilim ng punong acacia. Mabuti pa dito tahimik at walang ....

"Andito ka lang pala!" ASUNGOT! Bigla bigla naman to sumulpot. tss!

"Arrgh! Bat ka ba andito?! Peace of mind ang kelangan ko hindi piece of shit!" inis kong sambit sakanya.

"Haha. Ano ka ba. Gusto ko lang naman mag thank you dun sa icecream." sabi niya at umupo siya sa tabi ko. Nag-smile pa siya sakin ng pagkalawak-lawak. Napailing na lamang ako. Hays.

"Nakapag-thank you kana diba? Pwede ka nang umalis"

"Ayaw mo bang samahan kita dito?" nakangiti niyang tanong sakin.

"Bakit? Yaya ba kita para bantayan ako?"

"Hindi. Baka kasi kelangan mo lang ng kasama."

"Hindi ko kelangan ng kasama"

"Edi hindi. Pero dito lang ako. Pero di kita sinasamahan haa."

Huh? Ano daw? Napa-facepalm nalang ako sa kakulitan niya.

Sumandal ako sa trunk ng puno at pumikit habang nakikinig ng music sa phone ko.

Si Trixie naman parang naglalaro yata sa phone niya. Ang ingay nga eh. Maglalaro lang.

"Ow men! Sayang! Matatapos na yung level eh!" pagrereklamo niya.

Tiningnan ko siya. Parang bata kung magreact sa nilalaro niya. Hm. I wonder kung may problema rin siya katulad ko o kung perpekto ba ang buhay niya. Masaya kaya sila ng pamilya niya?

Sana ganun din kami... Masaya...

OUTBITCHED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon