FIVE.

182 85 40
                                    

Yvonne's POV

Hinatid na ko ni Mike at Luke sa bahay pagkagaling namin kila Bea.

Nasa tapat na ko ng main door ng bahay. Pero nag-iba ang mood ko bago pumasok. Always naman. Alam ko kasi na mag-iisa na naman ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Inikot ko muna ang tingin ko sa buong bahay bago ako ako tumungo sa kwarto to. Walang kahit na anong ingay. Sarili kong mga hakbang ang tanging naririnig ko. Napabuntong hininga ako at umiling iling at pumasok na sa kwarto ko.

Nagpalit ako at pumunta sa kusina para kumain. May nakita akobg bagong note na nakadikit sa ref and it says..

'Yvonne,

I prepared your dinner. I placed it on the breakfast bar. I'm out to visit a sick friend. Text me when you need something.

-Mom ♥

Napairap ako at lumapit sa breakfast bar. I'm expecting na rice and some dish na naman ang pinrepare niya pero nagulat ako kasi cereals yung nasa loob ng bowl. Sa tingin ko wala akong reason para i-ignore lang yung cereals. Since eto naman talaga ang kinakain ko pag dinner. Nagtimpla na rin siya ng gatas. Uminom ako ng konti para alamin kung maiinon ko ba to. Ayaw ko kasi ng sobrang tamis. Napa-smile ako kasi sakto yung timpla sa gusto kong timpla. At bigla namang napalitan ng kunot sa noo yung ngiti ko ng maisip ko na pano niya nakuha yung timpla ko? Pano niya alam na eto ang lasang gusto ko? Oh now she's getting weirder.

Pagkatapos ko magdinner tumungo na ako sa taas para magpahinga. Natigilan ako sa paglalakad ng nasa tapat ako ng kwarto ni mommy. Tinitigan ko ang pinto ng kwaro niya at bigla nalang akong may mga naalala mula sa pagkabata ko.

I used to knock and peak in her room kapag gusto ko siyang makausap. Pero di ako nagkakaron ng courage na lumapit sakanya. Lagi ko kasi siyang nakikitang naka-focus sa mga paper works. Ayoko namang abalahin siya.

Natigil ako sa pag-iisip and unconciously, lumapit ako sa pinto ng kwarto niya. Di ko makontrol ang sarili ko. Biglang tumaas ang kamay ko at hinawakan nito ang doorknob at inikot. Huli na bago ko muling makontrol ang katawan ko. Nabuksan ko na ang pinto. Inikot ko ang mata ko sa bawat sulok ng kwarto niya. Maraming nagbago.

Pumasok ako sa loob at hinawakan ang mga disenyo ng kwarto niya. Ang vase, ang mga figurines, at iba pa. Nakuha naman ang pansin ko ng mga picture frames na nakapatong sa maliit na crendeza.

Sa unang frame ay yung picture namin ng mom & dad ko. 5 years old palang yata ako neto. Sa ikalawang frame ay yung wedding pic ni mom & dad. At sa ikatlong frame ay solo pic ko nung baby pa ko.

Nabaling naman ang tingin ko sa isang photo album sa likod ng nga frames. May nakalagay na Baby Raxie sa cover ng album so I expect na mga pictures ko ang nandito.

Binuklat ko isa-isa ang mga pahina nito. Puro nga larawan ko ang nakalagay dito. Simula nung 1 yr old ako. Nasa pahina na ko kung saan 12 yrs old na ko. Binuksan ko ulit ito at nakita ang larawan ko nang mag graduate na ko ng elementary. Eto na yata ang huling larawan na meron ako sakanila.

Pero nagulat ako ng buksan ko sa susunod na pahina. May larawan ako nung 13 at 14 ako. Binuksan ko ulit sa susunod pang pahina at may larawan ako sakanila ng 15 na ko. Meron ding larawan ko na nagpplay ako ng gitara. Pano siya magkakaroon ng mga larawan ko mula nung 13 ako. Eh di na nga nila ako niyan pinapansin.

Posible kayang kinuha niya yung mga larawan ko sa instagram?

Nilipat ko sa susunod pang pahina pero blangko na. Wala nang mga larawan. Patuloy ko pa ring binuklat yung mga blangkong larawan at huminto sa kahuli-hulihang pahina. May isang di ko maintindihang larawan na nakadikit sa back cover ng photo album. Black & white ang kulay niya. Di ko maintindihan kung anong nasa larawan.

Nacurious ako dito at inikot para tingnan kung anong nasa likod ng larawan. Binasa ko ang naka-sulat dito.

'Two heartbeats but only one could live'

Yan ang nakasulat sa likod. May sorry din na medyo malaki ang pagkakasulat at may ' -Mommy' na nakalagay sa pinaka-ibabang parte ng larawan.

Di ko pa rin maintindihan kung ano ang nasa larawan ang alam ko lang may kinalaman ito saakin. Binalik ko nalang ulit ito sa photo album at nilagay sa dating lalagyan.

Lumabas na ko ng kwarto niya at nagtungo na sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama ko, ilang minuto rin akong nakapikit pero di pa rin ako makatulog. Umupo ako mula sa pagkakahiga at inub-ob ko ang mukha ko sa mga palad ko.

Muli kong iniangat ang ulo ko at napatingin sa gitara ko. Napa-smile ako na para bang ngingiti siya sakin pabalik.

Kinuha ko ang gitara ko at umupo sa bench sa veranda ng kwarto ko at nagsimulang tumugtog...

You used to call me your angel

Said I was sent straight down from heaven

You'd hold me close in your arms

I love the way you felt so strong.

I never want you to leave

I want you to stay here holding me.

I miss you ...

I miss your smile

And I still shed a tear every once in a while

And even though it's different now

You're still here somehow.

My heart won't let you go

And I need you to know

I miss you, Sha la la la la

I miss you.....
  
  

* * * * *
  

OUTBITCHED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon