Luke's POV
Its sunday morning at nandito ako ngayon nakahiga sa couch ni Reyx. We usually sleep together at saturday night. Takot kasi si Yvonne mag isa kapag linggo.
Ayaw niyang gigising siya na walang kasama kapag linggo. Ayaw niyang gigising siya sa araw na wala siyang iisipin. She wants me to be with her on sunday kasi walang pasok, walang bonding moments with her friends Shara & Bea, wala siyang ibang iisipin, kasi kapag kasama niya ko sa linggo nakakalimutan niyang mag-isa siya.
Hindi ko alam pero sa tagal naming magkaibigan ni Reyx eh kahit ako hindi ko madama ang presence ng mom & dad niya.
Madalas kong itanong noon kay Reyx kung asan parents niya pero parehong sagot lang ang nakukuha ko. Sa kwarto, sa work, busy. Yan lang lagi ang sagot niya sakin.
Hanggang sa narealize kong nalulungkot ang bestfriend ko tuwing iniisip niya ang parents niya. Kaya napagpasyahan kong wag na siyang abalahing tanungin pa tungkol dun.
Kaya kahapon nung makita ko ang mom niya hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ako nakapagsalita ng maayos. Tanging po at opo lang ang lumabas sa bibig ko. Matagal na kong pumupunta dito sa bahay nila pero kahapon yung unang kita ko sa mommy niya. Ni hindi pa nga ako naipapakilala sakanya ni Reyx.
Nilingon ko si Reyx na mahimbing pa ring natutulog sa kama niya.
Marami siyang features na nakuha sa mommy niya. Yung mala-anghel niyang ngiti, ang tantalizing eyes niya, her small pointed nose, her pinkish kissable lips. Magkamukhang magkamukha talaga sila ng mom niya.
She's like an angel kapag tulog, beast naman kapag gising. Pero kahit na ganun mahal ko ang bestfriend kong ito.Marami kasi siyang katangian na tanging ako lang ang nakakakita, at tanging sakin niya lang ipinapakita. Wala siyang lakas ng loob na ipakita ito sa ibang tao. Natatakot siya sabi niya. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit.
Tumayo ako mula sa paghiga at naglakad papalapit kay Reyx. Nang tumapat na ko sakanya lumuhod ako para maipantay ang mukha ko sa mukha niya. She really looks like an angel. Napangiti ako habang tinititigan siya. Hinawi ko ang konting buhok na humaharang sa mukha niya at sinabit ito sa tenga nya.
I smiled bitterly, sa pag-iisip na gusto ko siyang protektahan, na ayaw ko siyang nakikitang malungkot sa ano mang dahilan, ayaw ko siyang nakikitang lumuluha, ayaw ko siyang masaktan.
Alam kong kayang-kaya kong gawin ito bilang bestfriend niya. Pero bakit... Bakit hanggang bestfriend lang.
I want it to be more than just that. I want us to be more than just friend. But when, and how. I can't just tell her I love her, I can't just tell her I see her more than a best friend. Hindi ko pwedeng isiksik ang sarili ko sa komplikado niyang buhay. Alam kong wala siyang time dun, at gusto ko rin munang hintayin na maayos niya ang relationship nila ng parents niya. Alam kong yun ang priority niya sa ngayon. Kaya ayokong guluhin muna ang isip niya dahil lang sa may nararamdaman ako sakanya. Ayokong maging selfish sakanya.
I know time will come. And I'm willing to wait for the right moment.
Bigla akong napatayo at napalayo kay Reyx nang gumalaw siya at nag-unat ng katawan bago niya unti-unting minulat ang mga mata nita.
"Oh. Kanina ka pa ba gising?" tanong niya sakin ng mapansin niya ako.
"Oo. Kasi nagising ako sa lakas ng hilik mo" biro ko sakanya.
"Hindi ako humihilik!" inis niyang sabi sakin at binato ako ng unan.
"Sandali ha, kuha ako ng breakfast natin." sabi ko sakanya at binato sakanya pabalik yung unan tsaka tumakbo palabas ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
OUTBITCHED!
Teen FictionYvonne Raxie Garcia was a well-known Bitch. She's mean to everyone. She's wicked, rude, cold, she's more like a beast. She's a wild savage, a brutal person. She is evil. But that evil wicked bitch became a sweet charming girl in just a snap. No one...