Yvonne's POVSaturday ngayon at plano naming magkita kita sa bahay nila Bea.
Tapos na kong mag-ayos nang may kumatok sa kwarto ko.
"You're on time Luke. Kakatapos ko lang mag-ayos." sigaw ko at naglakad na palapit sa pinto.
Nagulat ako ng hindi si Luke ang nakita ko pagbukas ko ng pinto. Kundi ang mom ko.
"Ugh! What do you want?!" sabi ko at tumapak ako palabas ng kwarto para maisara ko ang pinto.
"May naghihintay sayo sa baba" sagot niya.
"I know" inirapan ko siya at nagtungo na ko sa baba.
Nakita kong naghihintay si Luke sa living room. Napansin niya naman ang pagdating ko kaya tumayo siya at lumapit sakin.
Sinamaan ko siya ng tingin at nauna na kong maglakad palabas ng bahay habang nakasunod siya sakin.
Dirediretso akong pumasok sa kotse niya at naupo sa passenger's seat.
"Morning" bati sakin ni Mike. Nginitian ko lang siya ng tipid.
Bumukas naman ang pinto ng kotse at sumakay si Luke.
"Sorry. Di ko alam na nanjan mom mo" agad na sabi ni Luke.
"It's not your fault. Don't be sorry" matamlay kong sagot sakanya.
"Galit ka sakin?"
"No. Why would I?" sagot ko at napatingin ako sakanya.
"Akala ko lang. Sama ng tingin mo sakin kanina eh"
"Badvibes lang ako. Bat kasi di ka dumiretso sa kwarto?"
"Di ko alam na nandun mommy mo eh. Nung pinagbuksan niya ko ng pinto pinaupo niya ko at tatawagin ka lang daw niya."
"Hays. Bat kasi nandun siya" bulong ko sa sarili ko.
"Ano?" tanong ni Luke.
"Walaaaa!"
Nakarating na kami sa bahay nila Bea na inaabangan kami sa labas ng gate nila kasama si Shara.
"R!" sabay na sigaw ng dalawa pagkababa ko ng kotse.
Tumakbo naman ako sakanila at niyakap sila.
"Hi Luke" bati naman nila kay Luke nang bumitaw na kami sa pagkakayakap.
"Zup girls" sabi niya at tumaas baba pa ang kilay niya. tsk. pa-cute masyado.
Pumasok kami sa bahay nila Bea para mag 'hi' sa mom & dad niya then dumiretso na kami sa usual spot namin.
Naglapag si Bea ng picnic carpet at saka kami dun naupo. Si Luke naman nahiga sa grass at tinakpan ng braso ang kanyang mata na tila matutulog.
Di kasi sya minsan nakakasabay sa usapan namin. Girl's talk kasi kami madalas. Sabi pa nga niya samin dati baka daw maging bakla siya kakasama samin.
"Guys. May sasabihin ako sainyo!" excited na sabi ni Bea.
"Ano yun?" sabay na sabi namin ni Shara.
"Sasabihin ko sainyo pagbalik ko. Kunin ko lang yung cookies kay mommy" sabi ni Bea tsaka tumayo at tumakbo papasok ng bahay nila.
"I'm baaack!" masayang sabi ni Bea.
"So ano na yung sasabihin mo?" bungad agad sakanya ni Shara.
Umupo muna si Bea sa harap namin at tsaka nilatag yung cookies na dala niya.
"Yeah! Spill it." sabi ko at kumuha ng cookies assuming na mahabang kwento yung sasabihin ni Bea.
BINABASA MO ANG
OUTBITCHED!
Teen FictionYvonne Raxie Garcia was a well-known Bitch. She's mean to everyone. She's wicked, rude, cold, she's more like a beast. She's a wild savage, a brutal person. She is evil. But that evil wicked bitch became a sweet charming girl in just a snap. No one...