THIRTEEN.

167 71 21
                                    


Lucky you can get to see a little of Trixie's view. XD
  
 
Trixie's POV

    

Takbo lang kami ng takbo ni Yvonne hanggang sa makarating kami dito sa basketball court sa kabilang building. Umupo kaming pareho sa grass para magtanggal ng pagod.

Kainis kasing teacher yun. Kill-Joy!
  

Bigla naman akong may namataang lalaking sobrang gwapo na naglalakad papunta sa direksyon namin. Agad namang nawala ang pagod ko habang pinapanood siyang naglalakad. Sobrang hot niyang tingnan lalo na't ginagalaw ng hangin ang mga buhok niya.

Grabe natutulala ako sakanya at parang gustong bumagsak ng baba ko sa lupa.

Palapit na siya ng palapit at parang kinakabahan ako. Marami na kong nakitang lalaking kasing gwapo niya pero sakanya ko lang nararamdaman tong kakaibang appeal na masyadong nakakapang-akit sa mga babae.

Parang tumalon lang yung oras at eto, andito na agad siya sa harap namin ni Yvonne. Pero si Yvonne ang kinausap niya.

Hindi ko marinig-rinig ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Ewan ko ba dito. Magkakaheart-attack yata ako. Kung mangyari man iyon ay kasalanan nitong magandang lalaking nasa harap namin ngayon.

 
Tumingin siya sakin! Totoo ba ito? Saakin naman siya ngayon nakatingin at may mga ngiti pa sa labi niya. Tinatamaan na yata ako sa lalaking ito.

"ARAY! Ano ba!" sigaw ko kay Yvonne. alam kong siya ang tumulak saakin. Langyang babaeng to. Tawa naman siya ng tawa sa ginawa niya sakin. Napahawak pa sa tiyan niya yung baliw.

Inis ko lang siyang pinagmamasdan habang tumatawa siya at narealize kong kanina ko pa pala pinapantasya tong lalaking nasa harap namin. Napansin kaya yun ni Yvonne? Natawa nalang din ako sa sarili ko kasi para akong timang na natulala dun sa lalaki. Haha. Kaya sinabayan ko din si Yvonne sa pagtawa.

At maya-maya pa ay natawa na din tong lalaki at nakisabay saamin ni Yvonne.

Hayy. ang gwapo talaga niya lalo na pag tumawa.

 
-

"Ngayon lang kita nakitang kasama ni Reyx. Magkaibigan kayo?" agad na tanong sakin ni mr.hot guy nung natapos na ang tawanan namin at papalit palit niya kaming tiningnan ni Yvonne.

"Uh.. R-reyx??" tanong ko sakanya na puzzled ang mukha ko. Sinong Reyx? Tiningnan ko naman si Yvonne na walang reaksyon sa mukha niya, binigyan ko siya ng 'sino si Reyx' look. Tiningnan niya lang si mr. hot guy at tinaasan ng kilay.

"Ahh. Y-yvonne rather" sabi niya at nagkakakamot pa sa ulo.

"Ahhh." sabi ko at tumango-tango. "Yes we're friends!" masaya kong sabi.

"Just now" biglang sabat ni Yvonne.

"Hehehe. Y-yeah. J-just now" hindi ko pa rin inaalis ang mga ngiti sa labi ko. Kinakabahan kasi ako na makipag-usap sakanya. Ewan ko ba dito sa puso ko at parang mabilis na tumatakbo na para namang makikipagkumpitensya sa kabayo.

"And what's her name?" tanong niya kay Yvonne. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko! Tinatanong niya ang pangalan ko!

"T-trixie" sagot ko kahit hindi naman ako ang tinatanong.

"Luke Hans Reyes" sabi niya ng may pamatay na ngiti sa mga labi niya at inilahad ang right hand niya para makipagkamay.

Dahan-dahan ko namang inilahad ang kamay ko sakanya.

  
Narinig namin ang malakas na pagtunog ng bell na senyales na breaktime na. At narinig na rin namin ang ingay at takbuhan ng mga estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OUTBITCHED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon