TWELVE.

171 72 26
                                    

Yvonne's POV

  

Kelan kaya ako sasaya ulit. Yung totoong masaya. Yung hindi lang sa labas ako masaya, sana kahit pag uwi ko ng bahay masaya pa rin ako..

  

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang biglang dumating si Samantha at ang dalawang aso niyang si Grace at Charice.

"Wow Yvonne. First you ignored my party invitation and now you're hangging with that girl? Don't tell me you chose to hang with such a nobody than us?" mataray niyang sabi at maarte pa niyang tinuro ang sarili niya. Napataas naman ang kilay ko sa mga sinabi niya.

"Well it's better to hang with a nobody than a LOW CLASS BITCH right?" cool kong sabi at inemphasize yung low class para mafeel niya.

"W-what?" di makapaniwalang tanong ni Samantha.

"You heard me right? You're such a low-class trying hard bitch" sabi ko pa. Maarte namang siyang napailing sa sinabi ko at nagwalk-out na kasama ang dalawa niyang alalay. Psh. Wala na siyang nasabi kasi aminin man niya o hindi totoo yung sinabi ko. Masyado kasi siyang trying hard.

"Alam mo Yvonne, napapansin ko na parang ikaw lagi ang target nun." takang tanong naman nitong si Trixie.

"Syempre, maganda ako eh" sagot ko.

"Oo na maganda kana," sabi ni Trixie at  umirap sa kawalan. "yung seryosong sagot pwede ba?"

"Well, I have the fame na pinapangarap niya at pinaghihirapan niyang makuha pero di niya magawa. Nasasapawan ko sya sa ganda at sa iba pang bagay. So she tried to befriend me. Pero inayawan ko. Duhh! Ayoko ngang maging Friend w/ Benifits. Kakaibiganin ako para maging kalevel ko siya at para maging sikat din siya. Ang pathetic diba?"

"Oh? Di ko alam na sikat ka pala dito. Ang alam ko lang madalas kang pag-usapan kasi lagi ko ring naririnig sa mga estudyante ang pangalan mo". sabi ni Trixie at itinago ang phone niya sa bulsa at umupo ng maayos na nakaharap sakin.

"Hindi kasi ako yung sikat na merong mga pafanclubs. Sumikat ako kasi marami ang nagagalit sakin, kasi bitch daw ako at masama ang ugali ko. Eh di ko na kasalanan kung iba ang tingin ni Samantha sa pagiging sikat ko."

"Hindi ka naman ganun kasama ah." pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Nagkibit balikat lang siya at saka tinuloy yung sinasabi niya.

"May mga rason ka naman sa pagiging bitch mo. Di naman ikaw yung katulad nina Samantha na gagawa ng kung anong gusto nila para lang mapansin."

Natuwa naman ako sa sinabi ni Trixie. She sure knows a lot. Hindi naman pala masama ang pagiging malalim niyang tao minsan.

"You nailed it Trix." bigla ko nalang nasabi kasi natuwa talaga ako. Naiintindihan niya na agad ako kahit wala pa siyang gaanong alam saakin.

"Trix ??" Tanong niya sakin na nakakunot ang noo pero may malokong ngisi sa labi niya.

"T-trixie! I said Trixie right?" nauutal kong sabi.

"Haha. You just called me Trix. Come on Yvonne don't deny it." pang-aasar niya sakin at winiwiggle wiggle pa ang kamay niyang nakaturo sakin.

"I did not! Di mo lang yata narinig ng buo." sabi ko at inirapan siya.

"You're not a good liar Yvonne. Namumula ka oh" sabi ni Trixie na may pang aasar pa rin sa tono ng pananalita niya at talagang inilapit niya sa mukha ko ang mukha niya.

Inirapan ko siya at tumayo nalang. Bakit ba naman kasi natawag ko siyang Trix. Bigla bigla naman kasi kung magsalita tong bibig ko. hmp!

"Yvonne! Ibig bang sabihin nun friend mo na ko?" masaya niyang sabi nung makatayo na rin siya at sinundan ako sa paglalakad.

"I never say a thing" sabi ko pero iniiwas ko pa rin ang tingin ko sakanya.

"But not saying a thing always means something" sabi niya at pumunta siya sa harap ko para tumigil ako sa paglalakad ko. Nag cross-arms lang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Just say it Yvonne at titigilan na kita. Sabihin mo na, na tinatanggap mo na ko bilang kaibigan" sabi niya at nag cross-arms din siya at tinaasan din ko ng kilay.

"Argh! Okay!" Inis kong sabi at dinaanan ko siya sa gilid para makadaan ako.

"Okay? Magkaibigan na tayo?" sabi niya at sinabayan niya ko sa paglalakad habang masayang nakatingin sakin.

"Ok na nga eh! Ang kulit!" sabi ko at binilisan ang paglalakad ko.

"Yess!" sigaw niya sa hallway at nagsususuntok pa sa hangin. Napailing na naman ako ng ulo ko kasi nagsisimula na naman siyang maging childish.

 
"Kayong dalawa. Wala ba kayong mga pasok? Nakakaistorbo kayo sa ibang klase." Natigil kami ni Trixie sa paglalakad at napatingin sa nagsalitang guro na nakapameywang saamin.

Nagtinginan kaming dalawa ni Trixie at sabay sanang sasagot pero parang nagconnect ang mga mata at utak namin. Kaya ang sunod namin na ginawa ay.....

"TAKBO!" sabay naming sigaw at mabilis kaming tumatakbo sa hallway habang tawa ng tawa. Wala kaming pakialam kung may maiistorbo man kami ang alam lang namin ay makatakas lang kami sa guro. Baka kasi ipatawag kami sa principal's office pag namukhaan kami nun.

 
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa nakaabot kami dito sa basketball court sa kabilang building. Naupo kaming dalawa sa grass para matanggal ang pagod namin.

Ang saya ko. Sumaya ako sa simpleng pagtakbo. Bat ganun? Takbo lang naman yun. hmp!

"Uyy.. Ngayon ko lang nakita ang ngiting yan. Teka. May kakaiba sa ngiting yan eh" nagulat ako sa biglang dumating na si Luke. Di ko namalayan na nakaupo na pala siya sa harap ko. Nakahawak pa siya sa chin niya habang ini-scan ang mukha ko. Inirapan ko nalang siya, pang asar kasi ang ngiti niya.

"What are you doing here?" pagtataray ko sakanya.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo," sabi niya at natawa pa. "Diba ikaw ang taga kabilang building bat ka nandito".

"Ask her" walang gana kong sagot habang nakatingin sa kawalan. Ayokong mag-explain, kasalanan kasi yun ni Trixie kung bat kami napagalitan eh. Siya lang naman yung maingay.

"Are you sure you want me to ask her? Look she's drooling over me" sabi ni look at natatawa-tawa pa.

Binaling ko naman ang tingin ko kay Trixie at nadismaya sa nakita ko. Pinapantasya niya si Luke? The hell? Napa-facepalm nalang ako habang iniiling-iling ang ulo ko.

 
"Trix" tawag ko sakanya.

"TRIX..." muli kong tawag pero parang di niya pa rin ako naririnig.

"TRIXIE !!!!" sigaw ko sa tainga niya pero wala eh. di pa rin ako marinig ng gagang toh. Napailing ulit ako ng ulo.

'You made me no choice Trixie, but I have to do this' sabi ko sa isip ko at tumawa ng parang demonyo. Wahahaha!

"ARAY! Ano ba!" reklamo niya pagkatapos ko siyang itulak kaya napahiga siya sa grass.

"Perfect! Hahahaha!" sabi ko at humalakhak ng pagkalakas lakas.

Napahawak ako sa tiyan ko kasi sumasakit na ng dahil sa walang tigil kong pagtawa hanggang sa narealize kong tumatawa na rin kasama ko si Luke at Trixie.

 
Ang sarap lang sa feeling.....

OUTBITCHED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon