Patapos na ang klase namin. Napasulyap ako sa labas at nakitang kumakaway sakin si Shara and Bea mula sa labas at sumenyas sakin na magkita daw kami sa usual place namin after class. I nodded bilang sagot sakanila at naglakad na sila paalis.
"Mga kaibigan mo?" biglang tanong sakin ni Trixie. Di ko siya sinagot. Wala akong time makipagkwentuhan sakanya.
"Huy! Tinatanong kita" sabi ulit niya at kinakalabit pa ko.
"Wala kang pakialam" sabi ko at tiningnan ng masama yung kamay niyang dumidikit sakin. Nagets naman niya at tinanggal yung kamay niya.
"Tinatanong lang eh." pagrereklamo niya. hm? kala niya naman close kami.
Di ko nalang ulit siya inintindi pero sadyang di yata to makatagal na di magsalita.
"I wonder how... They look so nice to be her friends." mahina niyang sabi pero rinig ko naman.
Tiningnan ko siya, nakayuko lang siya at para bang may malalim na iniisip.
"Are they really your friends?" lumingon siya sakin at nagtanong na may kunot sa noo niya. Hindi ko alam kung mao-offend ba ko sa sinabi niya. Wala ba kong karapatang magkaron ng kaibigan?
"Bakit may problema ka ba kung kaibigan ko sila?!" nagsisimula na kong mainis sakanya haa.
"Wala naman. It's just unbelievable. They don't look so bitchy like you"
"Can you just shut your mouth?" inis kong sabi sakanya.
"arte" she murmured.
Di nalang ako nagsalita pa para di na madagdagan ang conversation namin.
Pero di ko naman siya masisisi if she doubt na friend ko si Shara at Bea. Yes, they're so nice. And they are my good friends. They just stopped hangging with me simula nung pag-initan na rin sila ng ibang estudyante dito ng dahil sakin. I know na ok lang yun sakanila pero sakin hindi. Ayaw kong nasasaktan sila ng dahil sakin. I love them so much.. kaya sabi ko we'll pretend na di na nila ako friends para tigilan na sila ng mga nambubully sakanila.
Nabubully sila ng dahil sakin. Sakanila gumaganti yung mga galit sakin kasi wala silang kakayanan na makipag-away. Ayaw ko naman na nabubully sila.
But we're still friends, di lang namin pinapahalata sa mga estudyante dito. And I'm still seeing them outside the campus.
The bell rang.. Sign para makaalis na ko dito. Dali dali kong sinaklay ang bag ko at tumakbo palabas ng classroom. Ganito ako lagi tuwing magkikita kami ng mga kaibigan ko. Lagi ko silang namimiss eh. Sa loob kasi ng isang linggo once or twice lang kaming nagkikita-kita.
Agad akong pumunta kay Luke. Sakto naman at uwian na rin sila.
Agad kong hinila ang kamay ni Luke ng makalapit ako sakanya. Tumatakbo ako na hawak pa rin ang kamay niya na tumatakbo ring nakasunod sakin.
"Hey. hey. why are you on rush? You're going to meet the girls?" tanong sakin ni Luke pero di pa rin kami humihinto sa pagtakbo papunta sa kotse ni Luke.
"Yeah!" masaya kong sagot kay Luke.
"Haha. Thought so!"
"Come on! Faster!" sabi ko habang dali daling hinihila si Luke papasok ng kotse. Haha. OA na ba ako ma-excite?
"Mike! Kila Bea" sabi ko at pinaandar na ni Mike yung kotse.
Kilala rin ni Mike yung 2 friends ko at alam niya kung saan bahay nila. Nagpapahatid kasi ako sakanya dun kung minsan. Di ko driver si Mike, kila Luke siya nagsisilbi. Pero sabi ni Luke ok lang daw na ituring ko nalang din si Mike na parang driver ko. Ok lang din naman yun kay Mike.
*****
Nakatayo kami ngayon ni Luke sa labas ng gate ni Bea. Nagdoorbell ako ng may malapad na ngiti. Mahina kong pinapadyak ang kanang paa ko habang naghihintay na bumukas yung gate.
Bumukas yung gate at bumungad samin ang masayang mukha ni Bea.
"Biiiiiii !"
"Aaarrrrr!" sabay na sigaw naming dalawa at naghug kami ng tumatalon talon pa.
"Sali naman ako jan!" napalingon ako sa nagsalitang si Shara.
"Essssss!" sigaw ko at nilahad sakanya ang kaliwang kamay ko.
"Arrrrr! Namiss ka namin!" sigaw din niya at tumakbo palapit samin at nag group hug kami.
Korni yata ng tawagan namin. Well ... paki nyo?
"Ako kasali ba jan?" biglang sabi ni Luke.
"Di ka kasama" sabi ni Bea at inirapan si Luke. Natawa lang si Luke at umiling iling.
Tumungo na kami sa bakuran ng bahay nila Bea kung saan kami madalas magbonding. Mahalaga sakin ang mga ganitong moment, kasi kapag kasama ko mga kaibigan ko nakakalimutan ko mga problema ko sa buhay.
BINABASA MO ANG
OUTBITCHED!
Teen FictionYvonne Raxie Garcia was a well-known Bitch. She's mean to everyone. She's wicked, rude, cold, she's more like a beast. She's a wild savage, a brutal person. She is evil. But that evil wicked bitch became a sweet charming girl in just a snap. No one...