Eight

11 0 0
                                    


Ang lakas talaga ng trip ni Ayumi!  Pero hayaan na para naman daw sa ikabubuti e.

Nandito ako kila Jude nakatambay,  habang siya ay gumagawa ng mga kakailanganin para sa Christmas party. At ngayon ko lang naalala na December pa lang pala,  magpapasko na agad, di ko man lang napansin. Pero syempre makakaranas ka ba ng bakasyon kung wala munang exam bago ka makapagbakasiyon.  Alam kong nararanasan ito ng mga normal na estudyanteng gaya ko. Maliban sa ibang school na next year pa ang exams,  yung tipong pagpasok mo ng school,  "surprise exam niyo ngayon 5 subjects straight."  O di kaya habang new year's eve sa bahay niyo "fuck!  Fuck!  Fuck!  Review review review"  kasabay n'on ang putukan sa labas.

Nakahilata ako sa sofa nila Jude at nakikinood ng tv,  hindi rin naman ako makapagconcentrate sa pinapanuod ko dahil dinadaing ko pa rin yung sakit ng katawan ko at bigat ng katawan ko. Sinuot ko na kasi yung kwintas na binigay ni Ayumi at di ko akalain na ganito ito kabigat.

"Si Darth? " tanong bigla ni Jude

"malay ko" matamlay kong sagot at pinikit lang ang aking mata, "di ko na sya nakikita mula nung nasuspend ka,  di ba kayo magkasama? " tanong niya ng hindi nakatingin sakin at tuloy lang sa pagsulat ng kung ano mang sinusulat niya. "hindi" tipid kong sagot. "naku bantay bantayan mo yun,  gwapo pa naman din!  Baka makuha ng iba" pang asar niyang sabi pero hindi pa rin nalingon sakin.

Pero oo nga no?  Ano kayang inaatupag nun ngayon?  Di na kasi siya ulit nagtext eh,  maitext nga.

To: Darth feeling //|\\

Hoy nasaan ka?  Bakit wala ka dito sa bahay?!  Siguro nambababae ka noh?!

Pero hindi agad nagsend dahil wala daw sa contacts ko ang number ni Darth. Di ko naman maalalsng dinelete ko number niya, pero binlock ko ata siya, inunblick ko na siya agad at pagkasend ko ay itinabi ko na ang cp ko tapos pinatay ang tv. Matutulog muna kaya ako dito.

~~~~~

*dilat**pikit**dilat*

"tigilan mo yan, muka kang timang" sabi ng isang lalaki sa bandang gilid ko,  magtatanong sana ako kung nasaan ako kaso
"wag ka magtanong kung nasaan ka,  nandito ka sa kwarto ko.. Tss kung saan saan kasi nakikitulog" rinig kong bulong niya, ngayon na nga lang ako bumalik tapos ang lakas pa ng loob tarayan ako?  Ako nga dapat nagtataray sa pesteng to e,  dapat pag pumunta ako dito naabutan ko sya,  hindi yung may sariling lakad sya ng hindi man lang nagpapaalam sakin.  Siraulong Darth na to.

"Bakit ngayon ka lang?! " pagsusungit ko rin sa kanya at umupo,  di naman sya umimik at tiningnan lang ako. "uuwi na ako" sabi ko. "Ang tapang mo naman, at naisipan mo pang umuwi ng gantong oras" nang aasar niyang sabi,  anong oras na ba?  Kinuha ko yung mobile phone ko para icheck yung oras,  gabi na pala?
"e ihahatid mo naman ako e,  bakit ako matatakot umuwi? " sagot ko. "matatakot ka kasi yari ka sa magulang mo bwahahaha! " sabi nya at tumawa na  parang demonyo. Anong hinithit nito at ganito ang ugali ngayon?
pero napaisip rin ako sa sinabi niya,  tama siya, na pag umuwi ako pagagalitan ako,  "anong gusto mong gawin ko? " tanong ko sa kanya, "pakamatay ka para masaya" bored nyang sabi,  aba pinapantayan nya ang mood swings ko a,  umiling iling ako sa sinabi niya. "Hindi, hindi,  para san pa yung planong pagrerebelde kung matatakot ako dahil papagalitan ako?  Tanga ka talaga Darth" sabi ko sa kanya ng seryoso, "kung maka-tanga ka a!  Bahala ka di kita ihahatid." pananakot niya, akala naman niya matatakot ako"edi wag,  sino bang mayayari pagnapahamak ako? " pagganti ko ng pananakot sa kanya, kala niya ha!

"Tss dito ka na kasi matulog" irita niang sabi, yun naman pala e! Gusto lang ako patulugin dito, tapos ang dami pa nyang sinabi.
"Sana kasi sinabi mo na lang na 'Deshy dito ka na lang matulog namiss kasi kita e' hindi yung pinaliko liko mo pa yung usapan natin" mataray kong sabi at may hand gestures pa.

The UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon