Pag kapasok ko sa bahay, inalam ko agad kung may tao, at buti wala pa, Mabilisan akong nagbihis at humiga na para bang may sakit at kinuha ang cellphone ko, Maya maya pa ay dumating na si pap. Inaasahan ko na mangyayari to, buti na lang tantsado ko ang oras at kilos ko. "Anak, okay ka na ba?" nag aalalang tanong ni papa sakin. Umubo muna ako bago sumagot "medyo okay na po, ubo't sipon na lang po ito"
"ah mabuti naman, e anak..." malumanay na tawag sakin ni papa, "bakit po?" Malumanay ko ding tugon. "umalis ka ba kanina at pumasok sa school?" tanong niya sakin, napataas ang kilay ko, "Huh? hindi po, bat po ako papasok e hindi nga po maganda ang pakiramdam ko"
"yun na nga e, tumawag kasi sakin yung teacher mo at pinapapunta ako sa school nyo bukas."
"huh? bakit daw po? may award po ba akong nakuha?" Nakangiti kong sabi, "hindi, sabi nila nanggulo ka daw doon at nambastos sa teachers" napatawa ako ng mahina. "Paano po mangyayari yun, e andito lang po ako buong araw",
"oo nga e, pumunta ako kanina dito para icheck ka, kaso tulog ka pa, kaya imposible talaga yung sinasabi nila" malumanay at kalmadong sabi ni papa, "E ano na pong gagawin mo?" Tanong ko habang kinakalikot ang cellphone ko
"Aba syempre kakausapin ko sila bukas.."
"papasok na po ba ako bukas?"
"depende kung magaling ka na, o eto bumili na ko ng meryenda mo, sige na't ako'y babalik pa sa trabaho" iniwan niya sakin ang isang supot na may pagkain,pagkaalis ni papa ay kinain ko na ang dala nyang pagkain, burger lang naman to. At maya maya pa ay may tumawag sa cellphone ko, "Hello?" bungad ko,
"O hi there Deshy" sagot ni Ayumi, "Problema mo?" Walang gana kong tanong at patuloy pa rin sa pagkain ng burger, "tss ang sama mo na takaga! nsiwan mo lang kasi yung..."
"yung?"
"yung napkin mo pinadala ko na kay Darth"
"anong napkin pinagsasabi mo?! tapos na kaya ako! at anong nsiwan. Wala akong maalala na may dala akong ganun!"
"Tss umaasa lang naman na makatsamba ng hula, malay mo kabahan ka bigla di ba?"
"ewan ko sayo., bat ka ba tumawag?!" Iritang sigaw ko, wala na kasi tong matinong sinasabi e, bababaan ko talaga to pagnainis ako, "namiss lang kita" sagot nya, Wala talagang kwenta kausap,"tigilan mo nga ko Ayumi!"
"hahaha kahit kelan ka talaga! pikon!"
"Bat ka ba kasi nambubulabog? Istorbo ka sa pagkain ko e"
"gusto ko matuto ka protektahan ang sarili mo, hindi kasi pwede na umasa ka lagi sa hot m8ng gwardya"
"oh e anong plano mo?" bored na sabi ko, at hindi pinanasin ang papuri niya kay Darth
"basta kailangan mo matuto ng self defense, kahit basic lang."
"edi okay, saan ako matututo nun?" Kinuha ko ang isang libro ko sa ibabaw ng mesa ko at binasa ito, isa itong libro tungkol sa gods, "Malay ko,"
"uh huh" nilapag ko ang phone ko at niloudspeaker na lang, para makapagbasa ako ng maayos, "goodluck" sabi niya sakin, kaya napataas ang kilay ko, para saan yun? "Hindi ba maaga pa masyado para sa goodluck mo?" Tanong ko, "yeah right" at binaba niya ang phone niya, ilang minuto ang lumipas at tumunog ulit ang celphone ko, hindi ko muna to pinansin dahil busy ako sa pagbabasa, pero nung tumunog ulit to ay tiningnan ko na, hindi nakasave ang number ng nagtext sakin,
'Hello Destiny, It's me Darth! kumain ka na ba? Nga pala gumawa ka na ng list ng rules mo at gagawa rin ako ng sakin, tapos susunduin kita bukas, para pag usapan natin to ',
magrereply sana ako. Kaso naalala ko na wala akong load pang text, nakaunli call lang pala ako, bahala siya sa buhay niya.
Tumayo na ko para kumuha ng papel at ballpen, tulad ng sinabi ni Darth kailangan ko na gumawa ng listahan ng batas ko, Batas ni Destiny.
