"Alam mo ba napanaginipan ko sya" sigaw ko sa phone ko, kausap ko si Ayumi gusto ko kasi ibalita sa kanya yung napanaginipan ko, at isa pa , hindi rin kasi ako pinapasok ngayon sa school baka daw mabinat ako kaya kinukulit ko na lang si Ayumi,
"Oh eh anong pake ko!?" sigaw niya rin sakin "May ibig sabihin ba yun?!" Napakamot ako sa ulo ko kasi mukang wala akong makukuhang matinong sagot galing sa babaeng to "Eh ano bang sabi niya sayo!" Sigaw na naman nya, bakit ba sigaw to ng sigaw? Aga aga e. "Huminahon ka nga!" suway ko, "fine, hindi na importante kung ano ang sinabi niya sayo" bigla naman niyang pinatay ang tawag, bastos talaga.
Tinawagan ko siya ulit pero di niya sinasagot kaya humiga na lang ulit ako at nag isip. At naisip ko, wow may isip pala ako para makapag isip.Sabi ni Ayumi, watch, tapos accept the truth, pero anong sunod? tapos na ang panunuod ng movies, at sinusubukan ko ng tanggapin ang mga nangyayari sakin, napahawak ulit ako dun sa tinamo kong saksak, binalutan ko lang ito ng benda dahil wala talagang tigil ang pagdaloy ng dugo mula dito. Hindi habang buhay matatago ko tong sugat na to, tulad lang rin ng pagkatao ko, hindi habang buhay na maitatago ko na hindi ako tao, pero walang sinabi si Ayumi na panatilihin itong sikreto, ibig bang sabihin nun ay pwede ko tong sabihin sa magulang ko? Pero pan8gurado hindi sila maniniwala. Kailangan ko umalis dito, kailangan ko pang alamin kung ano pa ang kaya kong gawin, kailangan ko pa malaman kung para saan ang lahat ng ito. Kailangan kong lumaya. Tinawagan ko ulit si Ayumi, sinagot naman niya agad at malumanay akong nagsalita, "kailangan ko maging malaya" narinig ko siyang huminga ng malalim bago magsalita "malaya ka naman a" napakunot ang noo ko sa sagot niya, alam kong naiintindihan nya ang ibig kong sabihin, "kailangan kong umalis dito ng walang iniiwang problema, kailangan ko to para walang maging sagabal sa anumang mangyayari, at para wala ring madamay, kung ano pa man ang mangyayari!" madiin kong paliwanag kay Ayumi, "Very well said, edi maglayas ka" suwestiyon niya, "Ayumi sabi ko kailangan kong umalis dito ng walang iniiwang problema, kung maglalayas ako isang malaking problema ang iiwan ko sa kanila!" "Mag rebelde ka" biglang sabi ni Ayumi,n napaisip ako dun, At nagcalculate sa utak ko ang sinabi nya. Mag re-bel-de?
Napakagandang ideya! Pag nagrebelde ako , sila na mismo ang magtatakwil sakin, walang kahirap hirap umalis ng bahay. Ang problema lang ay kung kaya ko ba? Kaya ko ba ganituhin ang pamilya ko? "You have no choice, magrebelde ka muna tapos maglayas!" dagdag ni Ayumi, nakakatamad na mag isip ng iba pang paraan, bahala na "paano ako magrerebelde?" Tanong ko,"Jusko Deshy naman e! Matagal ka ng rebelde di ka lang nahuhuli! so this time ipakita mo lang ang mga kawalanghiyaan mo!"
"Matagal ko ng tinigil yung mga kalokohan ko!"
"Edi umpisahan mo ulit!" hindi ako sumagot, wala naman akong magagawa di ba? "Deshy naman e, para naman to sa ikabubuti e, at isa pa minsan ka ng naging ganto" sabi nya na parang nagmamakaawa, madali naman akong makumbinsi at tulad ng sinabi niya minsan na kong naging ganto kaya madali na lang siguro yun sakin ulitin. Pero tama ba talaga tong paraan na to? Naging manhid nga ko. too much to take naman yun para sa hypotalamus ko, "basta sagot mo ko dito ah!" Singhal ko
"Oo naman sagot kita hahaha" baliw talaga tong babaeng to, oras na malagay ako sa alanganin at hindi niya ako tinulungan ay yari talaga siya sakin. Sa ngayon kailangan ko ng umpisahan ang pagrerebelde, "Papasok ako ng school" sabi ko pero tumawa lang ulit siya at inend cal ang line. Naligo na ako at nagbihis hindi na ko kumain dahil kumain na ko kaninang umaga, kahit alanganin ang oras ng pagpasok ko ay ayos lang, magandang umpisa ito para sa salitang rebelde. Umalis na ko at dumiretsong school,
Dumiretso akong room habang nagkaklase sila ay marahas kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob, nakatingin sila sakin at natahimik, hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksiyon nila pero nakayuko lang ako at bahagyang umaangat ang dulo ng labi ko, ang mga kaklase ko ay hindi alam ang irereact sa pagpasok ko, hindi sila puwedeng matuwa dahil sa terror teacher namin ngayon, Tumingin ako sa teacher na nagtuturo at masama ang tingin niya sakin.
"Ms Blaxes! bakit ka na naman late?! Get Out of this class! Show some respect" sigaw nung teacher.tumawa lang ako sa sinabi nya tapos tumingin sa kanya ng diretso "Ayoko." dumiretso ako ng upuan ko
"Aba't bastos ka ha! Hoy kahit na Outstanding student ka hindi ako mag aatubiling ipasuspend ka. Makakarating toh sa magulang mo Ms Blaxes!" Pagwawarning niya sakin, kinabahan ako ng kaunti sa sinabi niya, kahit na alam kong may posibilidad na hahanting sa ganito, ay hindi mali, hindi lang posibilidad, dahil dapat talagang humantong sa ganito, nagtapang tapangan ako at sinagot pa rin sya "geh lang, pasabi na rin kila lolo at lola yung ginawa ko" kalmado lang ang pinapakita kong reaksyon, mahirap na at baka sumablay pa. Tahimik ang klase walang sumasagot, lahat ay takot. ang mga kaibigan ko ay nag tataka sa kinikilos ko at nahahalata ko yun.