~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Destiny
Kailangan ko na magmadali, late na naman ako sa klase at sigurado ako na yari na naman ako kay Ms. Gwam nito, pero sino bang may pake? Pero parang awa naman sawang sawa na ako sa mga parusa.
"Good Morning Ms. Blaxes."
Talaga naman pagminamalas ka. Naabutan pa ako ng Council President namin, pero buti hindi si Ms. Gwam yung nakatiyempo sa aking late, "musta?" pagbati ko kay Ms. President na may kasamang pilit na ngiti. "Ms. Blaxes..." malumanay niyang tawag sa akin, ngumiti lang ako dahil alam ko na ang sunod niyang sasabihin. "LATE ka na naman!" sigaw niyang sabi sa'kin. Bakit hindi ba halatang late ako, kaya nga ako nagmamadali e. At bakit kailangan sigawan ako? Para iparating sa mundo ang pagkalate ko. Dapat talaga di na ko nag uubos ng oras dito e, dapat kasi tumakbo na ko papuntang room "Ngayon lang Ms. President palusutin niyo ko" sabi ko na nagpapacute sa kaniya, "Oo na, wag ka magpacute, nakakasuka kaya." Mapait niyang sabi. At kailan pa sya naging Kj? Pero ayos na yun, ang importante ay makahabol ako ng klase. "Promise yan ah? Di mo ko irereport kay Ms. Gwam!" Tatakbo na sana ako papuntang classroom para humabol sa klase kaso,
"Hep. Hep. Ms. Blaxes! Balik dito!" tawag sa'kin pabalik ni Ms. President, kaya bumalik naman ako agad.
"Ano po yun?" magalang ko kunwaring sabi,
"Wala ng libre ngayon Ms. Blaxes hahaha" mapang asar na sabi niya, bakit kasi kailangan lahat ng pabor may kapalit lagi? Napakamot ako ng ulo, "Parang wala naman tayong pinagsamahan Jude Coleen Mendoza! At isa pa wala pa kong pera!" sigaw ko at akmang aalis ulit. Ang totoo niyan, kaibigan ko yang si Jude! bestfriend ko nga yan to be exact, hindi lang talaga halata kasi medyo kakaiba yung pagkakaibigan namin. Nagsalita ulit sya kaya napahinto ako "Wag ka mag alala Deshy, di kita peperahan haha, Basta kailangan may kapalit ang pagpapalusot ko sayo!" bestfriend kami pero wala kaming sinasanto kahit pa magkaibigan kami, ganyan yan kabrutal. Daig pa niya ata magparusa mga teachers dito e.
"Ano bang kapalit?" tanong ko
"Let me think... ah alam ko na" ngumiti sya ng nakakaloko sa'kin, napataas ang kilay ko sa itsura niya, alam kong may masamang plano to sa'kin "Cadet Sergeant Destiny Blaxes..." tawag niya sa'kin, at nakaseryosong tingin na sa'kin. "Bakit po?" Pacute kong sabi , baka kasi maawa siya pag napacute ako.
"Samahan mo na lang akong magtrain sa Juniors natin na magcCO Lol!" simpleng sabi niya, wala naman masama don sa gusto niyang mangyari pero bakit ganun na lang yung ngiti niya kanina, "sige ba basta samahan lang" sabi ko, gusto ko rin talaga sumama para excuse ako sa klase.
"NO! Tutulungan mo ko siyempre!" At biglang humagalpak siya ng tawa, baliw na nga sya. Alam niya kasing ayaw na ayaw ko na mag command lalo na sa ACP alam niyo ba yun? Yung ACP, Aerospace Cadets of the Philippines. Para lang rin siyang CAT pero ang kaibahan, ang ACP ay airforce samantalang ang CAT para sa Army at ang ACP na ito ay kasama talaga sa curriculum ng school. At eto ang pinakaayaw kong curriculum ng school, ang totoo niyan ayoko talaga sa school na 'to kaso nakatali na ako dito hanggang graduation e.
"Ms. President, alam mong wala akong karapatan magtrain sa kanila. Tsaka ano ba ayoko magtrain ng Juniors! Mga peste sa buhay yung mga yun e" iritang sagot ko.
"Yun na nga e! Kung magdudusa man ako sa kanila, isasama na kita.Para saan pa ang friendship natin di ba? Mag dudusa ka rin naman sa parusa ni Ms. Gwam at Ms. Cashmir e," at hinawakan niya ang dalawang kamay ko na parang nagmamakaawa na samahan ko siya. Mas okay pa ata parusa ni Ms Cashmir, magjajumping jacks ka lang naman ng 150x, pag sa lalaki naman Push ups. Ayoko kasi talaga sa batch ng mga junior high school ngayon, Ibang level kasi ang ugali nila, di ko kakayanin at baka mahampas ko lang sa kanila yung mga riple.