Three

50 1 0
                                    

       "Hey miss! are you alright?!" nakarinig ako ng boses ng babae kaya naman agad akong natauhan, at sa paglapit niya sakin tumigil lahat ng eksena sa utak ko. Nakakapagtaka naman, pero baka dahil lang sa disturbance niya, pero masakit pa rin yung ulo ko.

    "hey? miss? miss? you-who!" Pangungulit niya, pamilyar sakin yung boses niya kaya napatingin ako sa kanya, hindi naman kasi ako kumakausap ng hindi ko kilala, kaya kailangan ko sya tingnan maigi. Pagtingin ko sa kanya, hindi ko inaasahan na magkikita pa kami

"Yumi?/Deshy?" sabay naming sambit

Napatawa naman kami pareho dahil dun, Si Ayumi, naging kaklase ko sya nung grade 8 ako, for only two or three months? di ko na masyado sigurado,  "uhm kamusta na?  bakit ka nagdadrama mag isa diyan?" sabi ni Ayumi sakin. "Bakit kailangan ba by gtoup?" pabalang kong sagot. "Dami mo pa  ring alam ah, bakit ka ba dito nagdadrama? ang cheap naman… " casual lang niyang sabi, "San ba dapat?" tanong ko habang hinihilot ang ulo ko

"Sa bar! tapos maglasing ka dun!" Sabi niya ng seryoso, bwiset pa rin sya kahit kelan. "Gaga ka pa rin tss"  paanong maglalasing e hindi nga ako nainom ng kahit anong alcohol.

Umupo siya sa tabi ko, "pwede ba nating pag usapan yang problema mo?" seryoso niymg sabi,

"Bakit? Kelan ka pa naging usisera? " tanong ko, bakit gusto niyang malaman? pakielam niya ba. Pagkasabi ko nun, binatukan niya ko bigla, "anong bakit?!   Sa tanang buhay mo hindi ka pa ata umiiyak!" bulyaw niya sakin,

      "Hoy umiiyak rin ako noh! una nung retreat! pangalawa yung sa theater arts!" depensa ko sa sarili ko

            "lecheng to, hoy Deshy  sabihin mo anong rason mo nung umiyak ka nun!" hamon na tanong niya sakin

   Napaisip naman ako sa dahilan ko: Nung retreat kasi…Umiyak ako dahil… dahil… dahil gusto ako makitang umiyak ng mga kaklase ko kaya pinilit ko umiyak , tutal naman during that time umiiyak silang lahat. Tapos yung sa Theater Arts kaya ako umiyak nun ay dahil, kailangan lang, kasi part ng acting lessons yun =_=

    "kita mo di ka makasagot!  kasi non sense ang mga dahilan ng pag iyak mo! At alam mo yan." Sabi niya na naiinis, "Tapos tatanungin mo ko kung bakit gusto ko malaman ang pag iyak mo ngayon?! Malamang dahil nag aalala ako, ngayon na nga lang tayo nagkita e tapos sa ganitong eksena pa" para syang ewan habang sinisigawan ako

     Napayuko na lang ako sa mga sinabi niya, kasi totoo naman eh pero still hindi sapat ang salitang nag aalala para tanungin kung bakit ako nagdadrama,  don't ya think that my situation is too confidential for her to know. "kelan ka pa natutong mag alala? " sabi ko , pero hindi niya sinagot

   "So tungkol saan ba yang problema mo?" tanong niya ulit, pero hindi na ako umimik at nanatili lamang na nakayuko, tss

  "Natatakot ka bang sabihin sakin yung rason o hindi ka lang talaga  nagtitiwala sakin?" saad niya, and it strike me,  hindi ba ako nag titiwala sa kanya o natatakot ako ang totoo kasi niyan hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan, siya nga lang ata ang tinuring kong bestfriend sa tanang buhay  ko, kahit na months lang kaming nagkasama noon. Kaya siguro, natatakot nga lang akong magsabi sa kanya, kasi… kasi… Bakit nga ba? wala namang mawawala kung sasabihin ko sa kanya na nababaliw na ako kasi yung memories ko kahit hindi ko isipin e kusang nagpeplay sa isip ko na parang movie >_<

          "Hmm? Siguro masiyadong confidential no? lovelife ba yan" panghuhula niya at the same time nang aasar

      di ko mapigilang matawa ng konti sa sinabi niya. Lovelife? hahaha. Love? nag eexist ba yun? Life lang ang alam ko e. =_=
 
    "Hay nako Deshy! Panget ka na nga, nagpapanget ka pa pag umiiyak ka." tukso niya lalo sakin
   napahawak ako sa mata ko, I'm crying… AGAIN. What the hell?!

The UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon