Ten

6 0 1
                                    


"tayo po'y paparating na sa sentral, kung maaari ay ihanda na ang mga sarili at kanilang mga dalahin"

Naalimpungatan ako sa narinig ko,  gising na rin sila Arsa at Seth,  nagsimula na rin umingay ang tren,  napatingin kami sa bintana ng tren,  madilim na sa labas, makikita mo ang kaunlaran sa bayang ito.  Huminto bigla ang tren kaya napasandal ako,  wala naman kaming dala kaya casual lang kaming lumabas ng tren,  ang daming tao!  May mga taong naghihintay sa labas,  mayroon ding mga sasakyang nag aabang ng pasahero,  may mga kainan,  tindahan,  parang sa airport lang kaso mas classic ang dating nito,  hindi ko makukumpara sa lrt at mrt station e,  mas maayos kasi ito tingnan kaysa sa mga iyon 😂
"hindi na rin ako pamilyar sa lugar na to" sabi ni Arsa,  "ayos lang yan mag ikot ikot muna tayo." aya ko,  "eh?  Nagugutom na ko" sabi ni Seth,  "ehehe ako rin" sabi ko,  "wala tayong pera" sabi ni Arsa,  iniisip ko pa lang naiiyak na ko,  nagugutom na ko bat ngayon ko lang pinansin ang kumakalam kong sikmura?  Naglakad na kami paalis,  lumilinga linga ako para tingnan kung mayroon kaming pwedeng kainan na di kami mapapagastos.  Pero ang ending namin?  Napaupo sa gilid ng kalsada dahil sa sobrang pagod at gutom,  "guys maging positive tayo! " masigla kong sambit baka sakaling mabuhayan din sila ng loob,  "anong positive? " tanong ni Seth,  "wag tayo mag isip ng mga negatibong bagay! " ulit ko,  "anong gusto mo?  Mag isip kami ng pagkain,  lalo lang akong nagugutom e"  ani Arsa,  sabagay mau punto nga siya,  iisipin ko na lang na may pera ako, para di ako magutom hahaha, 

May pera ako sa jeans ko,  meron.  Meron.  May pera ako.

"ate nababaliw ka na" nag aalalang sabi ni Seth,  "Seth ganiyan talaga epekto ng gutom" dagdag pa ni Arsa,  kinapa ko ang jeans ko,  napangiti ako ng wala sa oras. "nababaliw na talaga siya" ulit muli ni Seth,  nilabas ko na ang nakapa ko sa bulsa ng pantalon ko,  "Saan mo nakuha yan?! " gulat na sambit ni Arsa,  nagkibit balikat ako at ngumisi,  "kanina ka pa e,  saan mo nakuha yung selya?  Ninakaw mo? " dagdag niya pa,  "eeeh wag ka magalit,  may mga bagay na sadyang nangyayari" sagot ko,  "pero kanino mo ninakaw ang mga selya? " tanong niyang muli, "uhm?  Tatlo sa mga pinababa ng tren? " maang maangan ko,  "di na bale,  di naman na importante yon, pero yung pera?  Saan galing? " ang kulit naman ni Arsa,  nagkibit balikat ulit ako,  "kasama niyo ko, di ko to ninakaw!" protesta ko,  "basta iniisip ko lang na may pera ako kasi sabi niyo pag pagkain iisipin ko maggugutom lang ako lalo" sabay tingin uli sa pera,  "tsk importante pa ba yon?!  Gutom na ko" tumayo si Seth at naglakad,  "oh ano?  Tara na!  May kainan doon oh" Sumunod kami kay Seth,  nagamit namin ang pera at wagas kaming kumain,  "magpapahinga na ba kayo? " tanong ko,  "malamang" sabay nilang sagot kaya napairap ako,  "saan? " tamong ko ulit,  "malay ko" sabay ulit nilang sabi,  aba naggiging mataray na saakin tong mga to a.  "o siya magpahinga na kayo,  magkita na lang tayo bukas ng umaga dito rin sa lugar na to" sabi ko at tumayo,  "saan ka pupunta? " tanong ni Arsa,  "mag iikot ikot, " lumakad na ko paalis.

Kanina inisip ko lang na may pera ako, nagkapera ako?  I wonder why?  How?  Coincidence?  Baka nilagyan ni Ayumi ng pera yung pantalon ko bago niya ko dalhin dito dahil nakakaawa ako,  pero bat di ko napansin?  Bat ngayon ko lang mapapansin na may laman yung pantalon ko?  Napakaimposible naman,  baka may powers na rin ako, nye hahaha bat sa ganitong pagkakataon susulpot?

Tumingin ako sa paligid, parang nasa kalye lang ako ng manila paggabi,  maliwanag at buhay pa rin ang dilim, madaming tindahan,  kainan,  at kung ano ano pa.  Makapasok nga muna sa tindahan ng mga sandata nila. Namangha ako sa nakita ko pagpasok,  sino ba namang hindi?  Aba first time ko kaya to,  madaming tao dito, buti malaki yung shop. 

"kailan ka pupunta ng tore?"

"pagnabili ko na ang sandatang bagay sakin, ikaw ano bang bibilhun mo dito? "

"ah wala,  tumingin tingin lang.  Di ko kailangan ng sandata haha"

"ow,  didiretso ka na ng tore? "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon