"Para saan ba to Ayumi?!" sigaw ko kay Ayumi, paano ba naman kasi, tinalian niya yung parehong kamay ko, sa madaling salita ginagapos niya ako! Teka napadali ba yung sinabi ko sa salitang gapos? Hay ewan. "alam mo Ayumi ayos lang naman na igapos mo ko kung siinasabi mo yung dahilan e!" pilit ko inaalis ang kamay ko sa pagkakatali nito.
"manahimik ka diyan!, paparape kita kay Darth kaya kita tinatalian!" Sigaw niya rin pabalik habang hinihigpitan yung tali sa kamay ko. Kung makasigaw naman siya parang hindi niya ako kaharap.
"sayang lang effort mo, alam mong di naman namin papatulan ang isa't isa". Medyo masakit pa nga rin yung katawan ko dahil sa nabigla ako sa pinagagawa niya sakin kahapon at nahihirapan na din akong kumilos tapos igagapos pa niya ako?!
"Yan, tapos na! Handa ka na ba marape Deshy?" Sabi ni Ayumi na halatang nang aasar, umirap lang ako sa kanya at sinubukan pa rin tanggalin yung tali sa kamay ko.
"Tigilan mo ko sa 'rape-rape' na yan Ayumi. Masuka ka naman sa pinagsasabi mo lalo na kung si Darth lang naman ang rapist"
"FYI Deshy! pinagnanasahan ng halos lahat ng kababaihan si Darth! Pwera sayo! dahil hindi ka naman babae!" Pagtataray ni Ayumi sakin, e kung punagnanasahan ng lahat ng babae si Darth... edi kasama rin sya dun? Tiningnan ko siya ng nakakaloko, "O bakit? Mas gwapo boyfriend ko kay Darth kaya hindi ko siya pinagnanasahan" depensa niya
"May boyfriend ka? Di ba kaedad lang kita? Wew. Malandeee!!!" sigaw ko sa kanya. Akalain mong papsasok pala sa kukute ng babaeng to ang pagboboyfriend.
"oo inggit ka? Hanapan kita gusto mo.Tsaka anong malandi ka jan! Tigilan mo ko naku papahirapan talaga kita dito, " biro niya, kaya tinitigan ko sya ng masama, subukan niyang pahirapan ako.
"tss... simulan na matin ang ensayo mo" sabi nya ar tumalikod sa akin. Sumeryoso na ang aura ni Ayumi, senyales na mag uumpisa na syang magsalita "Nakikita mo yung nakabigting tao dun" sabi ni Ayumi sabay turo sa isang direksiyon na agad ko ring sinundan ng tingin, tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya. Tiningnan ko maigi yung nakabigting tao, hindi naman talaga siya totoong taong nagsuicide, actually nakatali sya ng patiwarik, pero hindi sya totoong tao.
"Oo hindi yan totoong tao, isa yang device na ginawa ng ate ko para sa training.kung titingnan mo sa malayo, akala mo mababa lang sya, pero pag nilapitan na natin yan mamaya, nakasabit yan ng six feet above the ground." ay may ate pala si Ayumi? Kala ko ba mag isa na lang siya sa buhay, siguro malawattpad story na yung nangyari sa kanya simula nung umalis sya sa school namin. Pero ano daw? "O e anong kinalaman nyan sa training ko?" malay ko ba kung anong gagawin doon sa device na yun di ba?
"wag kang atat ha! Madali lang naman ang gagawin mo, kailangan mo lang yan sipain ng malakas..."
Sipain ng malakas? Sa kondisyon ng katawan ko ngayon, hindi ko alam kung maggagawa ko ba yun.
"At dahil gawa yan ng ate ko, may device sa loob nyan. Sa kada sipa mo, irerecord nya yun, kunwari naka 35 high kicks ka na, kusang magkacount yun dun. Doon sa chest part ng taong yan nakalagay kung nakakailang sipa ka na na tumama sa kanya..."
Tumango tango lang ako
"Pero tulad ng sinabi ko, kailangan malakas ang sipa mo... pag nasipa mo yan pero hindi dumagdag sa number of points mo, ibig sabihin hindi ganun kalakas ang sipa mo, or napaka walang kwentang sipa yun!"
"paanong walang kwentang sipa?" tanong ko, parang nakakaoffend naman yung 'walang kwentang sipa'.
"Ibig sabihin nun, hindi mo kayang saktan ang kalaban sa ganun kahinang sipa"
Tumango tango lang ulit ako, sana magawa ko to ng maayos
"tara na..."
Lumapit na kami sa taong nakatali ng patiwarik at medyo nagulat ako dahil bukod sa nakakatakot ang itsura nung fake na taong nakalambitin ay sobrang taas pala talaga ang pagkakasabit nya, nasa 6'5 feet high sya, paano ko sisipain yan kung ang height ko 5'2 lang? Kung maghahigh kick man ako, sa tingin ko ang aabutin lang ng sipa ko ay sa 5'8 high, tapos idagdag mo pa na nanghihina ang paa at binti ko sa puntong hindi ko to kaya igalaw. May pag asa ba akong masipa yan?! ng MALAKAS?!