Six

14 1 0
                                    

Nandito ako sa tindahan nila mama, tumatambay. May business sila, nagtitinda ng sapatos sa isang mini mall. Pero wala akong masyadong interes sa business kaya bihira lang kung dumalaw ako dito. Di naman akin to, sa kanila naman to e,
Nakaupo lang ako dito, katabi ng cashier habang pinapanuod yung mga videos sa cctv. Hindi na ako pumasok ng school at sa darating na lunes ay simula ng suspension ko at para sulitin ang bakasyon ko ay hindi na ko pumasok ngayon, at kunwari ay apektado ako sa mga nangyayari

"Anak tumulong ka na lang kaya sa ibang tindera, kesa nagmumukmok ka dyan" sabi sakin ni mama, maraming customers ngayon kaya abala lahat ng tao dito

"E kasi naman mama e! hindi talaga fair yung ginawa ng school!" sabi ko, kahapon pa kasi ako nagmumukmok pagkahatid sakin ni Darth sa bahay, tapos napansin ng magulang ko yung kalungkutan ko nung dumating sila... pero wala naman talaga akong pake dun sa desisyon ng school na ipasuspend ako, medyo nadisappoint pa nga ako na isang linggo lang ang suspension ko gusto ko sana isang buwan.Tsaka gusto ko lang rin magkaroon ng sisisihin yung parents ko, pag nagumpisa na ko magrebelde.

"Yun pa rin ba ang inisip mo? naku kalimutan mo na yun!" Sabi sakin ni mama

"Ma hindi po kasi ganun kadali yun, baka ng dahil sa bagay na ibinibintang sakin mawalan ako ng pagkakataon na makakuha ng scholarship! pag nagkataong ganun ang mangyayari magpapakamatay talaga ako!"

"wag kang magsalita ng ganyan anak... kaya ka naman namin paaralin sa kahit saang university mo pa gustuhin"

"pero ayoko.. ayokong di tumutupad sa pangako, alam nyo pong mas gugustuhin kong mamatay kaysa hindi makatupad ng pangako kahit na maliit na bagay lang iyon" ganun kasi talaga ako 'dati', mas gugustuhing mamatay kaysa di makatupad ng pangako. Pero joke lang talaga yun.

"ma aalis na lang muna ako, di ko alam kung anong oras ako makakauwi. Pero wag ka pong mag alala magtetext na lang po ako, at ihahatid naman po ako sa bahay e... bye"

"hoy saan ka pupunt---" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin nya dahil sa isang igkap ay nakalayo na ako, sa di kalayuan ay nakita ko si ayumi na nag aabang sa isang pasilyo ng mini mall na to, kaya nginisian ko sya, alam kong nakita nya yun.

"Paano mo nalaman na nadito ako? " sabi nya sakin nang makalapit ako sa kanya

"ewan,  napadaan lang. Ba't ka ba nandito?"

"o eto suot mo, magsisimula na tayo ngayon" sabay bato nya sakin ng jacket, jogging pants at rubber shoes. Tiningnan ko siya ng diretso at umaasang nagbibiro lang siya,  pero tinulak tulak niya na ako papuntang cr.

Dumiretso naman ako sa cr ng mall para makapagbihis. Paglabas ko,

"Wala ng warm up-warm up to ha, tara!" at nag simula na syang mag jogging.

Para kaming timang na natakbo sa loob ng mall hanggang sa makalabas dito, sumusunod lang ako kay Ayumi, dahil hindi ko naman talaga alam kung saan kami papunta. Napapagod na ko kahit kakaunti pa lang ang natatakbo namin ay napapagod na ko

"Tss! Weak ka pala Deshy e!" mapang asar na sabi ni Ayumi, binabasa na naman nya siguro ang isip ko,  "Che! pwede bang break muna?" Sabi ko, pagod na ko e!

"Break ko muka mo gusto mo?! paano lalakas yang resistensya mo kung ang iisipin mo lang lagi ay ang pagpapahinga! takbo!" Para syang coach kung magsalita, kailangan ko ba talaga to? sumunod lang ako sa kanya at talagang dumadaan sya sa matataong lugar,

"Iwasan mo lahat ng tao na madadaanan natin, dapat wala kang masasaktan o maitutulak pero dapat rin makasunod ka sakin, okay?" instruct nya, tumango lang alo dahil alam kong hindi naman ako makakatanggi sa kanya, pakiramdam ko nasa quiapo na kami ngayon dahil madaming tao, madaming tindahan, at nadaanan namin ang simbahan ng quiapo. At kami? para na talaga kaming ewan dito na tumatakbo. Hindi naman to lugar ng jogging e, bat dito pa? Alam kong nababasa ni Ayumi isip ko ngayon, pero alam ko rin na wala syang pake sa iniisip ko ngayon. Mas nagrereact pa nga sya sa mga non sense kong iniisip e

The UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon