~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang mga luha na tumutulo sa aking mata. Hindi ko na kaya, napatakbo ako pababa ginamit ko na lamang ang emergency stairs pero napahinto ako at napaupo sa isang hagdan ng mapagtanto ko na wala ring natutulong ang pag alis ko dahil hindi naman nahihinto lahat ng alaala na bumabalik. Hindi ko maintindihan! Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari bakit ba ko nasasaktan sa tuwing naaalala ko ito? Hindi naman ito ganun kabig deal sa buhay ko ngayon. Walang mababago sa nakaraan kahit kumilos pa ako sa kasalukuyan!
Kailangan ko lang ng tatag at tapang para panuorin to, halo halong emosyon ang bumabalot sakin ngayon, ang gulo ng utak ko kaya lalo lang itong sumasakit,
Ako si Destiny, nabuhay ako hindi para umiyak, hindi para magdusa, hindi para magyabang. Hindi para nagkwento lang, Hindi lang para umasenso at magpayaman Nabuhay ako para sa tao, nabuhay ako dahil sa mas malalim pang dahilan, pero hindi ko alam kung ano yun, teka ano ba tong pinagsasabi ko, malala na nga talaga ang kundisiyon ko. Sumandal ako sa pader at yumuko, at hinayaan na lang lumabas ang iba't ibang Imahe ng najaraan ko.
*****
~Grade Five~
First day namin ngayon sa klase at as usual kasama ko si Thomas XD tiningnan namin yung sections ng grade five at dalawa lang iyon ang Lucena at Bacolod .
Ang weird naman ng pangalan ng section namin, last year naman mga saints yung pangalan ng sections namin bat ngayon mga diocesan na at archdiocesan na -_-
At ang adviser namin ay si Ms Gwam, tapos sa kabilang secton ay si Mr Salverty, tsk nakakainggit naman .
Sabi ng kuya ko kasi masaya daw adviser si Sr Salverty, tas si Ms Gwam hinihiling ko na wag maging adviser mula nung bakasyon, pero tingnan mo nga naman. Strict kasi yun
Umakyat na kami ni Thomas at pumweato sa bandang likod, at nagchismisan
*****
Ilang buwan na mula yung nagstart yung klase, at eto kami mag papalit ng sitting arrangement. Medyo kinakabahan ako
Kasi ang natira na lang ay ako, si Thomas, si Ren, si Forty at Kris. E napansin ko itong si Ms Gwam gusto niya laging alternate yung arrangement, ayaw niya na may magkatabing babae at lalaki, gusto ko mang makatabi si Thomas at mukang di na pupuwede dahil katabi niya na si Ren
Pero nagulat ako ng ilipat ako sa harap niya XD hindi talaga kami puwede paghiwalayin XD
****
"Thomas!" tawag ko kay Thomas
"Wait lang Des!" sigaw niya pabalik, kausap niya kasi si Ms Gwam.
Maya maya pa ay lumapit na siya sakin. "Ano ba yun?" malumanay nyang sabi,
Andito kami sa tapat ng isang pond, field trip namin ngayon e.
Tinuro ko yung mga isda sa pond, kasi ang colorful nila...
"Ang cute kasi nila e" sabi ko
"Tara pakainin natin sila" sabi niya
"Huh?!" takang tanong ko, kasi saan naman kami kukuha ng pagkain di ba?
"halika, duon oh!" hinila niya yung kamay ko at sinama sa parang isang stall tapos bumili siya ng pagkain sa isda,
umupo kami malapit sa pond, at pinakain ang mga isda haha, ang cute nila pinagkakaguluhan nila yung pagkain :3
"ang galing ng lugar na to noh? bibili tayo ng pagkain ng isda tapos yung isdang papakainin natin ay yung alaga nila" sabi ko bigla xD
"Hahaha oo nga, pero okay lang yan ansaya kaya nila tingnan at ayaw mo yun nag eenjoy naman tayo e" sagot ni Thonas na nasa tabi ko.