Ghost no.40

8.6K 218 36
                                    

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

He's a GHOST 

By: LalaLove_00

 

** Ghost 40

 

[ CHANNA'S POINT OF VIEW ]

*CRAAAAAAAAASH*

 

OUCH. SOBRANG OUCH.

Syet. Hindi ko inaasahan na maririnig yun kay Tricks. Actually masaya ako na marinig na mahal ako ni Tricks bilang 'kaibigan', ibig sabihin nun mahalaga rin ako sa kanya kahit papaano...........pero mas malaki yung part na nasaktan ako.

Tsk. Shunga ko rin kasi eh. I cross the line. Nagkagusto ako kay Patrick. Yan tuloy!

Nag-assume ako na may possibility na may gusto rin sya sakin....

"Channa? Huy Channa!" napakurap ako ng makita sina Kuya at si Tricks sa harapan ko. Kelan pa nila ako nilapitan?

"E-eh? B-bakit?" wala pa rin sa sariling tanong ko. 

"Anong bakit? Lagot ka kay Mama. Nagbasag ka ng baso." sabi ni Kuya.

Nun ko lang npansin na nabitawan ko pala yung hawak kong tray at nagkalat ang juice at mga bubog sa sahig.

"Ay tokwa! Yung juice ko!" yumuko ako at isa-isang pinulot yung mga bubog sa sahig. Eto siguro yung narinig kong nag-crash kanina. Akala ko pa naman yung puso ko yun -____-

"Ano bang nangyari sayo?" nakikipulot na rin sina Kuya. Si Tricks pinapanuod lang kami. Di man lang tumulong =_=

"Wala. May inisip lang kasi ako." sagot ko na lang. Alangan namang sabihin kong nakikinig ako sa usapan nila ni Tricks diba.

"Hoy Channa--"

"ARAY!" nagulat ako ng biglang magsalita si Tricks kaya naman nasugatan ako doon sa bubog na hawak ko.

"ANO BANG KATANGAHAN YAN?!" sigaw ni Tricks sakin. Hindi na ako naakasigaw pabalik dahil bigla niyang kinuha yung daliri kong nagdudugo at pinisil. WAAAAAAA. Ang daming dugo T_____T

"Vest, pakikuha naman yung first aid kit niyo."

 

"Sige.."

 

"Magdala ka na rin ng gamot para sa katangahan =___="

 

"Hahaha! Oh sure." umalis na si Kuya para kumuha ng first aid kit.

He's a GHOST [COMPLETED] - EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon