Ghost no.7.2

11.8K 338 22
                                    

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

He's a GHOST 

By: Lalalove_00

 

** Ghost 7.2

"Hello? Sino to?"

"Hello Sir? Si Channa Sarino po to."

"Oh Channa. Bakit ka tumawag?"

"Sir? I see dead people. Mag su-suicide na po ako. Ano pong suggestion niyo? Dapat po ba akong magbigti? Uminom ng expired na lason? Mag-pasagasa? o saksakin na lang ang sarili?"

"Woo! Woo! Chillax lang Miss Sarino." Chillax? Ediba mga teenager lang ang gumagamit ng word na yun? Sa pagkakaalam ko 50+ na si Sir aa.

"Eh Sir.... MAY MULTO PO!!" sigaw ko sa cellphone habang nakaturo ako dun sa lalaking nasa harapan ko. "Bukas na po ba third eye ko kaya ako nakakakita ng multo? Pwede pong pakisara ulet?" Kapag uminom kaya ako ng sleeping pills makakatulog yung third eye ko???

"No.. Miss Sarino. Sarado pa ang third eye mo."

"Po?! Eh bakit po nakakakita ako ng multo?"

"Hindi ko nga rin alam kung pano mo nakikita yang multong yan eh"

"WAAA! Sir!! Yoko po makakita ng multo!" TT___TT "Anong gagawin ko dito sir?? Bubuhusan ko po ba ng asin o kaya bawang para umalis? Kaso wala po akong asin at bawang, boy bawang pwede po??" TT____TT

"Hoy! Bakit mo ako bubuhusan ng asin? Multo ako hindi aswang." =_=. Oo nga no. Psh. Pumulot ako nang bato tapos binato ko sa kanya.

"Shaaduup!" ngumisi lang siya nung tumagos sa katawan niya yung bato.

"Kahit ilang bato pa ang ibato mo sakin. Tatagos lang yan sa katawan ko."

"Tsh.." inis na pumadyak na lang ako at tumalikod sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na yan ha. Medyo masungit talaga yan." hindi siya medyo masungit. Sobrang sungit niya =_=. "Anyway, ipinapaubaya ko na yan sayo."

"Po?! Bakit po ako?!"

"Sa tingin ko kasi ikaw lang ang makakatagal sa ugali ng multong yan."

"HOY MATANDA! NARINIG KO YANG SINABI MO HA!!" hanep. tanggapin naman kaya to sa itaas =_= Narinig ko naman tumawa lang si Sir Gray.

"Eh pero sir ..."

"Isipin mo na lang special project ko yan sayo". Special project? *o* Ibig sabihin, mataas na grade??

"Ano? Papayag ka na bang tulungan siya?"

"Eh ... ano po bang gagawin ko??"

"Alamin niyo kung anong unfinished business niya tapos tulugan mo na rin siyang maging mabait. Haha. So pano, Ikaw na ang bahala sa kanya ha. Marami pa kasi akong tinutulungang mga kaluluwa eh. Sige Bye! Enjoy kayo! Nga pala. Wala pa yang pangalan. May amnesia yan eh. Binyagan mo na lang."

"Sir--"

*toot.toot.tooot*

Ako - kaduwagan + lunok pride = MATAAS NA GRADE *O*

Passing grade o failed??

Failed??

HInigpitan ko yung yakap ko kay Patrick Star tapos lumapit ako dun sa multo. "Para sa grade!" *O*

He's a GHOST [COMPLETED] - EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon