Ghost No.10

12.2K 364 14
                                    

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* 

He's a GHOST 

By: LalaLove_00

** Ghost 10

Start na ng second sem!

Tamad pa rin kong pumasok =_=. May hang-over pa ako sa one week na bakasyon namin. Pwedeng iextend? XD

"HOY CHANNA! BILISAN MO DYAN! MALELATE NA TAYO!" kumatok pa si kuya sa pinto ng kwarto ko.

"Sandali na lang!" pasigaw na sagot ko. Inayos ko yung pagkabraid nung buhok ko. Medyo naiinitan kasi ako sa buhok ko, ang haba eh. Yung bangs ko naman medyo tumutusok na sa mata ko, dapat pala ginupitan ko na to. Tsk.tsk.

"Hoy Channa!"

"Eto na!" kinuha ko na yung bag ko tapos lumabas na ako ng kwarto. Kasabay ko si Kuya pumasok ngayon. Ewan ko ba kung ano nakain niya madalas kasi nauuna siyang pumasok dahil ang baga ko daw kumilos.

"Nasan nga pala si Patrick?" tanong ko nung mapansin kong hindi ko pa pala siya nakikita simula nung gumising ako.

"Bakit?"

"Ay Kabute!" gulat na sabi ko nung bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko. Nagtayuan tuloy yung balahibo ko sa batok.

"Hindi ako kabute. Multo ako." =__=

"May sinabi ba ko?" Kelan ba ako masasanay sa kasungitan nento =_= "Ang aga-aga ang sungit mo."

"Ang aga-aga ang daldal mo." =_=

"Sapak you want" =_= Inamba ko pa sa kanya yug kamay kong naka fist.

"Amazona ka talaga" =_=

"Hep! Hep! Hep! Tama na yan!" awat samin ni Kuya. Himala at gumagana yung third eye niya ngayon. "Wag na kayong magaway na dalawa. Malelate na tayong dalawa"

"Papasok na kami. Di ka sasama?" tanong ko kay Tricks.

"Ano namang gagawin ko dun? Dito na lang ako, marami pa akong babasahing libro."

"Ikaw na munang bahala sa bahay Patrick." Pahabol pa ni Kuya.

"Geh.." pagkasabi niya nun, umalis na siya.

Isa sa napansin ko kay Patrick bukod sa kasungitan niya na inborn na ata sa kanya ay ang pagkahilig niya sa libro. Halos lahat ata ng libro sa mini library namin gusto niyang basahin eh. Pati yung mga libro sa kwarto ko na ginawa na yatang permanent tirahan ng mga alikabok, binasa niya na rin.

"Mukhang matalino si Patrick." sabi ni Kuya habang naglalakad kami papunta sa school. May kotse kami pero mas-trip namin ang maglakad. "Too bad, he died early."

I can only agree. Dahil kay Patrick narealize ko kung gaano kahalaga ang buhay. Hindi dapat natin inaaksaya kasi hindi laging MAY BUKAS. Hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ni God, so we need to enjoy every seconds of our life.

Habang papunta ako sa room may isang lalaking sumabay sakin sa paglalakad.

"Channa pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Milo sakin.

Kakasabi ko lang na wag aksayahin yung oras diba? =_=

He's a GHOST [COMPLETED] - EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon