-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
He's a GHOST
By: LalaLove_00
** Ghost 30
[ CHANNA'S POINT OF VIEW ]
"Kuyaaa! Aalis na ako!"
"Okaaaay.. Teka! Hindi mo kasabay si Patrick?"
Umiling ako. "Hindi ko pa siya nakikita simula kaninang gumising ako." Napatango tango lang si Kuya. Tapos winagayway niya yung kamay niya sakin.
"Sige na. Alis na. Baka malate ka pa. Shoo! Shoo!" Gawin ba daw akong aso? =__=
Anyway, tumakbo na rin ako paalis since nagmamadali ako at ayokong malate. Ilang saglit lang, nasilayan ko na ang gate ng school na minamahal ko pero pinapahirapan ako tuwing examination week. Haysss... I need a tutor! T.T
"Channa!"
Lumingon naman ako sa tumawag sakin. "Oh.. Milo."
Nakangiting tumakbo siya papunta sakin. "Papasok ka na rin?" Ayy di obvious?
"Ayy hindi. Pauwi na ko. Kaya nga papasok ako ng university kasi pauwi na ako eh. Ano bang klaseng tanong yan Mr.Mike Lorence Bautista?" =__=
Tumawa siya sabay patong ng kamay niya sa ulo ko at isama niyo na rin ang paggulo niya sa buhok ko. "Sorry naman Ms. Channa Syril Sarino." ngumiti lang ako sa kanya tapos naglakad na ako papasok ng university. Sumabay naman siya sakin.
"Wow. Nagkabalikan na ba si Channa at Milo?"
"Ewan ko. Pero balita ko break na sila ni Violet."
"Bagay talaga silang dalawa no? Sayang talaga nung nag-break sila."
Psh. Bulungan here. Bulungan there. Parang mga bubuyog =__= Hindi ba nila alam na masama ang pag-tsismisan ang buhay ng ibang tao?
BINABASA MO ANG
He's a GHOST [COMPLETED] - Epilogue
Humor-------------- [THIS IS NOT HORROR! Well, pwede din XD] FALLING INLOVE WITH A GHOST? posible ba yun?This story is about a girl named CHANNA who see's a ghost. YUP! A GHOST And take note! He's not just an ordinary ghost, but a SUPER HANDSOME GHOST wi...