-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
He's a GHOST
By: LalaLove_00
** Ghost 20
[ CHANNA'S POINT OF VIEW ]
Note: Wala kaming tindang YELO. Wag kayong katok ng katok!!
Ano nanaman 'tong nakapaskil sa pinto ng faculty?? Tsk.tsk. Pasaway talaga mga prof. namin XD Buti di sila pinapagalitan ni Dean.
Kumatok na ako dun sa pinto at dahan-dahan kong binuksan yun.
"Excuse po..."
"Wala kaming tindang yelo.."
"Ay sir! Ayoko po ng Yelo. Pink po ang favaorite color ko" XD Korni LELS XD
Biglang humarap yung prof. na nagsalita para makita ang korning estudyanteng bumara sa kanya--which is AKO :p
"Oh Ms.Sarino, napadaan ka?" Si Sir Gray pala yun! Sakto!
Pumasok ako at sinara yung pinto. Lumingon-lingon pa ako sa paligid bago ako nagsalita. "Ehh... si ano po ... nakitaa niyo po si Tricks?"
"Tricks? Sinong Tricks? Kala ko pa naman si Patrick ang hinahanap mo..." sabi niya habang nagtatakang nakatingin sakin.
Di ko pa nga pala nasasabi na yung name na TRICKS ay derived from the name PATRICK. Wow! Parang formula lang. Nasobrahan na ata ako sa Physics =.=
"Si Patrick nga po hinahanap ko.."
"Eh? Akala ko ba yung Tricks?"
"Oo nga po!" ay napasigaw ako. Bad student!
""Ang gulo mo naman Ms.Sarino" =.=
"Ganito kasi sir, si Tricks at Patrick ay iisa! Nickname niya po yung Tricks, an haba po kasi ng Patrick eh.."
"Ah... nahahabaan ka pa sa Tricks? Hindi ako alam na tamad ka pala Ms.Sarino." XD
bat parang narinig ko na yan sa isang multo =.=
"Joke lang. Umuwi na si Tricks sa inyo."
"Po? Eh galit po sakin yun, baka hindi po--"
"Umuwi na nga ang kulet mo.."
sabi ko nga =.=
"Medyo nagtampo lang si Patrick sayo, hindi dahil sa akala niyang GINAWA mo, kundi dahil dun sa GUMAWA."
ano daw? GINAWA? GUMAWA?
"Wait sir.. di ko po magets. Paki-translate naman sa paraan na maiintindihan ng sensitive kong utak."
"Haha! Patawa ka talaga Ms.Sarino." parang clown lang ako huh =.= "ganito kasi yan, Bago mo pa siya makilala, isang buwan nang pagala-gala si Patrick, sa loob ng isang buwan na yun, wala siyang ibang nakakausap at wala siyang naaalala kaya naman ng ngayong nakakausap na niya tayo, nahirapan siyang makipag-communicate sayo o kahit sakin. Hindi lang halata pero special ka kasi kay Patrick.."
BINABASA MO ANG
He's a GHOST [COMPLETED] - Epilogue
Comédie-------------- [THIS IS NOT HORROR! Well, pwede din XD] FALLING INLOVE WITH A GHOST? posible ba yun?This story is about a girl named CHANNA who see's a ghost. YUP! A GHOST And take note! He's not just an ordinary ghost, but a SUPER HANDSOME GHOST wi...