Turtledoves...turtledoves...turtledoves....Taon-taon na lang, tuwing dumarating ang panahon ng kapaskuhan, iyan ang hinahanap ko sa tindahan ng mga Christmas decoration. Nakakarating pa ko ng divisoria at sa kung saan-saang tiyangge, pero di pa rin ako pinapalad na makatiyempo nito.
Ang sabi ng mga kakilala ko, mas madali raw kung hahanap ako sa internet. Tama sila, may nakita nga ako dun. Pero ang mahal naman, tapos ang tagal pa bago dumating dito kasi galing ba sa ibang bansa. Malamang, tapos na ang Pasko eh di ko pa rin toh nahahawakan.
Ako pala si Jolly, Jolly Nicholas, 23 years old. Huwag niyo nang tanungin at isipin kung gwapo o cute ba ko. Dahil hindi niyo naman ako mamemeet in person eh. Sorry pero hanggang dito lang sa story niyo ko makikilala haha.
At para may suspense, ito na lang ang sasabihin ko, hawig ko "raw" si Nathaniel, iyong batang anghel sa TV haha. Tsaka iyong makintab kong buhok at mata ko ang laging napapansin sa akin ng mga tao. Maraming nagkakagusto sa akin dahil dito. Pero lahat sila, dinededma ko dahil sa isang personal na rason.
Anyway, tama na iyang tungkol sa pisikal kong aspeto. Nagtratrabaho pala ko bilang isang delivery boy sa isang fast food chain. Saang fast food chain? Saan pa, eh di dun sa katunog ng pangalan ko! Kung saan bida ang sarap hehe.
Pero, day off ko ngayong araw. Kaya ang gagawin ko ngayon eh susubukan ko ulit humanap ng turtledoves. Mga bandang alas diyes ng umalis ako sa amin. Nagtungo ako sa isang mall na maraming tiyangge. Naglibot-libot ako dito.
Hay grabe! Ang gaganda ng mga iba't ibang kulay at nagtitingkarang mga christmas lights at parol. Isama mo pa iyong mga kung anu-anong decorations na itinitinda. Oo, masarap at nakakaaliw silang pagmasdan. Pero nandun pa rin iyong feeling na parang may kulang. Siguro dahil hanggang ngayon, di ko pa rin nakikita iyong hinahanap ko. Mayamaya, sa gitna ng paglalakad ko, biglang...........
"Pssst! Pogi!"
Napalingon-lingon ako, hinanap ko kung saan nanggagaling iyong boses. Naka naman eh noh! Nagfeeling agad na ako iyong tinatawag na pogi eh noh. So iyon nga, hinanap ko. Hanggang sa napansin ko ang isang chubby na becky na kumakaway sa akin. Oh iyon naman pala eh, ako naman pala talaga ang tinatawag.
Nagpapacute sa akin ang hinayupak at may pakindat-kindat pa. Pinapalapit niya ko sa stall niya. Naaalibadbaran ako sa kanya, pero naisip ko na baka meron siyang turtledoves. Kaya lumapit na rin ako. Paglapit ko........
"Hi fafa! Bili ka naman dito sa akin, bibigyan kita ng special discount at may kasama pang kiss from mwah!"bati niya......
Taena! Mas lalo kong naasiwa sa sinabi niya! Pilit na ngisi na lamang ang naging tugon ko sa kanya. Tapos........
"Meron ka bang turtledoves?"
"Teka...Turtledoves...."
Napadampi siya ng isang hintuturo niya sa baba niya at napatingala. Napapaisip siya.......
"Ayun ba iyong sa kanta?...Iyong....Two turtledoves and a chorva chorva eklabern tree! Ganern?!"
Tinanguan ko lang siya.......
"Eh!...Di ko naman alam iyong itsura nun eh"
"Never mind...Titignan ko na lang dito sa mga paninda mo kung meron"napapakamot sa ulo kong sagot sa kanya........
Binusisi ko na nga ang mga paninda niya. Nagsimula ako sa bandang kaliwa ng stall niya. Nakapasok sa magkabila kong bulsa ang mga kamay ko, habang nakatungo at tumitingin. Papunta ko nang papunta sa aking kanan, habang nagpapatuloy.
YOU ARE READING
Turtledoves (Boyxboy)
RomantizmJolly Nicholas, a simple delivery guy is in the search for a store that sells turtledoves, a Christmas ornament that has a special meaning for him. Along the way, he met and accidentally kiss another guy, who happen to be in the same job as him. Bu...