The Wheelchair

1.1K 13 22
                                    

Kasalukyang inaayos ni Ran ang mga gamit niya bago pumasok sa Ospital. Eto ang pangalawang buwan na niya bilang permanenteng emplyado doon. Palibhasa kilala niya ang isa sa mga nasa mataas na posisyon, nagawan ng paraan. Pero deserving naman siya dahil mataas ang rating niya sa Board exam at madami na siyang traingings na na pinuntahan. Lahat naman ng mga iyon ay naipasa niya w/ flying colors sabi nga ng iba.

Sa unang buwan niya sa Bayombong General Hospital ay wala naman siyang naging problema. Maliban sa ilang mareklamong pasyente at co workers ay nasanay na siya. Syempre hindi maiiwasan ang mga kwentong nakakatakot. After all ospital iyon. Wala pa naman siyang na experience na nakakapangilabot sa isang buwan niyang pag duduty doon. Well sa umaga kasi siya. pero iba ngayon kasi napunta siya sa 11pm-7am duty.

Nak ng..napamura pa siya kasi ayaw niya ng pang gabi, bukod sa nakakatakot ay ang nakaka antok na oras iyon. Wala ding gaanong procedures na ibibigay kaya paper work lang ang mas madalas gawin, bagay na ayaw ng karamihan. Napasinghap siya, mukhang mapapasabak siya ngayong gabi.

Pagdating niya sa Ospital, sinalubong siya ng isa sa pinakamagalang na guard nila si Kayen.

"Hi ma'am Ran. Magandang gabi po, mukhang sa gabi kayo ngayon?" nakangiting bati ng sikyu.

"OO nga sir Kayen, ang hirap magpigil ng tulog ngayon."

"Ay naku ma'am tama po kayo lalo na andyan si Ma'am April, siguradong walang ligtas pag nahuli"

"Anu? meron siya. Malas naman talaga oh. Hay. Sige sir Kayen una na ako."

Maagang pumasok si Ran ngayon dahil una, nag overtime ang isa sa pinakakatakutang nursing supervisor sa ospital, pangalawa siya ang charting kaya sa kanya ang endorsement.Napabuntung hininga na naman siya. Gusto na niyang tumalon at magpa gulong gulong sa sakit ng ulo niya. Andaming trabaho pag gabi. Akala ng iba panay tulog lang sila.

Pagdating niya sa Hallway walang taong naglalakad. Maliban sa isang ilaw na patay sindi, ay wala ka ng mapansin. Sa isang banda ay ang hagdan, sa dulo ng pasilyo ay ang elevator. Nasa ikalawang palapag ang pupuntahan niya. Tinitigan ni Ran ang elevator. Alam niyo naman ang kwento pag gabi sa elevator ng ospital. Napa iling siya. HIndi pwede doon. naglakad siya ng kaunti at narating niya ang hagdanan. Maliit lang iyon kaya pang dalawang tao lang. Malas mo pa pag nagmamadali ka at naisipan ng IW na doon idaan ang naka wheelchair dahil malayo ang pavement. MAgiging one way, tapos pang 10 ka pa na aakyat, at may 10 pang bababa mula sa likuran ng naka wheelchair.

Napahinga siya ng malalim. Ayaw niya ng Elevator kaya no Choice sa Hagdan siya. HIndi naman problema ang dumaan doon pero yun lang kasi, hunted din ang hagdanang iyon. Noong isang buwan, may isa sa mga bantay ng pasyente ang nag tatakbo at nagsisigaw sa pasilyo dahil sa takot. Nang tanungin nila kung bakit, ay nasabi nitong may humahabol sa kanyang wheelchair. NAtawa ang iba dahil buti sana kung sa pavement, pero Hagdan, imposible. Pero hindi na dumalaw ang bantay na iyon at ngayon ay nag se-seek na ang psychological evaluation. May hint na siguro kayo kung bakit.

Isang akbang paakyat, dalawa, talo,apat, lima, anim, alam niya ang bilang ng lalakarin niya,  pagdating sa ika 15, pakaliwa at 15 ulit bago ang ikalawang palapag. Nasa ika sampu na siya.

Psst...

Napalinginon si Ran sa likod, walang tao. Tanging ang patay sinding ilaw ang makikita. Isang hakbang ulit.

Pssst..Psst..

Napalingon ulit siya. Walang tao. Tingin sa harapan. walang Tao. Natatakot na siya. Isang mabilis na dalawang hakbang.

Psst...pssst...pssst... mas malakas, mas marami, mas nakakakilabot. Napapikit si Ran at sa paghakabang niya narating niya ang ika 14 na baitang. Napahinto siya. Wala ng nagtatawag. Pero sa ilang sandali, nakaramdam siya ng goosebumps sa batok. Napahawak siya dito, napatingin sa likod, wala pa ring tao. Nanginginig na ang paa niya. Paglingun niya sa harapan niya. lalo siyang nilamig at kinilabutan.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon