The Little Girl...Me, holding her hands?

133 3 2
                                    

Tuluyan ng hindi kinaya ni Ran ang mga kababalaghan sa kanyang paligid. Nadadamay na ang mga taong nasa paligid niya kahit na si Jestonie na kakikilala pa lang niya. Ayaw na niyang madamay o madagdagan pa ito. Gabi gabi na rin niyang napapanaginipan si Trinity, Myra, at Jestonie. Humihingi ng saklolo. Madalas na rin niyang Makita ang batang nagpapakita sa kanya. Nagusap sila ni Danreb tungkol sa dapat niyang gawin. Naikwento na niya lahat sa kaibigan at pati ito ay kinakabahan sa pwedeng mangyari sa kaibigan. Nag ask sila ng leave para sana mahimasmasan ang bida natin pero hindi na naniwala ang administration, dinadahilan lang daw niya iyon para makapasyal ulit. Sino nga ba naman kasi ang maniniwala na yung namatay nilang pasyente ay textmate niya at ka date bago naganap ang aksidente. Parang teleserye o pelikula, scripted sabi ng ilan nilang kasama.

Dahil sa pagiging paranoid niya minsan naisipan na lang ni Danreb at Jamir na magpalipat sa ward kung nasaan siya. Medyo ilang lingo na rin silang magkakasama. Ang maganda noon, hindi na dinadalaw ng kababalaghan si Ran. Malimit na rin siyang makitaan ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng mga kaibigan. Hindi na rin daw niya napapanaginipan ang mga ito. Ang konklusyon tuloy ng mga kaibigan niya, baka kailangan lang niya ng makaksama o makakausap kasi nga nag iisa lang naman siya dito. Ang pamilya ay medyo malayo, nakatira lang siya sa boarding house. Unti unti na ring bumalik ang dati niyang sigla.

Narito sila ngayon sa nurses station at naka duty. Gaya ng nakasanayan nila kwentuhan sila ng mga kasama niya.

Nalaman nila sa isa sa mga janitor nila na may kakilala siyang magaling magtaboy ng espiritu, marami na raw itong natulungan at hindi sila masasayangan. Pero bago pa man maka pag desisyon si Ran naisipan ni Jamir na magkwento ng tungkol sa mga multo noong nag aaral pa siya. Noong una natatakot ang ating bida dahil baka mag flash back ang lahat pero sabi ni Danreb, makakabuti siguro iyon dahil malalaman nila kung talagang naka move on na siya. Hindi nag tagal pumayag na rin ito.

Nagtapos si Jamir sa isang kilalang unibersidad sa Baguio, ayon sa kanya ang kwento niya ay nanggaling yung mismo sa taong naka experience. Ang taong ito ay si Manung Guard ng unibersidad, siya ang naka duty pag gabi. Ilang taon na raw siyang nag babanatay sa paaralan na iyon at sanay na siya sa pag paparamdam. Minsan pag napapadaan siya sa lumang gym ay may naririnig siyang talbog ng bola at mga tunog ng sapatos na tumatakbo, pag papasok siya sa loob wala naman siyang nakikita pero lalong lumalakas ang mga tunog. Siyempre noong baguhan ay natatakot siya pero nasanay na rin daw. Kinakausap pa raw niya ang mga ito at sinasabing wag guluhin ang mga lockers, parang nakakaintindi naman daw ang mga multo at nag lalaro lang tlga.

Nakakasalubong din daw niya yung unang pari na nag silbi sa unibersidad, kadalasan may ulo ito pero pag may darating na problema sa kanilang unibersidad ay pugotan itong naglalakad sa hallway. Gaya nga ng sabi niya nakasanayan na niya ito. Pero kakaiba daw ang nangyari sa kanya isang gabi. Masakit na masakit ang ulo niya at parang nasusuka, inaantok at pagod na pagod kaya naisipan niyang pumasok sa isang silid at matulog muna. Tamang tama na may isang mahabang lamesa at kumot siyang nakita. Inisip niyang maaring nasa HRM lab siya at sa mini hotel nila kaya hindi na siya nag patumpik tumpik sa pag higa, nakatulog naman daw siya. Ilang oras ang lumipas naalimpungatan siya dahil biglang lamig ng paligid, parang may naka akbay sa kanya at nag mamasid. Hindi niya ito pinansin nung una dahil baka guni guni lang niya. Lumipas ulit ang minuto pero parang naka maximum ang aircon sa lamig, pinilit niyang bumangon pero nahihilo daw siya. Tapos biglang nakaramdam siya ng hiningang malamig sa kanyang likod, nakatagilid daw kasi siya habang natutulog. Noong una baka imahinasyon daw niya iyon. Pero natakot na siya ng makarinig siya ng ungol sa mismong tenga niya at mas malamig na hininga. Napapikit na lang si Manung Guard at nanalangin na sana wala siyang nagambalang kaluluwa.

Lalo pang pinagpawisan ng malamig si manung guard ng may gumalaw sa kanyang tabi at kamay na pumatong sa kanyang bewang. Abut abot langit daw ang takot niya noon at tlgang literal na naiyak daw siya. Lalo pang lumalakas ang ungol at ang pag galaw sa kanyang tabi. Gamit ang natitirang lakas at pananampalataya bumangon siya at binuksan ang kanyang kumot. Kahindik hindik ang tumambad sa kanya. Katabi pala niya ang isa pang sikyo na kasama niya. Dahil sa takot nasuntok daw niya ito at nahulog sa hinihigaan nila. Litong lito naman ang isa pa nilang kasama habang namimilipit ang likod sa sakit. Nag inuman daw kasi ang mga ito bago maisipang mag rounds, kaya medyo lasing silang nag lilibot. Hindi namalayan ng isang sikyo na pumasok siya sa loob at nakatulog. Hilong hilo daw kasi siya. Parang nahimas masan ng konti si Manung Guard dahil sa takot sabay silang nagtawanan sa kalokohan nila.

Saka nagtaka si Manung Guard kung bakit malamig sa room nila gayong wala naman sa kanila ang nag on ng aircon. Nagtinginan ang dalwa at saka nila napansin na wala pa lang ilaw at madilim. Hinanap nila ang switch at pag kabukas ng ilaw……..tumambad sa kanila ang mga bangkay. Nakatulog pala sila sa Morgue o lab kung tawagin ng mga Med Student. Lalo pa silang napanganga ng makita nila ang kanilang hinigaan. Napagitnaan nila ang isang bangkay na kakatapos lang na i-disect at di na isinara. Nag susuka ang dawalang sikyu at kinaumagahan na suspend sila. Naging topic ng mga studyante ang nagyari at ginawang katatawanan, ang nakakapagtaka daw doon, paanong nag kasya ang tatlong tao sa pang isahang lamesa lang?.....hindi nila alam ang nagyari..kahit daw nakatagilid ang dalwang sikyu di pa rin magkakasya ang mga ito.

Matapos ang kwento ni Jamir hindi napigilan nila Danreb at Ran ang magtawanan. Nag asaran pa ang mga ito kung anung gagawin nila kung sakaling sa kanila nangyari yun. Puno ng halakhak ang nurses station parang walang problema ang mga nandoon.

Part II

Hindi pa rin makalimutan ni Danreb ang kwento ni Jamir kaya pag pinapaalala niya ito nag tatawanan ang tatlo. Ilang sandali napadaan sa harapan nila si Guard Caien. Pasipol sipol pa ito habang ginagalaw ang ulo. Pagdating sa harapan nila, binati nila ito. Napa arko naman ang kilay ang ating masipag na sikyu saka palingon lingon sa pinanggalingan. Nag tataka ang tatlo dahil biglang nag iba ang ekspresyon nito ng makita sila.

“Sir Caien may problema ba?” Takang tanung ni Jamir.

“Ha, eh nag tataka lang po ako kung paano nauna si NUrse Ran na makarating dito?”

“Anu? Bakit ako mauuna?” naguguluhang tanung ni Ran

“Eh kanina lang po nakita ko kayo sa labas?”

“Sa labas? Eh hindi pa ako umaalis dito sa station” iritadong sagot ni Ran

“Imposible po iyon ma’am kagagaling ko lang doon kani kanina lang ng makita kitang naglalakad papunta sa likod ng ospital. Kya nga napadaan ako dito para sana sabihin kila nurse Danreb na may pupuntahan ka” depensang sagot ng sikyu.

“Ha…..sigurado ka bang ako yun nakita mo, baka iba yun hindi pa tlga ako naalis dito sa kinalalagyan ko ha” medyo pasigaw ng sagot ni Ran

“Oo nga naman Sir, kasama naming ng magdamag etong si Ran at di umaalis, iba siguro yun” sabi ni Danreb na tinanguan pa ni Jamir.

“Eh sino po yung kausap ko kanina, kakambal ni Ma’am?” pilosopong sagot ng sikyu naiinis na rin  kasi ito.

“Nakausap mo ako?” namimilog ang mata ni Ran habang nag tatanung.

“Opo, napadaan ako sa likod kanina ng makita ko kayong naglalakad sa may kakahuyan, hinabol ko nga po kayo dahil baka may hinahanap kayo, tapos may kasama pa kayong bata ka holding hands.”

“Bata?” sabay sabay na sabi ng tatlo.

“Opo, tinanung ko kayo kung anung gagawin niyo sa kakahuyan, sabi niyo hahanapin niyo lang yung nanay niya, sabi ko sa loob na lang, sabi niyo nasa labas yung nanay niya. Sabi ko samahan ko kayo, sabi niyo huwag na, ako na lang. Tapos tuloy tuloy po kayo sa paglalakad papunta sa kakahuyan. Parang sa Morgue nga po ang tuloy niyo eh. Kaya hinayaan ko na lang kayo kasi close naman po ata kayo ng bata dahil kung makahawak po sa inyo parang tuko. Nakangiti pa.”

Nagtinginan ang tatlo at namutla silang bigla. Imposible tlga ang sinasabi ni Caien dahil wala naman ni isa sa knila ang umalis o nag break. Bumili na sila kasi sa labas kanina ang kanilang me-meryendahin. Nangatog ang mga tuhod ni Ran at napaupo, muli na namang nagbabadya ang pagtulo ng kanyang luha. Pati si Jamir at Danreb ay nanghina din bigla. Tinitigan lang sila ng masipag nating guard. Nagtataka, nag aalala at naguguluhan.

Paging Nurse Danreb and Jamir..pls proceed to the ER now……….

 Paging Nurse Danreb and Jamir..pls proceed to the ER now……….

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon