JEjemon Textm8

183 2 1
                                    

Binigyan ng 3 days rest si Ran dahil sa nangyari sa kanya sa ER. Kinausap kasi siya pag kagising niya kung anung nangyari, at gamit ang natitirang tapang ay kwinento niya ang kanyang napanaginipan. Iniisip niyang matatawa lamang ang head nila at admin pero napabuntong hininga ang mga ito at sinabing mag pahinga na lang daw muna siya. Sunod sunod kasi ang naging trabaho niya dis following weeks at pabago bago ng sched kaya na over fatigue na. Agad naman niyang tinanggap iyon, mukhang kailangan niyang mag unwind.

Umuwi muna sa kanila para maka pagpahinga ng mabuti, ayaw niyang maranasan ang kakaibang experience niya noon sa dorm. Hindi pa niya kakayanin ngayon. Napansin din ng mga magulang niya ang pagiging matamlay at parang wala sa sarili niya kaya naisipan nilang mag outing na mag anak, kahit sa kalapit probinsyang resort man lang. Pumayag naman siya at naisip ring makakabuti ang bagay na iyon. At nandito nga sila sa Punta Diana. Isang sikat na resort sa kanilang rehiyon. Maganda ang paligid dahil nasa mountainous area. May natural falls pa pag umakyat ka sa taas. Sa paligid ay puno ng fresh flowers at may golf course din. 5 ang pool at ang isa doon ay may 8 waves. Masaya ang buong mag anak at pansamantalang nakalimutan ni Ran ang problema. Wala ding bumabagabag sa kanya.

Pero hindi nagtagal ay kinailangan din nilang umuwi, muli na naman siyang nakadama ng lungkot at pag aalala, kasi bukas ay ang duty na naman niya, pero 7-3pm nah, hindi muna siya sa graveyard shift. Kasalukuyan na siyang nag aayos ng gamit niya sa bording ng may nag text, si JhazzToNie

JhazzToNie : eow feow..mhuxta nha xi JhazzToNie etoww...? (elow po, musta na si jestonie eto) napa tawa naman agad si Ran. Madalas na niyang nakakatext ito at nasanay na rin siya kahit papano sa jejemon texting. Nakakabali ng dila, at parang puzzle kung babsahin. Nag reply naman siya.

Ran: eto medyo malungkot balik trabaho na namn.

JhazzToNie: w46 n4 u M46 4L4L4, 4n6 64ndh4 nyu phow 54 pR0fh!L3 pHiK nY0w..jejeje (wag na po kaung malungkot, ang ganda nyo po sa profile pin nyo, hehehe)

Ran: Talaga, binobola mo naman ako eh, hehehe.....:)

JhazzToNie: tRu3 pH0w, 6u5tow nyu ph0w L4b45 t4yu, p4R4 d k4Y0w 54D? (true po, gusto nyo po labas tayo)

sandaling napa isip si Ran, alas dos pa lang naman ng tanghali, tsaka wala din siyang gagawin, why not.

Ran: Ok sige, kaw bahala

JhazzToNie: T4L4ga ph0w, 5!63 ph0w 5undu!n k0 k4y0 (talaga po, sige po sunduin ko kayo)

Ran: Naks may ride kah? iiling iling na sagot niya.

JhazzToNie: 54 m0t0R L4n6 ph0w!! jejeje (sa motor lang po, hehehehe)

Ran: Ahahaha, sige, wait kita dito after 30 min.

Nag ayos na si Ran. Sa toto lang di pa niya na m-meet ang lalaki kaya parang na excite din siya. Matagal na silang break ni Dino kaya time to look for someone. Hindi naman siguro siya nagkamali kay Jestonie. Mabait ito ka text at kadalasan mag send ng jokes. Kahit di pa nakikita feeling niya super close na sila. Maliban don, palagi ang pag po...magalang.

Narinig na niya ang pagdating ng motor, naka skinny jean lang siya at sleeveles blouse na pinatungan ng bolero. Ok naun, hindi naman sila magtatatgal, baka kwentuhan lang. Bumaba na siya, nakita niya si Jestonie doon. Napa arko ang kilay niya ng konti sabay ngiti. Nak ng, Totoy pa ata, mukhang high school. Halatang bata pa, Maputi, matangkad mga 5'10 siguro at tam lang naman ang katawan sa height. Naka cap, the jejemon style, at parang sasali sa rap contest. Medyo maluwang ang damit. Ngumiti ito sa kanya. Lumapit na man siya. Gwapo din pala ang textmate parang bata batang, pra siyang taller version ni Abra, ung rapper na may kantang Gayuma.

"hello po, miss Ran. I'm Jestonie pala" namputa ang gwapo nga. Iyong ang nasa isip ni Ran. Kinikilig siya. matamis kasi itong ngumiti at lalo pa siyang nakuryente ng nagdaupang palad sila.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon