Cardiac Arrest

192 3 0
                                    

Hindi pa rin mawaglit sa isip ni Ran ang huling kababalaghan na nangyari sa kanya. Hanggang ngayon nanlulumo siya sa pagkawala ng isa sa mga pinakamabait at magaling nilang doctor. Pagkatapos kasi ng pangyayaring iyon, tinanung siya ng kanilang chief nurse kung gusto niyang ma assign sa ER, nakita nila ang galing niya sa Emergency cases at kakayahang mag deal sa mga pasyente. Pero tinggihan niya iyon, medyo hindi pa siya nakaka move on sa kinasapitan ng doctor. Tatlong linggo na ang nakakaraan ng mangayari iyon pero sa isip niya parang kahapon lang. Kaya ngayon balik siya sa Surgical Ward.

Pagdating niya sa station, sinalubong agad siya ni Danreb. Pati ito nag aalala sa kaibigan. Malungkutin daw kasi siya lately.

"Oh fren, anu ok ka lang? antagal mo namang hindi maka move on, grabeh ka nah pag iinarte na yan noh"

"Anung inarte, 4-6weeks ang grieving process, 3ng lingo pa lang, may 3ng weeks pa ako" parang proud pa niyang sagot

"Ambisyosa para yun sa malalapit sa tao, bakit close ba kayo?" mataray na tanong ni Danreb. Medyo pabiro actually.

"Kahit na, kaw kaya ang makita siya na patay na pala"

"Eh si Ana din naman diba kwento mo nga kinausap mo, pati si Jerry, eh di mas grabeh yun, pero hindi ka naman ganyan. Type mo si Doc Danilo?"

"Ano? manahimik ka nga dyan,.HIndi noh, At yunng kila Ana isang taon nang patay, eh yun ay kamamatay lang. Hmph, umechose ka na nga, dami ko pang gagawin"

"Ay oo speaking of gagawin may bago kayong patient, paki monitor kasi Comatose siya, di pwedeng operahan" at umalis ang kaibigan niyan inaayos ang buhok.

Nasa nurses station siya noon nang sinabihan siyang sa kanya ang monitoring sa pasyente. Wala na naman siyang magagwa, ang kapangyarihan doon ay based on seniority, kumbaga sa studyante, freshman pa lang siya, alumni na yung mga kasama niya. Wala si CJ at Joh ngayon dahil na float sila sa maternity ward, kaya yung oldies niyang kasamahan ang na assign sa surgical ward. Laylay ang balikat niyang pumunta sa kwarto ang matandang pasyente, some head injury ang case, pagpasok niya napansin niyang wala man lang isa na bantay ito. Pinapayagan naman ang isang kamag anak. Tsinek niya ang monitor ng pasyente para malaman kung kumusta ang vital signs, ok pa naman lahat, walang problema sa breathing, circulation at BP. Ginawa na rin niya ang mga procedure na nakalagay sa chart nito. Mabilisan ang ginawa niya dahil hindi kaya ng katawan ng matanda ang matagal na stress dahil sa procedure.

Pagkatapos niya sa lalaki at pumunta na siya sa station at nagprepare ng medication ng mga ito. Yun naman ang kinatuwa niya dahil sa medication siya napunta. Hindi nagtagal nakapalagayan na niya ng loob ang mga kasamahan. Hindi naman pala ito gaya ng stereotype old nurses na masungit, utos ng utos at walang ginawa kundi mangaral sa mga baguhan, palibhasa mahilig mag Facebook, may pagka isip bata ang mga ito. Pero mukhang hindi mawala ang pagiging oldies dahil sa Farmville pa rin nahuhumaling ang dalawa. Nag eenjoy naman si Ran na kausap ang mga ito. Sino ba naman ang hindi, mag payabangan ba naman ng kung gaano na kalaki, updated at yaman sila sa Farmville. Hehehe yun na lang ang nasasabi niya. 

.

.

Psst............................................Psst.................................................napapitlag si Ran. Ayan na naman ang T2, hindi ulit siya mapakali, nagtayuan ang mga balahibo at parang may kakaiba pa siyang nararamdaman ngayon.....hindi niya maipaliwanag......

.

.

.

.

.

Ang sakit sakit ng ulo niya, ngayon lang niya naramdaman. Napansin din ng dalawang matanda na medyo umarko na kilay ng dalaga at kumukunot ang noo. Tinanong nila kung ayos lang ito at sinabi naman niyang inum lang siya ng paracetamol. Naka 1000mg tablet na siya, ay wala pa rin. Ilang sandali naisip na niyang mag 300mg/ml direct IV. Medyo nabawasan ng konti. Tuloy ulit ang kwentuhan.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon