Transient

345 5 0
                                    

Kararating lang ni Ran sa ospital ay panay na ang bira ng supervisor nila sa mga nurses sa female surgical ward. Dahil may kalapitan, naririnig ng lahat kung paano kainin ng buhay ng supervisor nilang iyon sa pamamagaitan ng salita ang kanilang kasamahan. Napatingin siya sa mga ito na tanging yuko at tugon ng oo o hindi ang naibibigay. Napailing ang bida natin, sigurado siyang may isa na namang aalis sa departmnt na iyon. Anu ba ang naging problema. Ganito kasi iyon.

Tatlo lang sila sa shift na iyon at may 45 na pasyente. Hati hati sa trabaho para maibigay ang pangangailangan ng iba. Ang masaya nito may mga student nurse na tumutulong sa kanila. Kaya lang nakalimutan ng Clinical Instructor na  over infuse na pala ng dalawang litro ng swero yung isang pasyente at ngayon nga ay nahirapang huminga, kinailangan niya ng Tubo para mailabas ang tubig sa baga. Kasalanan ng CI at Studyante pero kargo pa rin ng pinakataas iyon. Hay ang buhay nga naman, hindi masaya sa lahat ng pagkakataon.

Pumasok na siya sa kanilang station. Ayaw niyang makita ng terror na supervisor nila na nakiki osyoso siya. Mas kailangan niyang magfocus ngayon at medyo marami ang bibigyan ng gamot. Nag iba na sila ng gawain, sa kanya ang medication. Masaya na sana siya kung hindi lang nangyari ang kanina. For sure mag iinit ang mata ng terroristang yun sa lahat ng medication na ibibigay. Hay minalas na naman siya.

Napatingin siya sa Relo, oras na para magbigay ng gamot. Isa isa niyang pinuntahan at ininterview ng konti ang pasyente. Bilang isang responsableng nurse, kailangan mong alamin kung kelan huling binigay ang gamot at kung anung naramdaman nila pagkatapos, so far so good. Wala naman siyang naging problema sa kanyang trabaho, lahat ng pasyente nakiki-cooperate. Kaya lang kanina pa niya napansin ang dalawang babae na nag gagantilan. tawanan at hiyawan sa may veranda. Naalala niya si Ana. Muli siyang kinilabutan, buti na lang hindi na ito bumalik.

Mga alas 12 ng gabi ay narinig niya ang malakas na hiyawan at sigawan ng dalawa. Okey lang naman yun kung umaga at walang natutulog, kaya lumabas siya para pagsabihan ang dalawa. Nakita niya itong naka upu sa mono block na kinuha sa loob ng hospital lumapit siya sa mga ito.

"Ahm, good evening, alam niyo kasi medyo gabing gabi na as in super at maraming nagpapahingang pasyente kaya kung pwedeng hinaan natin ang sigawan. HIndi naman bawal pero kung pwedeng kayo kayo lang nakakarinig ay mas ma appreciate namin, ok lang ba?" nagtinginan lang muna ang dalawa bagi tumango. Napansin niyang parang takot na takot ang dalawa. Dala ng kyuryosidad ay tinanong niya ang mga ito.

"May problema ba mga ineng?"

"eh ma'am kasi po medyo natatakot kami sa may hagdan kanina. Parang may sumusunod sayo, tapos may nag sisit sit pa. Kayo po ba nakaranas na nito ng minsan lang?"

"Ha? ahm hindi pa naman..wala pah" ayawa niyang takutin ang dalawa,kasi pati siya natatakot na rin. Alam niyo na kung bakit. Pilit niyang inibahan ang topic. "bakit pala kayo ang nagbabantay, kaano anu niyo yung pasyente?"

"Barkada po namin, nagkaroon po ng ramble sa school tapos nadamay siya, nasaksak po ng mga tiga labas. Eh tutal wala naman pong pasok, kami na lang po nagbantay" napatango lang si Ran. Kaya pala tahimik ang lalaking pasyente dahil na trauma siguro sa nangyari. Nagpaalam siya sa mga ito at sinabihang wag ng gaanong mag ingay. Papalis na siya ng napahawak sa kanyang kamay ang isa sa kanila. Nagtataka si Ran.

"Eh pwede po bang magtanung ulit? Wala po ba kayong nararamdaman?" nakatitig lang ang dalawa sa kanya. Puno ng takot at parang may kakaibang nakikita ang dalawa. Kinilabutan ulit siya. Nagtayuan ang kanyang balahibo. Napa iling siya. HIndi niya kayang sumagot.

"Kasi po kanina nung nagbibigay kayo ng gamot, may napansin po kaming babae na nasa pintuan, tapos nakatingin lang sa inyo. Hindi po gumagalaw?" lalong kinabahan si Ran. Napansin rin niya kanina yun na parang laging may nakatingin sa kanya. Parang may nagmamatyag sa likod nIya, hindi niya pinapansin iyon pero di nagtagal nga ay nailang na siya. Napailing ito.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon