Exam Week

254 3 0
                                    

Off ngayon ni Ran at masaya siya dahil may panahon na siyang mag ayos nga gamit niya at maglinis sa kwarto. Maliban doon, muli na naman siyang makaka pag Fb ang kinaadikan ng lahat lalo na ng mga kabataan at feeling kasama sa ganung edad. Lalo pa siyang na excite dahil mababasa na niya ang favorite niyang nobela sa KBKP. Madalas niya rin iyong subaybayan. Hapon na ng magawa ni Ran  ang mga ito. Bumisita kasi muna siya sa bahay nila sa baryo at kinumusta ang magulang.

Pagdating sa kwarto niya, binuksan agad ang laptop at dahil naka wi-fi yung loob ng boarding house nila, may libreang internet, actually kuryente ang sinisingil ng may ari. Excited na siyang maki pag chat. Masaya siya ngayon dahil karamihan s mga frenship niya ay online. Kung anu anung topic ang pinag uusapan nila. May tungkol sa politics, luto ng dati nilang cook sa canteen nung highschool, sino ang nanganak, nag asawa at buntis sa batch nila, bakit block buster ang movie ni Sarah palagi, bakit pinatanggal ng dating principal nila na lalaki yung nunal sa may kaliwang banda ng labi niya, sino ang makaksama sa teleserye ni Marian, bakit mas malaki ang sweldo nung secretary nilang klasmeyt eh high school graduate lang, anung latest movie at ang tunay na matagalang topic, SEX. Dyan niya naramdaman ang pamamaga at pagsakit ng daliri dahil sunod sunod ang reply ng mga kasama niya. Hai, ang SEX talaga salita pa lang nakaka pagpa ngiti na. Umabot siya ng hanggang hating gabi. Unti-unti ay nagsitulog na ang kasama niya. Naisip niyang matulog na rin tutal masaya na siyang naki pag chat.

Bago pa man siya mag log out may nag pop up na Jhazzstonine ang name. Nakakabulol. Nag hi ito sa kanya.Nalaman niyang isa pala itong jejemon dahil pagkatapos ng hi, wala na siyang naintindihan sa sumunod na chat nito. Pero kahit papano, nakilala niyang Jestony pala ang name niya at gustong makipagkilala sa kanya. Game naman si Ran at nagpalitan sila ng number. Log off na si Ran.

Nakahiga na siya sa kama niya ng marinig ang maingay na galaw ng mga upuan sa katabing kwarto. Sa bandang kaliwa. HIndi naman siya nainis bagkus ay napaisip kung bakit parang may naglilipat. Saka niya naalala na Exam week pala ng mga studyante ngayon. Naalala niyang ganun din siya, matutulog ng maaga at gigising nga madaling araw para mag review. Naintindihan niya ang mga ito.

Boog. Bag..creech...booog...Kung anu anung tunog ang naririnig niya sa kabila. Minsan parang may mga pagkaing pinagpapasahan. Minsan may mga librong parang itinatapon. Naisip niyang tinatamad na ang mga yun kaya hagisan na lang ng libro. Napangiti siya.ganoon din ang style nilang magbabarakada noon. Paghindi maintindihan ang topic tapon ang libro, sinu mang pupulot ay siyang mag eexplain ng nabasa niya. Kadalasan bunutan ang ginagawa nila, kanya knayang topic after 1 hr ay saka discussion ng nabasa nila.Mataas ang makukuha ng naka pagretain ng kanilang napag usapan, kawawa ang palaging inaantok. isang huling ngiti. Pagpikit niya ng mata ay nakatulog na siya.

Tak.Tak.Tak.Tak. eeeeeeeeeeeiiiiiiitttttttttttt......... may mga yabag ng paa siyang narinig. Pagkatapos ay pagbukas ng pinto na nakakakilabot ang tunog. Naalimpungatan siya kasi medyo maingay na. Naisip niyang siguro bumaba ang mga ito para bumili o kaya ay magluto ng midnight snack at ng hindi makatulog. Patuloy ang yabag ng paa. Nakita niya sa ilalim ng pintuan niya ang anino. Dahil antok na antok na ay hinayaan niya na lang ang mga iyon. Tutal hindi naman gaano maingay saka bahala na si Rossy, ang land lady nila pag maaingay ang mga ito.

HAhaaha....oo nga...hehehehe...hahahahha.....anu ba yan.....hahhahaha.

Medyo naiinis na siya dahil na sobrang ingay na ng mga ito. Tipong nakalimutan na nila na may natutulog at sa lakas ng tawanan nila ay naglalaro na rin ata sila. pati kasi diding niya ay nababag bag na rin. Ayaw sana niyang bumangon dahil inaantay niya na si aling Rossy ang magdiskita sa kanila. Pero mukhang mahimbing ang tulog ng babae. Kahit na bumibigay ang mata sa pagtuklap bumangon si Ran sa kama at lumabas ng kwarto. Kinatok ang kaliwang kwarto na katabi niya at ng hindi pagbuksan ito ay sinigawan niya.

'Nak ng, kung gusto niyong mag review mag review kayo pero gawin niyo ng tahimik. Nakaka bulahaw ang ingay niyo. Pwede ba, isipin niyo kaming natutulog. Wala kayong makukuha kung gantilan lang kayo. Syet magpatulog kayo " At pabagsak niyang sinara ang pintuan ng kayang kwarto. Mukhang napahiya ang kabila at tumahimik ang mag ito. Wala na siyang narinig na kuing aung ingay. Parang walang tao sa kabila. Pero masaya na siya dahil nakatulog siya ng mahimbing.

Part II

Medyo tinanghali na ng gising si Ran pero ok lang dahil 11-7am pa rin naman ang duty niya ngayon. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at nagpunta sa veranda. Nasa second floor kasi ang room niya. Nag unat unat ito at tinignan ang mga estudyanteng pumapasok na. Malapit sa isang unibersidad ang kanyang tinitirhan. Doon din sa school na iyon siya nagtapos. Pagkalipas ng ilang sandali ay bumaba na siya para mag kape. Nakita niya si Aling Rossy na nagluluto ng tanghalian para ibenta sa mga estudyante.

"Good afternoon po aling Rossy"

"Oh ikaw pala Ran, tanghali ka na ata nagising? Anung ginawa mo kagabi?"

"Ay wala po chat lang. TSaka maingay yung katabi kong room. Hindi ako gaano nakatulog pa putol putol"

"Sino yung kila Merly?"

"Hindi po yung sa kaliwa. May Exam po ata eh naisipang mag gruop study ng madaling araw kaya lang maingay nung tumagal. Kala ko nga pupuntahan niyo at pagsasabihan. Pero ok lang ako na po ang nakiusap." nakangiti si Ran habang humuhigop ng mainit na kape.

Saka naman hinarap ni aling Rossy ang dalaga. Nakataas na naman ang kilay at naka pameywang. Nagtataka at parang may gustong tanungin.

"Sa kaliwa ba ika mo?" tumango lang si Ran. Masarap ang kanyang kape. "Paano nangyari yun eh yung kwarto mo na ang huling silid doon sa side niyo. Tapos veranda na ang kasunod? Hay naku Ran ah, nasobrahan mo naman ang pag kakape ha at baka nanaginip ka na naman. WALA NG ROOM SA KALIWA MO baka yung kila Merly yung sinasabi mo. hayaan mo't pagsasabihan ko sila mamaya." muling natulala si Ran. HIndi na masarap ang kape. Tumatakbo sa isip niya kung sino ang mga iyon at kanino ang pintuang sinigawan niya?

Patuloy sa pagluluto si aling Rossy. Adobong atay ang nasa menu niya ngayon. Pihadong magugustuhan ng mga boarders niya dahil datu puti soy sauce ang gamit. Sabi nga ni Manny, KNOCK OUT sa panlasa.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon