Doppelganger

212 4 0
                                    

Balik na naman sa dating oras si Ran. Tatlong lingo ang nakakalipas ng maranasan niya ang nakakakilabot na pangyayari sa kanilang boarding house. Dahil doon sinubukan niyang maghanap ng magsasabing may nakarinig din sa ingay ng gabibng yun. Pero wala ni isa man lang sa mga katabi niyang room ang naka alala. Lalo pa siyang kilabutan ng sabihin ng nila Merly na nag rereview din sila noong gabing yun pero wala namang maingay.

Napahiya pa siya at lalong nanlamig dahil sinabi ng mga eto na siya nga raw ang maingay dahil tawa siya ng tawa at parang may kausap sa loob ng room niya ng madaling araw. Siya pa daw dapat ang pupuntahan ng mga ito dahil maingay kaya lang bigla din daw siyang tumahimik kaya hindi na nila tinuloy.

Nahiwagaan siya sa mga nangyayari sa kanya. Sabi nila hindi naman daw sunod sunod at malalayo ang pagitan kaya baka nagkakataon lang. Pero may iba siyang pakiramdam. Kaya lang ayaw na niyang guluhin ang magulong buhay niya. Tama na yung problemang meron siya. At ang problema niya ngayon ay ang toxic na pasyente nilang kailangan ng every 15 min vital signs, assessment at procedure dahil kagagaling sa operasyon. at dahil tau-tauhan na naman siya, sa kanya ang trabaho.

Kauumpisa pa lang ng duty nila ay parang pagod na pagod na siya at inaantok, hindi naman siya dating ganoon, ngayon lang niya naramdaman. Mabigat ang katawan niya at parang umiikot ang paligid. Gusto sana niyang mag absent pero kaka abiso lang ng kaibigan niya na hindi siya mkaka absent nagyon dahil accreditation ng DOH sa kanilang hospital. Napahawak siya sa kanyang sentido at hinilot iyon. Parang magkakasakit ata siya. Exhausted na siya sa trabaho at pabago bagoing schedule nila.

Malas pa siya ngayon dahil maliban sa pag intindi niya sa pasyenteng kaka opera ay sa kanya ulit ang paperworks. Gusto sana niyang mag reklamo pero mukhang sinadya nila na sabihin iyon nung nag ra-rounds ang terroristang supervisor nila. Touch move na. Tiniganan na lang niya ang sarili sa salamin at huminga ng malalim.

"Aja, kaya ko ito..." at sinugod niya ng buong lakas ang 38 na paperworks para sa mga pasyente. Tama nag alal super girl siya sa sitwasyong iyon. Sulat dito, ayos doon, may konting interview din sa mga pasyente. Pagod na pagod na talga siya. Bahing na rin siya ng bahing at parang inaantok. Nasapat niya ang noo. Tama siya mag kakasakit siya, coryza....in short sipon/cold. Isang bahing ulit.

Mag aalas 2 na ng matapos siya. Sandali siyang napaunat sa kanyang kinauupuan. Pumasok naman ang dalawa niyang kasama at may dalang pagkain. Napangitib siya at sa kanyang isip, pampalubag loob nila. Gawa daw ng tita ni CJ ang cake na dala niya na sinabayan nila ng kapeng barako. Solve na siya sa ganoon. Nakalimutan niya ang hirap niya sa trabaho, parang miracle drug na nawala ang sipon at bahing niya, parang nasa picnic lang sila.

Nasa ganoong sitwasyon sila ng,

.

.

Psst....................napatahimik si Ran. Tumingin sa likod niya. May narining na naman siya. Tinignan ang mag kasama at sarap na sarap sa kinakain nila. HIndi siya umimik baka imahinasyon na naman niya. PAtuloy ang kwentuhan at tawanan nila, sandaling nakalimutan ni Ran ang narinig.

Psst...psst..................................inindya nanaman niya wala kasing naririnig ang mga kasama niya

Psst...psst...psst.......................................................mas malakas mas maami na naman, eto na namn siya parehong feeling nun sa hagadan. pero indyan lang.

Psst.....ms.....Ms. Ran..............................................ayun tinayuan na siya ng balahibo. Nangilabot an nanginig na rin ang buong katawan niya. Napansin naman iyon ng dalawa at nagtaka sila. Namumutla na siya at nanlalaki ang mata. Kinabahan na rin si CJ at Joh.

"Huy Ran ok ka lang?" nag aalalang tanung ni Joh. Hindi na kasi ito mapakali.

"Ahm anu, parang may tumatawag sa akin, napansin niyo ba?"

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon