Emergency Room

238 4 0
                                    

MAs maaga ang pasok ni Ran ngayon, 9:45pm siya dumating dahil sa ER siya pinunta. Kinulang ng staff ang ER dahil nagkasakit ang 2ng nurse. Eto naman talaga ang gusto niyang puntahan dahil dito siya dalubhasa. Halos lahat ng trainings na pinuntahan niya ay patungkol sa Emergency Response. NAtapos na niya ang Red Cross training pati ang US based Emergency Medical Team ay natapos na rin niya. Kaya lang palibhasa baguhan, kung saan lang siya pinunta. Ang ER kasi ay isa sa mga lugar na dapat ay may presence of mind ka lagi, dapat mabilis kang gumalaw, marunong sa gamot at hindi tatanga tanga dahil isang kamali lang, maaring mamatay ang pasyente. Kaya ang mga naka assign dito ay halos matagal na sa clinical area at pa laging updated sa emergecy treatment.

Hindi na siya nagdalawang isip ng i alok ito ng head nurse nila. Eto ang pagkakataong makakapag pakitang gilas siya at kung gaano siya kagaling dito. Hindi na niya kailangan ng matagalang orientation dahil minsan na rin siyang napunta doon noong volunteer pa lang siya. Super excited siya na mag duty. Kadalasan kasi sa mga ganoong oras nagkakaroon ng iba't ibang uri ng vehiculr accident, gunshot, minsan dahil sa pag aamok at away. Dito hindi ka mabobor.

Gaya nga ng inaasahan niya, saktong alas diyes ay dumating ang unang pasyente. Isang lalaki na lasing at sinamurai ng kainuman. HIndi naman grabe ang sugat nito kaya lang mukhang may dalawang bunganga siya dahil may 3inch wide na hati sa baba at 1.5inch ang lalim. Palibhasa lasing hindi nila gaanong makausap, pati nagdala sa kanya na kapitbahay ay lasing din, basta ang sabi, nagalit yung kainuman nilang isa, pumasok sa bahay at kinuha ang samurai na nabili sa Japan noong magtrabaho ito doon. Iiling iling ang doctor na magtatahi dito. Gusto mang pagsabihan ang lasing, wala di lang papasok sa kokoti. Inihanda ni Ran ang mga kakailanganin ng doctor. Walang anesthesia na ibingay. HIndi dahil lasing at parusa kundi mas safe sa pasyente. Sedating agent ang alcohol kaya pag binigyan mo pa ng anesthesia, baka lalong makatulog at hindi na gumising. Ilang sandali tapos na ang pagtatahi.

May mga ilan ilan na pumapasok dahil sa matinding sakit ng tyan, nahihilo, namamga ang kaliwang bahagi ng katawan, suka ng suka at nagtatae. Minor cases lang naman, meron din pala silang inadmit na manganganak nah. Tumagal ng dalawang oras ang paghiihintay nila bago dumating ang bagong pasyente. Isang matandang babae na madumi ang damit, magulo ang buhok at tama ka isang pulubi. Dahil likas na mabait ang nurse, tinulungan na nila ito, masakit na masakit daw ang ulo niya at ngayon lang nangyari.

"Ineng salamat ha, hindi ka namimili ng tutulungan"

"Naku, hindi naman po, trabaho talaga namin ang tumulong"

"ang bait mo naman, sana lahat katulad mo, noong nakaraan na pumunta ako dito, binigyan lang ako ng paracetamol at pinaalis na"

Napangiti lang ang dalaga, habang hinihiga ang matanda, dehyrated pala ito at bibigyan ng swero.

"Alam mo, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ulo ko na ganito kasakit"

"Bakit po? may pattern po ba nag pain?" nag aases na ang Nurse.

"OO napapansin ko pag ganito ka grabe, maraming mamatay"

Natahimik sandali ang dalaga, eto na naman siya, kinikilabutan, tinatayuan ng balahibo. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam.

"Baka naman po nagkaktaon lang?" tanung ng dalaga.

"Siguro, pero ineng ang laks talga ng pakiramdam ko lalo na nung pumasok ako dito sa ospital niyo"

"Hmnn...pahinga na po kayo." iniwan ng dalaga ang matanda sa observation room. May nurse din na nakatalaga doon. NAhihiwagaan siya sa sinasabi ng matanda. Pero para hindi na naman matakot, sinupress na lang niya ang sinabi nito. Mas mahalaga ang concentration nya sa trabaho. Mag isa pa naman niya ngayon dahil nasa ICu yung dalawa niyang kasama, may tinignan lang sandali. Napaupo siya sa swivel chair, in-on ang TV at pinunta sa Myx.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon